Monica POV
Nakangiti akong naglalakad patungo sa SSG office, hindi talaga naaalis ang napakaganda kong ngiti sa labi dahil na din sa magandang nangyari kahapon.
Anyway, pupuntahan ko lang naman ang mga paimportante kong kaibigan, magsasabay daw kaming maglunch kaya puntahan ko daw sila sa office. Mabuti nalang love ko sila, naku.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng...
"Charna, ano ba kase ang ginagawa mo dito?" rinig kong tanong ni Suzi.
"Oh come on, Suzi, nandito ako para bawiin si Xylem sa sino nga ulit yun? Monica? The model? Tsk. I'm more beautiful than her, aren't I?"
"You're unbelievable, Charna. Bumalik ka lang dito parang mang-agaw—" naputol ang sasabihin ni Zaria.
"Excuse me?!" napakaarteng singit ni Charna. "Correction lang, Zaria ha. Bawiin is the right word. Mang-aagaw? Duh, Xylem is mine to start with, so why would I steal him?"
"You're being delusional. Xylem WAS yours. Pero ngayon hindi na kaya 'wag ka ng manggulo. Kung hindi ka nagloko edi sana sayo parin siya pero, Charna, wake up in your illusions. Xylem already had Monica, so let them happy," sabi ni Alya.
Napangiti naman ako, they're indeed my real friends. Nagtataka pa din ako kung bakit parang galit yata sila kay Charna? I mean, dapat masaya sila diba? Kase at last for I don't know how many years nakita na nila ulit ang kaibigan nila. Syempre, kaibigan kase ex queen nga siya e.
"You're all impossible! Ngayon hindi na ako ang kinakampihan niyo? You just give me a reason why I wouldn't listen to you all! I'm your long time friend! Tapos ipagpapalit niyo ako sa Monica na yun na hindi pa nga nagtaon ng magkakilala kayo!"
"But she's real. Eh ikaw? Noong mga panahon bang yun tinuring mo kaming kaibigan ha?!" sagot ni Alya.
"You doubt my friendship with you?" pagdadrama ni Charna. "I hate you all! Kahit anong pagpipigil pa ang sabihin o gawin ninyo, I will never stop chasing Xylem. Specially now that he confessed to me that he still love me!"
Xylem still love her? Then what is he doing with me? Ano 'to? Paasahin niya ako? Ang tanga ko naman para hindi mapansin yun. Pero hindi ako maniniwala dun! Gawa gawa lang niya yun, naniniwala akong mahal ako ni Xylem ng buong puso.
Narinig ko naman ang yapak papalapit kaya tumago ako sa likuran kong saan hindi ako makikita. Nang tuluyan ng mawala sa paningin ko si Charna ay agad akong lumabas sa pinagtataguan ko.
Agad kong binuksan ang pinto at naabutan ko silang nakaupo sa isang sofa na nakatulala.
"What's with you guys?" nakita ko naman sa mga mukha nila ang gulat. "What happened? I just saw Charna leaving, may nangyari ba?" pagpapanggap ko.
Umiling naman si Suzi. "Bakit ang tagal mo?" tanong niya.
"Hinanap ko kase si Xylem sandali, hindi ko nakita e. Naisip ko baka gutom na kayo kaya inuna ko muna kayo," nakangiti kong sabi.
Uh-huh. Hinanap ko siya, hindi siya pumasok sa mga klase ngayong umaga e. I wonder where he is? He can't probably with Charna kase kakabalas palang niya.
"Uh... " tango tango niyang sagot.
"Maaga pa naman para maglunch. Kwentuhan niyo kaya muna ako tungkol kay Xylem at Charna before," sabi ko.
"Sigurado ka ba?" tanong ni Zaria kaya tumango ako. "Xylem and Charna is one of the famous couple here, inside this University before."
"Ang sweet kase nila halos araw araw magkasama, magkausap, basta ang sweet nila." -Alya.
"Nong naging sila, parang nabalewala kami non. Yung parang nakalimutan kaagad kami ni Charna kaya ganon nalang kalaki ang tampo namin sa kaniya e." -Zaria.
"They are already the perfect couple not until Charna cheated. Para bang hindi pa nakuntento kay Xylem at naghanap pa ng iba, alam mo kung anong rason niya? Dahil masyado daw clingy at possessive si Xylem. Katangahan ni Charna." umirap si Suzi.
Ang tanga nga niya, literal. Para lang naman siyang nagsayang ng ginto. What's wrong with being clingy or possessive? Maganda nga yun e.
"Yeah, tapos nang maghiwalay sila todo dikit ulit sa amin kaya nakakairita yun e kase parang option lang kami sa kaniya. Yung tipong kapag walang wala na siya, kami pupuntahan niya. Kainis!" -Alya.
"After week before they broke up, Charna told us that she'll leave. Okay lang naman sana sa amin kaso nakakatawa lang ng sinabi niya sa amin na kase aalis daw dito sa Pilipinas yung lalaki niya!" -Zaria.
"Grabe naman katangahan niya tapos ito siya ngayon napakakapal ng mukha para harapin ulit si Xylem," sabi ko at bumuntong-hininga.
After their storytelling, agad din kaming naglunch, hindi din naman kami nagtagal dun at umalis agad. Nahagilap ng mata ko si Ethan habang naglalakad ako kaya nilapitan ko ito.
"Hey, alam mo ba kung nasaan si Xylem?" tanong ko sa kaniya.
"Ah oo. Tarantadong yun, tinext lang ako para sabihing bilhan ko daw siya ng gamot! May sakit, tanga kase," sabi niya kasabay ng panlalait pa.
Natawa naman ako. "Ano ba'ng nangyari?"
Kumamot siya sa batok. "Hindi ko alam."
"Bweset," natatawa kong sabi. "Ako nalang bibili ng gamot at ako na din maghahatid. Ayos lang ba?"
Tumango naman siya. "Mabuti pa nga. Sige, salamat!" agad din naman siyang umalis.
Hays, kawawang Ethan. Pretending to be happy pero sure akong deep inside nalulungkot at nasasaktan 'yan lalo na ngayong palagi magkasama si Kenji at Zaria. Kaso galit ako sa kaniya ng kunti, kunti lang, pinaglaruan niya kase ang pinakakamamahal kong kaibigan. So childish.
Agad naman akong sumakay sa kotse ko at dumiretso sa drug store para bumili ng gamot, after that I drove my way to their house. Syempre alam ko na kung saan, nakapunta na ako dito e noong may sakit din siya.
Napakasakiting tao!
Nagdoorbell naman ako, pinapasok din naman kaagad ako kase kilala na nga ako e. Sinalubong naman ako ni Xyrielle pagpasok ko sa loob ng bahay nila.
"Ate! Mabuti nalang pumunta kana dito, ate, get that devil out Kuya's room because she's bad!" sabi niya at pagkatapos ay tumakbo papasok sa nasisiguro kong kwarto niya.
Anong devil naman kaya ang sinasabi niya? I mean, sino kaya? Hindi kaya tinutukoy niya ay ang sakit niya? Nevermind. Naglakad naman kaagad ako papalapit sa pinto ng kwarto ni Xylem bago ito binuksan.
Kasabay ng pagbukas ng pinto ay pag hulog ng mga gamot kong dala sa kamay ko dahil sa nasaksihan. I just saw him kissing Charna! In this freaking room! Kung hindi pa pala ako dumating ng maaga baka ano ng kababalaghan ang nagawa nila.
Napatingin naman silang dalawa sa akin, gulat ang rumihestro sa mukha ni Xylem habang nakangisi naman si Charna.
"Mukhang.... " napatigil ako ng nagsilaglagan ang luha ko. "Mukhang okay ka naman e. Alis na ako!" taranta kong sabi bago tumakbo palayo hanggang sa makalabas nalang ako ng bahay nila hindi man lang niya ako tinawag o sinundan or at least explain his side!
I have the guts to walk away because I thought he'll come after me but he didn't! And that's what hurts the most. Great, Xylem. Just great.
Fvck! This is the second time I witnessed my man kissing another girl and shit, but the pain that Xylem just gave me is different. Mas masakit kesa sa ginawa ng ex ko. Pero pareho lang sila, nakipaghalikan sa ibang babae!
Hindi naman sakit yung binibigay ko sa kanila pero tangina... bakit yun ang natatanggap ko?
BINABASA MO ANG
Sky University: Kings & Queens
Teen FictionKings Alex Drake Sedan Xylem Von Velasquez Ethan Blake Salazar Chase Anthony Lee & Queens Suziana Jane Imperial Monica Anne Garcia Zaria Fate Dizon Alya Diane Fuentes ••••• They are complete strangers. They're famous yet they know nothing abou...