Chapter 43- Heart attack

124 4 0
                                    

Suzi POV

"Hoy, ano na namang kalokohan ang nasa isip mo at ngiting ngiti ka?" hindi ko mapigilan na magtanong sa lalaking katabi ko kase kanina pa talaga siya nakangiti.

Tumingin siya sa akin sandali bago agad na binalik ang tingin sa daan, he's driving kase. "Excited lang."

My mouth parted. "What the... You're excited while I'm freaking nervous!"

Kinakabahan ako at siya naman excited. Ano ba 'yan, bakit ganon? I decided to finally introduce him to my father, or my family. At alam kong walang trabaho si daddy ngayon, hindi ko nga din alam kung paano ko sila haharapin after what happened. Basta bahala na si Batman.

"I'm also nervous. Hindi ko lang pinapahalata," hinawakan siya kamay ko gamit ang kaliwang kamay niya. "Don't worry, babe. Walang mangyayaring masama."

Pinatong ko kamay ko don. "I hope so."

After a how many minutes, we finally arrived. Lumabas na si Drake at pinagbuksan ako ng pinto, pagkalabas ko bigla akong naduwag.

"Sure ka ba na ready kana?" tanong niya. Sayang naman pagpunta namin dito. Tumango nalang ako at umayos ng tayo.

Agad naman kaming pinagbuksan ng pinto, nilibot ko ang paningin ko sa sala at hindi ko sila nakita. Chineck ko ang oras at lunch na kaya tiyak na nasa dining area sila.

"Tara," aya ko sa kaniya at hinawakan ang kamay niya papasok sa dining area, agad din naman naming nakuha ang atensiyon nila. Pagpasok palang namin.

Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Drake. "Good afternoon," sabi ni Drake.

"Have a seat," my father said coldly.

"Pwede ka pang bumack out, drake. Sure kana?" bulong ko sa kaniya.

He chuckled. "Ano ba, wala nang atrasan," sabi niya sabay hila sa akin sa may bakanteng upuan, pinaghila niya ako kaya umupo kaagad ako.

The maids instantly gave us plates and other utensils. A long silence filled the dining area, no one spoke, we just ate.

"So, who's with you?" tanong ni daddy ng matapos na siya, ganon din kami. Dahan dahan naman na niligpit ng maids ang kinainan.

"I'm Drake po. Alex Drake Sedan," pansin ko naman ang paghigpit ng hawak sa baso ni daddy, ganon din ang pananahimik ng stepmom ko.

"How are you related to Diana Sedan?"

"She's my mom po."

"Your mom... " mahinang saad ni daddy. "How about her? What's your relationship?"

Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. He never said that I'm her daughter. Simple lang namang sabihin na 'What's your relationship with my daughter?' ganon na ba kahirap yun para sa kaniya.

Tumikhim naman si Drake. "She's my girlfriend."

"What?!" sigaw ni dad kaya nagulat ako. Tumingin naman ako kay Drake at tiningnan reaksiyon niya pero ganon pa din, hindi man lang nagbago.

"I'm her girlfriend, dad. And I'm here to introduce him to you, as well as my stepmom and Jake. Please, support me with this. Kahit ito lang, dad," nagmamakaawa kong sabi habang nakayuko.

Nagulantang naman ako ng hinampas niya ang kamay niya sa mesa na naging sanhi ng malakas na tunog. "How can I support you with this?! Bakit kita susuportahan sa kalandian mo?!"

Napansin ko naman ang pagkuyom ng kamao ni Drake na nasa ilalim ng mesa kaya hinawakan ko ito. "Sir, your daughter is not a flirt—" napapikit nalang sa inis si Drake at ramdam ko kung gaano niya pinipigilan ang sarili.

"I don't have a daughter like her!" sigaw niya kaya mas lalong nanikip ang dibdib ko, parang kunti nalang ay maiiyak na ako.

"What kind of father are you to say that to your daughter?!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at sumigaw din, alam kong nagulat siya, halata sa mukha. "Punong puno na ako sa'yo, dad! Sawang sawa na ako sa linya mong 'yan! Oo na, wala kang anak gaya ko pero kailangan mo pa talagang ipagsigawan?! Kailangan pa talaga akong ipahiya?!" nanlalabo na paningin ko dahil sa mga luhang papakawala na.

It just so painful to hear those words from your own father. Ang masakit pa this isn't the first time, I bet hundred times. Halos sabihin na niya sa buong mundo, tuwing may party naman dito sa bahay hindi niya ako pinapalabas parang kinakahiya ako na ewan. Kaya ang sakit niyan sa part ko.

"Suzi! How could you shout at your father?! Alam kong wala kang respeto pero kahit sa ama mo nalang, magpakita ka naman ng respeto!" this time, it was my stepmom who shouted.

"Respeto. Wow, big word," tumawa ako ng sarkastiko. "You're asking me to respect him? May I ask you, did he respect me?"

"He's older than you besides he's your fathe—"

"Bullshits! That's bullshits!" putol ko sa kaniya. "How can I respect my father if he doesn't respect me?! And you're saying because he's older than me? I respect people if they deserve it, and in this case he doesn't deserve it! Don't use age as an excuse for you to be respected!"

"Ate... " rinig kong saad ni Jake.

"I just came here to introduce my boyfriend and then, this will happened? Sana pala hindi ko nalang siya pinakilala sa inyo, hindi naman kailangan e! Sino ba naman ako sa pamilyang 'to diba?" tumayo na ako. "I'll go."

Hinawakan ko sa kamay si Drake at hinila palabas, narinig ko pa ang sigaw ni daddy pero hindi ko ito pinansin at patuloy lang na hinila si Drake hanggang sa nakalabas na kami ng bahay.

"Babe—" I cut him off when I burst into tears.

"I'm sorry... " I said to him between my sobs.

He shook his head and hugged me. "No, I'm sorry. I thought this won't happen kaya kampante ako but I was wrong. I'm sorry, babe."

"Am I a bad daughter?" I asked him.

"No, you aren't."

"Bakit ganon nalang ako kasama sa mata ni dad? Don't I deserve to be his daughter? I never dreamed anything but for him to give attention to me, anak din naman niya ako e pero bakit... bakit ganon... " halos nahihirapan na akong huminga dahil sa hikbi ko, naramdaman ko naman na hinaplos niya ang likod ko.

"Ako naman ang anak niya sa asawa niya, ako ang unang pamilya pero bakit parang ako yata ang nakikipagsiksikan sa kanila?"

Habang nilalabas ko lahat ng hinanakit ko sa ama ko ay nakikinig lang siya. Kahit tahimik ka lang siya nakatulong siya sa akin. I'm not a vocal person to anyone lalo na sa problema ko, kase sanay akong mag-isa and I'm so glad that he's here to comfort me.

"Babe—" naputol ang pagsasalita niya ng biglang may umalingangaw na tunog ng ambulansiya, agad na gumapang ang kaba sa dibdib ko ng tumigil ito sa harap ng bahay namin.

Pero mas lalo akong kinabahan ng biglang lumabas si Jake at isa sa mga katulong na hawak hawak si daddy na walang malay. Tulala akong nakatingin ng pinahiga ito sa hospital bed.

Agad akong natauhan ng biglang may sumampal sa akin, sunod sunod na tumulo ang luha ko. "Masaya kana?! I told you not to shout at ngayon nakita mo na kung bakit?! Inatake ang ama mo at dahil wala kang kwentang anak hindi mo alam na may sakit siya sa puso!"

Agad din naman siyang tumalikod at sumakay sa ambulance car leaving me dumbfounded. Naramdaman ko nalang ang pagyakap sa akin ni Drake at hinaplos haplos ang pisngi ko.

"What did I do?" naghehysterical kong tanong sa sarili habang patuloy na humihikbi. 

Sky University: Kings & QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon