Suzi POV
Nakatulala akong nakatitig sa kung saan habang nakalublob ang paa ko sa pool ng bahay na 'to. After namin magbreakfast ay napagtripan namin yung pool nila, lahat sila basang basa na pero ako paa palang yung nabasa.
Bumuntong hininga ako. Pansin ko lang wala yata si Drake dito, hindi sa hinahanap ko siya ah! Curious lang kung bakit wala siya dito.
Mga twenty minutes na yata kami dito, habang nagsasaya sila, ako nandito nakatulala lang sa kawalan. Hindi din nila ako binabasa kase alam nilang sasabog ako. I'm a hot tempered woman, they never dared to—.
"Fvck!" I cursed. Natapunan lang naman ako ng tubig, sasabihin ko pa naman sana na hindi nila ako binabasa kase alam nilang magagalit ako but I thought it wrong. Now, here I am. Soaking wet.
Lahat sila napatigil sa pagtawa, pagsalita at pag-aasaran. Pakurap kurap pa hanggang sa halos sabay sabay na silang nagsalita, nagsisisihan.
"You—" my words cut off.
"Oh! Saan ka pupunta?" tanong ni Xylem kaya napatingin ako sa direksiyon na tinitingnan niya. No other than, Drake. Bihis na bihis ito, may lakad ata.
"Sorry ha. I have to meet someone right now pero babalik naman kaagad ako, sandali lang 'to!"
"Kuya! Is that more important than your sister's celebration?" pagtatampo ni Alya.
Drake chuckled. "Huwag mo akong dramahan, Alya. Importante 'to, malalagot ako kapag hindi ako sumipot. Sige na, babawi ako mamaya! Bye guys!" and just like that, he leave. Ang sakit lang sa part na hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Mukhang okay na siyang wala ako ah, ako kaya? Kailan?
"May date kaya yun?" ani ni Ethan kaya napatingin ako sa kanilang lahat na hindi ko inexpect na nakatingin din pala sa akin. "Aray! Sino ba tumapak sa paa ko? Masakit yun ah!" reklamo ni Ethan.
"Napakabaho kase ng hininga mo, 'wag ka nalang magsalita. Pwede?" saad naman ni Zaria kaya napanguso si Ethan. Ano yun? Bati na sila? Mukhang narealize yata ni Zaria ang pagsagot niya kaya tumikhim siya at lumangoy nalang palayo.
"Asus! Ikaw, Ethan ah! Dumadamoves kana naman," kantyaw ni Xylem.
"Hindi pa ako gumagawa ng moves, bobo!"
"Ah so may balak?" singit ko. Nagkibit balikat lang siya at lumangoy na din, ano ba 'yan palagi nalang siyang lumulusot sa mga katanungan ko.
Tumalon nalang ako sa pool at maling desisyon yata yun kase parang out of place ako dito e, lahat ba naman sila may kapartner! Ang ingay pa, para akong nasa palangke.
Palengke ng mga magjowa! mag-asawa! mag uhm... ano ba 'tong dalawa? mag ex? Basta! Ang ingay nila, period.
FAST FORWARD
"Huwag 'yan! Kdrama tayo please!" with puppy eyes pang sabi ni Alya.
"Okay, if you wish," sagot ni Chase.
Nakatingin lang ako sa TV na 'to ah. Napakalaki pa, para kaming nasa sinehan e. Napatingin naman ako sa mga Kdrama's na nakalagay doon na maaaring panoorin namin, the titles look interesting.
"Yung graceful family nalang kaya?" suggest ni Monica habang kumakain ng popcorn. Taray ah, feel na feel na nasa sinehan.
"Sa sunod na 'yan, itong it's okay to be not okay muna hehe! Maganda 'yan," excited na sabi ni Alya bago plinay ang palabas.
It's has 16 episodes, one hour or more pa kada episode. Grabe, hindi naman 'to matatapos. Sure ako. Nag start na yung pinapanood namin, hindi ako mahilig manood ng mga koreans pero dahil bored ako ay nanood nalang din ako. Isa pa, the protagonists of the drama are handsome and beautiful kaya nakakaenjoy panoodin.
After an hour, nakaramdam ako ng pagkauhaw kaya tumayo ako at pumunta sa kusina, feel ko hindi nila napansin na tumayo ako kase tutok na tutok sila sa TV kahit yung mga lalaki e.Ininom ko nalang ang isang basong tubig pero muntik ko ng mabitawan yung baso ng may yumakap sa likod ko. Nilingon ko kung sino ito at nanlaki ang mata ko ng makilala kung sino ito, si Drake lang naman.
"Drake, let go of me. Hindi magandang tingnan na nakayakap ka sa akin," sabi ko. I don't really want him to let go of me because it does felt good in his arms but it's so wrong, maling mali.
"Hindi magandang tingnan?" pag-uulit niya kaya napalunok ako. "As far as I remember, I'm your boyfriend kaya—"
"Drake!" tumaas ang boses ko kaya bumitiw siya. "We broke up. Wala na tayo diba? And you know the reason."
"No, we didn't broke up. Hindi ako pumayag, at hinding hindi ako papayag. I just gave you time and space, siguro sapat na ang ilang araw na yun."
I looked at him in disbelief. "You know I have reasons! We are blood related! Kailangan ko bang paulit ulit na sabihin yun sa'yo, ha?!"
"I told you, I didn't believe it. I... I have something to tell you." hinila naman niya ako, napadaan pa kami sa sala kung saan nanonood yung mga kaibigan namin na napatingin sa amin pero hinila lang talaga niya ako hanggang rooftop, hindi man lang nagexplain sa mga kaibigan namin.
"What is it? Mababago ba niyan ang desisyon ko? Ganon ba kaimportante para hilahin mo ako?" kunot noo kong sabi.
"Magbabago talaga desisyon mo at sorry sa paghila," napakamot siya sa ulo niya. "I want nothing but the truth kaya ito na, nalaman ko na lahat. At sana, after I tell you all the truth babalik na tayo sa dati because I miss you so damn much."
I blinked twice. Feeling confuse and surprised because of what he just said. "Anong katotohanan?" takang tanong ko.
"Umalis ako ngayon to meet my father. Matagal ko na talaga siyang gustong makausap pero masyado siyang busy and at last nagkaroon siya ng time, timing lang at celebration pa talaga ni Alya. I don't want to leave pero sabik na akong malaman ang totoo e."
"Go straight to the point."
"You aren't my father's daughter. I never believe it in the first place anyway, pero dahil naniwala ka sinasabi ko lang sayo na hindi ka anak ni daddy. Para malinawan ka ding hindi tayo magkapatid."
"How sure are you?" paniniguro ko. Slowly, I'm gaining hope about us, our relationship.
"Nilinaw sa akin ni daddy na magkaibigan lang talaga sila ng mama mo, and everyone thinks they're in a relationship even mom just because they always hang out but no, they aren't. Sabi niya, sinasamahan lang daw niya ang mama mo dahil malungkot daw mommy mo sa pagtataksil ng daddy mo and he's just there to cheer her up and one more thing, buntis siya that's time so he did his best to take care of your mom that your dad supposed to do."
I bit my lower lip. Tinalikuran ko siya at tumakbo, hinabol pa niya ako pero mabilis akong lumabas kahit yung mga kaibigan namin nagtaka e. I get in the car and drove my way to our house. Padabog kong binuksan ang pinto bago dire diretsong pumasok sa kwarto ni dad, nakahiga siya. Inatake na naman kase nitong nakaraan.
"Dad..." humihikbing tawag ko sa kaniya.
He slowly opened his eyes. "Suzi?"
"Dad, tell me the truth. Am I really not your daughter?" I asked softly. I don't want him to get a heart attack again.
He coughed and looked away. "I'm not really sure."
"How can't you be sure? You didn't do DNA test? Dad, you're rich! Why didn't you confirmed if I'm your daughter—"
"Because I'm scared!" I was shocked when he shouted. His eyes becomes teary.
"W-what?" I stuttered.
"I'm scared to find out you're not my daughter! I'm scared to know that Alexandro is your father and he might take you, and I... I don't want it to happen because you're my daughter. You're my daughter!" he sob.
All of my hatred to him, suddenly disappeared like a bubble. Nawala lahat ng sakit, pagtatampo, galit.
"I'm... I'm really sorry about how I treated you. I regret it so much—" gumapang naman ang kaba sa dibdib ko ng bigla siyang nahirapang huminga.
"Dad!!" I shouted, bewildered.
BINABASA MO ANG
Sky University: Kings & Queens
Teen FictionKings Alex Drake Sedan Xylem Von Velasquez Ethan Blake Salazar Chase Anthony Lee & Queens Suziana Jane Imperial Monica Anne Garcia Zaria Fate Dizon Alya Diane Fuentes ••••• They are complete strangers. They're famous yet they know nothing abou...