Chapter 51- Explanation

108 4 0
                                    

Monica POV

Halos dalawang araw na din akong nagkukulong dito sa kwarto ko, hinahatidan nalang ako ng pagkain ng maids. Wala naman si Kuya, mommy at daddy kaya ang swerte ko at wala akong kailangang isiping dahilan kung bakit ako nagkukulong.

Nasa business trip kase sila, again. Pero magkaibang lugar, tiyempo lang at nagkasabay sila. Balak pa nga nila akong isama but I declined kase bukod sa may pasok, gusto ko din makasama si Xylem pero katangahan pala yun.

Wala akong ibang ginawa dito kundi ang umiyak magdamag. Nakaoff lahat ng gadgets ko, I even deactivated my social media accounts. Sure akong nag-aalala na yung mga kaibigan—

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto, ang bumukas nito ay walang iba kundi ang tatlo kong kaibigan. 

"Hoy, bruha ka! Anong drama 'yan?" agad na sigaw ni Alya.

"Teka lang, pa CR!" sabi ni Suzi bago tumakbo papasok sa cr ko. Binalik ko naman ang tingin sa kanila.

"Paano ba kayo nakapasok?" tanong ko.

"Tanga, syempre binuksan namin ang pinto! Anong nangyari sa'yo at nagmumukmok ka diyan?" sabi naman ni Zaria. 

Hindi pa ako nakakasagot ay narinig ko ng magsalita ang maid. "Ma'am, nandito po si Sir Xylem!" nanlaki naman ang mata ko at dali daling tumayo para ilock ang pinto. 

"Don't let him in!" sigaw ko.

Narinig ko naman na nag-usap sila ng maid pero talagang mapilit itong si Xylem hanggang sa marating na niya ang pinto at kumatok ito ng napakalakas. "Monica! Let me explain please... I'm sorry if it took days para magexplain ako sayo, hindi nila ako pinapapasok e! Hayaan mo naman akong magpaliwanag oh!" he pleaded that's why I burst into tears.

"Hala, bakit umiiyak ka?!" tarantang sabi ni Alya at dali daling lumapit sa akin para yakapin ako.

"Ano ba 'yang ingay— shit! Why are you crying?!" pagkalabas ng banyo ni Suzi ay agad siyang tumakbo papunta sa akin. 

"Napuwing lang... " pagdadahilan ko.

"Monica, please!" sigaw na naman ni Xylem. 

Kasabay ng pagtulo ulit ng luha ko ang pag ngiti ko ng mapait. "Mahal niya pa e... " hikbi ko. "Mahal niya pa."

"Aba'y tangina! Tabi, ako na kakausap sa kaniya!" sabi ni Suzi kaya hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya bago ako umiling. "Ano?! Mananahimik ka nalang? If someone hurt you, they deserve to be hurt too! Huwag mo akong pipigilan," matigas niyang sabi at inalis ang pagkakahawak ko sa kaniya bago lumabas. 

"Siraulo, ako kausapin mo!" sigaw ni Suzi pagkalabas niya bago sinarhan ang pinto. 

"Suzi, let me talk to her, please... " pakiusap ni Xylem. 

"Ako 'tong nasa harap mo! Duh, ako kausapin mo!" nandito kami ngayon nakasandal sa pinto habang nakikinig sa usapan nila.

"Suzi..."

"Suzi your face! Gago ka, botong boto pa naman kami sayo para sa kaibigan namin tapos mas abnormal ka pa pala sa ex niya!" gigil na sabi ni Suzi. Oo nga pala, naikuwento ko din sa kanila past ko.

"Wala ka kaseng alam e!"

"Walang alam?! Ikaw ba may alam kung gaano katagal na umiyak kaibigan ko, ha? Grabe, she just suffer from her ex and then here you are, mas malala pa pala!" randam ko ang nag-aapoy niyang galit kasunod nito ang malakas na tunog.

Napatayo naman ako. That was a slap.

"O my gosh!" I said, bewildered.

"He deserve it. If I were on Suzi shoes, gagawin ko din ang ginawa niya," sabi naman ni Zaria. 

Sky University: Kings & QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon