Chapter 60- Yes

156 5 0
                                    

Alya POV

Magdamag yata akong umiyak habang hinihintay siya dito sa sala kagabi pero hindi talaga siya umuwi kaya ito ako ngayon, sabog. Malalaking eyebags, bubaghag ang buhok. Parang walking zombie lang. 

*door bell*

Lumaki naman mata ko at agad na lumapit sa pinto, not minding about my looks, the important thing is, Chase is here. My smile faded as soon as I opened the door, showing my three friends.

"What's with you?" tanong ni Suzi.

"What's with you?" tanong ko pabalik. "What are you do here? It's not your thing to visit our house."

They sighed, as in sabay sabay pa kaya nagkatinginan sila at natawa pero dahil wala ako sa mood para tumawa ay hindi ako sumabay.

Pumasok naman sila ng hindi ko sinasabi, kahit kailan talaga ang mga ito, hindi marunong magtanong kung pwedeng pumasok! Napansin ko din na nakabihis sila, may lakad yan?

"Saan naman punta niyo?" tanong ko at sumunod sa kanila, umupo ako sa tabi ni Monica.

"Lamay," sagot ni Zaria.

Tumaas kilay ko. "Sino naman paglalamayan niyo?" wala naman akong nabalitaan na may namatay e, isa pa, iba outfit nila! Hindi 'yan panlamay, pandate 'yang outfit na 'yan.

"Pagmamahal ni Chase sa'yo," sabi ni Monica kaya napasinghal ako. Akala ko naman kung ano, pisti naman oh!

"Kung nandito kayo para sirain mood ko, pwede na kayong umalis!"

"Napakainit naman ng ulo mo, misis. Hindi din naman kami magtatagal, may mga date kami e," sabi ni Zaria.

"Mas lalo niyo lang akong iniinis. Pakealam ko naman kung may date kayo?!"

"Nabibitter siya 'te," asar ni Suzi na nagpatawa sa kanilang tatlo.

"Nang-aasar ba kayo? Kung natutuwa kayo sa pang-aasar, pwes ako hindi!"

Kakaasar talaga 'to! Porket masasaya na love life nila e, akin kase noon ang saya tapos ngayon nganga nalang! Chase, kasalanan mo 'to e! Hindi man lang ako niliwanagan bago umalis, pisti talaga.

"Oo na! May binigay kase sa akin si Drake na papel," saad ni Suzi at may kinuha sa bag niya. May kinuha siyang papel at inabot sa akin, agad ko naman itong tinanggap at binasa. "Lugar 'yan, sabi niya utos daw 'yan ng ama mo sa'yo. Puntahan mo daw."

"Bakit 'di nalang si Kuya ang pumunta?" reklamo ko.

"May date kami e, gawin mo nalang, Alya. Please!" pagsusumamo niya.

"Ano naman gagawin ko?"

She shrugged. "Hindi ko alam, baka about business. Sige na, alis na kami!" agad din naman silang nagmamadali na lumabas.

Aba, bibigyan pa nila ako ng palaisipan kung anong gagawin ko sa lugar na 'to. Nakalagay dito, 'Butterfly Garden' tapos kung saan. Ano naman gagawin ko sa hardin? Mandadakip ng butterfly?

Tumayo nalang ako at pumasok sa banyo para maligo pagkatapos ay pumasok sa walk-in closet ko para maghanap ng susuotin. Since, butterfly garden yun. I chose something na mababagay sa lugar na yun. 

I wore mini skirt and a pink off shoulder flowy blouse na may design na bulaklak. Oh diba! Ang cute ko. I let my hair flow and put some light make up. Pagkatapos ay agad din akong bumaba para umalis na. 

I went to my car and started driving. I'm humming while driving, I don't know parang nag-iba yata mood ko. From being sad to being... hmm, I don't know. A little bit happiness but still sad tho, mix emotion yan?

Sky University: Kings & QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon