Chapter 44- Promise

124 4 0
                                    

Suzi POV

I slowly opened my eyes. Ano ba'ng nangyari? Agad na bumalik lahat na nangyari kahapon sa isip ko kaya bigla akong napatayo sa kaba.

"Bakit?" agad naman akong napalingon kay Drake na nasa gilid ko pala at mukhang wala pang tulog. "Magpahinga ka nalang, babe. You need it, you fainted so you need to rest."

"S-si dad?" nag-aalalang tanong ko.

"Don't worry, maayos na siya. I called Jake and asked him," sabi niya at pinahiga ulit ako.

Agad din naman akong nakahinga ng maluwag, mabuti naman okay na siya. Hindi porke't panget ang pagtrato niya sa akin ay wala na akong pakealam, huh? He's still my father, I won't be alive if he's not here.

"Babe?" sambit ko.

"Hmm?" antok na sagot niya.

"Matulog kana," nakangiti kong sabi. "Nakikita ko ang malulusog mong eyebags kaya magpahinga kana."

"No! Hindi ako magpapahinga hangga't hindi ka pa okay. You're burning last night that's why I stay all night watching you."

Napangiti naman ako. "I'm okay, really. Okay na okay na ako Drake, 'wag kang OA."
"Kung ganon matutulog na nga ako," sabi niya kaya napataas kilay ko pero agad na umawang labi ko ng tumabi siya sa akin. Hindi nalang ako nagsalita pero alam kong namumula ako. "Babe, natahimik ka ata."

"Kaninong kwarto 'to?" pagkausap ko.

"Mine. Nasa condo kita," shit bakit nakakataas ng balahibo boses niya. Alam niyo yung boses ng bedroom voice? Argh! Erase! Erase!

I gulped. "Okay... "

And then, just like that, silence filled us again. Sinilip ko naman siya at nakita kong nakapikit na siya kaya humarap ako sa kaniya at tinitigan ang bawat anggulo ng mukha niya.

"Babe, kapag hindi ka pa mag-iwas ng tingin, hahalikan talaga kita," my lips pursed when he spoke and slowly opened his eyes. All along I thought he's already sleeping!

"Try me," biro ko. Biro lang talaga 'yun pero ang bakulaw ay tinotoo at hindi man lang ako hinayaan na sabihing joke lang at agad akong sinunggaban ng halik.

Gusto ko siyang pigilan dahil ano mang oras ay makakagawa talaga kami ng hindi pa pwede, dagdag pang nasa kwarto niya kami at walang ibang tao dito bukod sa aming dalawa, pero ang tanga ko at hinalikan ko siya pabalik.

Hanggang sa pumaibabaw na siya sa akin kaya automatic kong pinalibot sa leeg niya ang kamay ko at pinalalim ang halik.

Omygosh, Suzi! Lumayo ka sa tukso!

Medyo tumagal pa 'yun and I'm super thankful na siya na mismo ang pumigil sa maaaring mangyari sa amin. Pareho kaming naghabol ng hininga, ramdam ko ang tingin niya pero hindi ko siya tiningnan dahil biglang nagsink in sa isip ko ang ginawa ko kaya ngayon ako'y hiyang hiya. Argh! Suzi, you must be out of your mind.

"That's was close. Huwag mo na akong tutuksuin ng ganon baka sa susunod ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko't angkinin ka," sabi niya kaya ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. "Oh? May sakit ka na naman? Bakit ang pula mo?"

Sa hiya ay tinulak ko siya paalis sa ibabaw ko na ikinatawa niya. "I was joking but you took it seriously..." mahina kong saad habang hindi pa din siya tinitingnan.

"Ganda mo naman magbiro," sabi niya kaya sinamaan ko siya no tingin. "Mabuti nalang talaga at gusto kong ireserve 'yun sa mismong honeymoon natin."

Umirap ako. "We're not that sure if we'll end up for each other."

Bigla siyang sumeryoso kaya umiwas ako ng tingin. Hindi ko babawiin ang sinabi ko kase hindi naman kami talaga sure kung kami talaga sa huli e.

"Let's make it sure," agad kong binalik ang tingin ko sa kaniya. "Marry me, Suzi."

Literal na nanlaki ang mata ko. "Drake, you're kidding, right?"

"Do I look like a joke to you, babe?"

I gulped. "But we're too young for marrying."

"Then, let me make a promise to you," hinawakan niya ang kamay ko. "I promise that I will be your groom, we're not that sure yet but I'll make it true," kumuha siya ng roller coaster na junk food sa side table at sinuot 'yun sa daliri ko. "That's a promise, babe."

Naramdam ko naman ang isang butil na luhang tumulo mula sa mata ko. "Promise me that you won't leave me."

He smiled. "I promise. You too."

As what they say promises are meant to be broken, naniniwala ako diyan noon pero ngayon habang nangangako sa akin ang lalaking pinakamamahal ko ay hindi na ako naniniwala sa kasabihan na 'yun. Sana man lang ay tuparin niya ang pinangako niya dahil hindi ko talaga kakayanin kapag iniwan niya ako.

"I won't. I will stay no matter what."

Sumiksik ako sa kaniya na ikinatawa niya, niyakap niya ako kaya napangiti ako. Hinaplos haplos niya din ang buhok ko, ang hilig niyang gawin 'yan.

"Diba't ikaw nga yung reyna at ako ang iyong hari.Ako yung prinsesa na sagip mo palagi..." he started singing. I smiled when I remembered that he send me a voice message through messenger and I still can't believe that he is now singing it. "Ngunit ngayon marami ng nagbago't nangyari. Ngunit 'di ang pagtingin na gaya parin Da-ra-rat-dat dati 3x~"

"I love your voice," pag amin ko.

"I love you," naramdaman kong hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. 

I chuckled. "I love you more."

"Nah. I love you the most."

"Don't fought with me, I love you more than the universe."

"But I love you more than the stars, moon and galaxies."

"Mas mahal mo pa ako sa  mommy mo?"

Tumahimik naman siya na ikinatawa ko. "Babe, don't question an obvious answer."

Kumawala naman ako sa pagkakayakp niya. "You love your mom more, don't you?"

"Syempre—"

"Don't talk to me," tinalikuran ko siya ng may pilyong ngiti. Mama's boy talaga.

Niyakap naman niya ako at isiniksik ang ulo sa leeg ko. "I love you both so much in different ways. I love you romantically while I love my mom because she's my mom."

I chuckled and faced him that has a frown in his face. "I was kidding. I'm just testing you, babe." 

"Nasty woman!"

"Babe, how can I face dad?" I asked, feeling lonely. "Paano ko siya haharapin kung ako ang may kasalanan kung bakit siya naospital?"

"Hindi mo naman kasalanan e, nasaktan ka lang ng sobra. To be honest, babe, I'm so proud of what you did. Nilabas mo lahat ng galit mo, sana naman matauhan ama mo."

"Sana nga, sana maayos na din siya..." bulong ko at bumuntong-hininga.

"Magiging maayos siya, tiwala lang."

"Do what you promise, Drake ha? You'll stay kahit ano pa'ng gawin ni daddy lalo na't ngayong alam na niya."

"I promise... "

Sky University: Kings & QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon