Suzi POV
"Bruha ka! Kinasal ka na pala tapos hindi mo kami inimbita! Aba fake friend ka!" sigaw agad ni Zaria and bumungad kay Alya, pagpasok at pagpasok palang niya.
Nandito kase kami ngayon sa bahay nila Monica, our fashionista. Napag-usapan kase namin na sabay sabay na kaming mag-ayos for the Acquaintance Party.
Alya frowned. "Ano ba! Kinakalimutan ko na nga tapos pinapaalala mo pa sa akin!"
"Bakit kase hindi mo kami inimbita? Kakaiyak naman," Monica said.
"I'm sorry, guys. Akala ko kase private wedding, yun naman kase ang pinag-usapan! I didn't know that they will broadcast it all over this freaking world."
"So, where did you slept after the wedding?" Monica said with a naughty smirk on her lips.
"Hey! Of course sa bahay namin!"
"Walang honeymoon?" tanong ni Zaria.
Alya blushed. "Gaga! Ang bata bata ko pa para diyan!"
"So, 'pag matanda na, okay na?" sabat ko kaya nakatanggap ako ng irap kay Alya.
"Pwede ba'ng mag ayos nalang tayo at wag niyo na akong tanungin ng mga ganiyan! Kadiri kayo!"
"Wow, painnocent," Zaria said that's why we burst into laughter, mas lalo naman na sumimangot si Alya.
Sumalampak naman ako sa sofa, maaga pa naman kaya may time pa akong mag ayos kaya ngayon, sitting pretty muna tayo.
Naramdaman ko naman na nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito. May nagmessage, sino pa edi and bakulaw kong fake boyfriend!
Bakulaw:
I'll fetch you.
Tumaas naman ang kilay ko. Grabe, masyado niya atang kinareer ang mga gawain ng boyfriend e fake lang naman siya!
Me:
No need. Wala ako sa bahay, we're in Monica's house.
Agad din naman itong nag reply.
Bakulaw:
Okay!^^
Wtf? That's it? Punyeta siya! Inis ko nalang na binalik ang cellphone ko sa bag at inihilig ang ulo ko sa sofa bago pumikit.
"OH GOSH, ANO YAN?!" agad naman akong napamulat ng biglang sumigaw si Monica.
"Dress ata?" patanong na sagot ni Zaria habang hawak hawak ang isang napakahabang black dress.
"Ang panget!" sigaw ni Alya.
Paano ba naman isa itong long sleeve na black dress tapos hanggang paa pa. Grabe naman 'tong si Zaria, masyadong tinatago ang katawan.
"Grabe naman kayo! Parang sinasabi niyo naman na wala akong taste sa fashion!"
"Wala nga!" sabay na sabi ni Alya at Monica kaya sumimangot si Zaria.
"Pag sinuot mo 'yan, magmumukha kang black lady! Super conservative mo naman, ano ba chill lang wala naman mangyayari sa'yo lalo na't andiyan naman bebe mo," sabi ni Monica.
"Ano pa'ng magagawa ko e andito na? Duh, Monica, duh!" sagot ni Zaria kaya ngumisi si Monica at pumasok sa isang pinto, probably her closet.
Pagkalabas niya may bitbit na siyang dress. Isa itong off shoulder na long dress tapos may hiwa ng kunti sa magkabilang gilid sa legs.
BINABASA MO ANG
Sky University: Kings & Queens
Teen FictionKings Alex Drake Sedan Xylem Von Velasquez Ethan Blake Salazar Chase Anthony Lee & Queens Suziana Jane Imperial Monica Anne Garcia Zaria Fate Dizon Alya Diane Fuentes ••••• They are complete strangers. They're famous yet they know nothing abou...