Zaria POV
Hindi ko na mabilang kung ilang oras ng nakatulala at hindi kumikibo and katabi ni Alya which is Suzi. Her eyes are swelling tapos may eyebags pa para ba'ng magdamag siyang umiyak. Her skin is also pale.
She's been like that since yesterday. I think she got fainted twice yesterday siguro dahil na din sa pagbabaya sa sarili. Minsan lang kumain, kapansin pansin din ang pag- iwas niya kay Drake.
Ramdam ko ng tungkol 'to sa kanila ni Drake at hindi sa pamilya niya. At nakakapagtaka 'yun because Suzi is Suzi, hindi siya ganiyan when it comes to a man. Hindi niya sinisira ang sarili para sa lalaki pero kakaiba ngayon, ganiyan talaga siguro kapag mahal mo ang isang tao.
Tinatawagan siya palagi ni Drake at hindi niya ito pinapansin minsan nga tinatapon niya ang phone. Ugali niyang magalit pero hindi umabot sa ganon e! Tapos kapag magkakaklase naman kami hindi man lang niya ito binibigyan ng tingin habang nakatitig sa kaniya si Drake.
In short, hindi pinapansin!
"Problema ni Suzi?" bulong sa akin ni Alya. Tumingin muna ako kay Suzi sandali bago binaling ang tingin kay Alya.
"I don't know but I have a feeling that's because of Drake. Pansin mo?"
Napatango tango naman siya amino'y napapansin din. Nakakaawa talaga si Suzi if only I can help her. Nag-aalala na kaming tatlo pero hindi namin siya tinatanong kung anong nangyari dahil gusto namin kusa niyang sabihin.
"Good morning, class!" agad naman akong napaayos ng upo ng pumasok na guro namin. Inilapag naman niya ang gamit niya sa mesa niya at agad na nagsimulang magturo.
At ganon pa din si Suzi, tahimik pa rin. Hays, lumulutang tuloy utak ko ngayon. Hindi ako makapagfocus sa tinuturo ng guro, ni isa hindi napasok sa utak ko.
"Miss Imperial!" tawag ng guro kay Suzi kaya lahat kami napatingin sa kaniya na tulala pa rin. Our teacher called her several times but she didn't listen kaya kinalabit siya ni Alya.
Nang makita niyang nakatingin sa kaniya ang guro na nakapamewang ay kaagad siyang tumayo. "What can you say—"
*knock knock*
"Excuse me?" agad na napunta ang tingin namin at ng guro sa pinto kung saan nakatayo si Drake.
Pasimple ko naman na sinilip si Suzi na makikita talaga sa mata ang galit o sakit? It must be really Drake.
"Yes, Mister President?" tanong ng guro.
"Can I excuse someone, Miss?"
"Of course, who?" nilibot ng guro ang paningin. "Ms. Imperial, you can now have your seat." uupo na sana siya ng...
"Miss Imperial po. I want to excuse her."
Lahat kami napatingin sa kaniya, nakakumo ang mga kamay nito habang tulalang nakatingin sa blackboard.
"Miss Imperial, you're excused," saad ng guro pero hindi siya nito kinibo at nanatiling tahimik. "Miss—"
"I won't go. Tell him. Besides, we're still in the middle of your class," Suzi said in serious tone.
"It's okay. Makakahabol ka pa din, just go with Mister President. I bet you have something important to talk to."
Rinig ko ang malakas na buntong hininga niya at padabog na kinuha ang bag bago naglakad paalis. Agad din naman siyang sinundan ni Drake.
"I hope they'll be fine," rinig kong sabi ni Alya. Yeah, I hope too.
Suzi POV
Hanggang sa makalabas ako ng room, hindi ko siya pinansin o tiningnan man lamang. Iniwasan ko na nga siya e! Tapos ito naman siyang lapit ng lapit.
BINABASA MO ANG
Sky University: Kings & Queens
Teen FictionKings Alex Drake Sedan Xylem Von Velasquez Ethan Blake Salazar Chase Anthony Lee & Queens Suziana Jane Imperial Monica Anne Garcia Zaria Fate Dizon Alya Diane Fuentes ••••• They are complete strangers. They're famous yet they know nothing abou...