Suzi POV
Tulala naman akong nakatitig sa kalangitan, nandito ako ngayon sa terrace. Sitting down while sipping a coffee.Sobrang lalim ng iniisip ko, I stayed up all night thinking about what will I do, and for the second time I decided to end everything.
Alam kong nangako ako sa kaniya na hinding hindi ko siya iiwan kahit ano pa'ng gawin o sabihin ng daddy o stepmom ko pero hindi ko matatakbuhan katotohanan na magkadugo kami.
Hindi pa sigurado, all I have to do is one thing. Inubos ko na ang kape ko at lumabas sa kwarto, wala ngayon si Jake kase may pasok siya, yes even Saturday, Sunday lang ata yung free niyang time. While my stepmom is working on our business since dad aren't okay yet.
Naglakad ako sa harap ng pinto ni dad, I walked back and forth here. Should I go inside? Argh! Pero may kasalanan ako sa kaniya, hindi ko na alam!
"Ma'am, papasok po ba kayo?" napatigil naman ako sa paglalakad at nilingon ang maid na may hawak na tray na may laman na pagkain.
"Yeah, pwede bang ako nalang ang maghatid niyan?"
"Opo!" agad din naman niyang binigay sa akin bago siya umalis. Huminga muna ako ng malalim bago dahan dahan na binuksan ang pinto.
Naabutan ko siyang nakaupo sa kama habang nagbabasa ng libro, lumapit naman ako sa kaniya at nilapag ang pagkain sa table malapit sa kaniya. Hindi pa niya ako tinatapunan ng tingin, hindi din ako kumibo.
"What are you waiting for? Get out," he said that's why I gulped.
"Dad, I'm sorry..." mahinang sabi ko halos bulong nalang pero alam kong narinig niya yun, binaba naman niya ang librong hawak niya at tiningnan ako.
"Tell me what you need then after that, leave," sabi niya kaya tumango nalang ako at nagbaba ng tingin.
"Why are you treating me like this?" I directly asked.
"What do you think?"
"Because I'm not your daughter?"
"So, you know. Hindi ko alam kung anak ba kita o hindi e. Pero hindi 'yan ang rason kung bakit kita tinatrato ng ganiyan," napaangat ako ng tingin dahil doon. "Because you remind me of your mom. Tuwing nakikita kita naaalala ko kung paanong niloko ako ng ina mo—"
"So it's true? I'm not you daughter?" I cut him off. I just want to confirm it.
"Possible," sagot niya.
"Possible?!"
"Fine, no! You're not my daughter, now, leave!" sigaw niya kaya agad akong lumabas na lumuluha, gustuhin ko man na tumagal do'n at tanungin pa siya ay hindi ko magagawa baka kase lumala ang sakit niya.
I wiped my tears when my phone vibrated, meaning someone is calling. I looked at the caller's name.
My bakulaw boyfriend calling...
I took a deep breath before answering it. "Yes?"
"You okay? You were ignoring my messages, what's with you, babe?"
"Wala. Nalowbat ako e," I lied.
"Ah okay! By the way, nandito na ako. Asan kana?"
"On the way na! Bye!" I immediately ended the call.
Agad naman akong pumasok sa kwarto ko at nagbihis, nakaligo naman ako kanina kaya magbibhis nalang. After that, bumaba na ako at sumakay sa kotse ko. I drove my way to the place we're going to meet. This is it, the time I'm ending everything between us for the second time.
Pagdating ko sa lugar ay lumapit si Drake sa sasakyan ko at pinagbuksan ako. Nilahad naman niya ang kamay ko para tulungan na makalabas kaya tinanggap ko nalang.
"On the way, huh? Singunaling ka, babe!" biro niya kaya tumawa ako ng pilit.
"Traffic."
"Another lie! Walang pang traffic ah, kakadaan ko lang sa dinaanan mo. Sabihin mo, nalate ka ng gising!"
I pouted. "Kinda."
Tinitigan naman niya ako kaya umiwas ako ng tingin at naglakad papunta sa isang bench, naramdaman ko naman na sumunod siya.
"Kumain kana ba? Bibilhan kita," sabi niya pero hindi ko lang siya sinagot. "Mukhang busog ka naman. How about ice cream? Gusto mo?" umiling lang ako bilang sagot. "Ah okay."
Lumunok naman ako, sa boses niya palang na malungkot, nasasaktan na ako. Huwag kang ganiyan, Drake, baka magbago disesyon ko.
"Drake..."
"Bakit? Pinapakaba mo ako," natatawa niyang sabi pero alam kong pilit yun.
"Let's... Let's break up," ayan, nasabi ko na. Sinabi ko yun ng hindi siya tinitingnan. Ramdam ko ang pagtahimik niya.
"Ano... " aniya.
"Let's break up—"
"No! Is this because of what your stepmom said?! You promised you won't leave me kahit ano pa'ng sabihin ng stepmom o ama mo! Nangako ka!"
"Yes, I promised! But Drake promises are meant to be broken!" my voice raised a little bit and looked away.
"No, hindi ako papayag!" napapikit nalang ako ng sunod sunod na tumulo ang luha ko.
"Drake, this isn't right anymore. Intindihin mo naman ako, alam kong matalino ka para malamang hindi tama ang lahat ng ito. Intindihin mo naman," pagmamakaawa ko, umiling iling naman siya.
"Alam ko din na matalino ka kaya intindihin mo din nararamdaman ko! Mahal kita e! Mahal na mahal kita, hindi ko kakayanin kapag mawala ka sa akin... " nakita ko naman ang pagtulo ng luha sa mata niya, dahil dun parang gusto kong bawiin ang sinabi ko.
"Pero mali 'to."
"Walang mali sa pagmamahal! Nagmahal ka lang, nagmahal lang ako, anong mali do'n?"
"Maling minahal natin ang isa't isa! Iyon ang mali, sobrang mali, Drake. Magkapatid tayo, posible ding minahal mo ako dahil naramdaman mong—"
"AHHH!" sigaw niya kaya tumahimik ako. "Ako nga hindi naniniwala diyan e! Hindi tayo magkapatid, hindi! I promised that I won't leave you that's why it doesn't matter if it's real or not kase nangako ako at plano kong tuparin 'yun. Tapos ikaw parang ang dali mo lang akong bitawan..." napahikbi naman ako. "I always fight for the people I love even it means lowering my ego. But everyone, even you, doesn't even think twice on giving up on me. It's just so painful because you're all making me feel like I'm just an option. Am I?"
I shook my head. "Hindi... Mahal kita kaya sumuko na ako kase sa labang 'to, imposibleng manalo tayo. Magkapatid tayo, paanong mababago 'yun?" umiwas siya ng tingin kaya hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit, yung feeling na hindi ko na kayang bitawan pa. "Drake, let's break up. okay?"
"Hindi ako papayag... "
"Drake. This is for us—"
"That's the second time I heard that words. Isn't it too painful that it came out from the two people I love the most? You know when did the last time I heard that ‘This is for us’? From my father... He said those words to my mom. Ngayon ramdam ko na kung gaano kasakit 'yun," he removed his hands off me and stood up. "Go home."
He walks towards his car while I'm just looking at him. Nakasunod lang mga mata ko sa kaniya hanggang sa makaalis na ito at hindi ko na makita ang sasakyan niya kaya humikbi na naman ako. Nagiging iyakin na ako, hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong umiyak this past few days.
BINABASA MO ANG
Sky University: Kings & Queens
Teen FictionKings Alex Drake Sedan Xylem Von Velasquez Ethan Blake Salazar Chase Anthony Lee & Queens Suziana Jane Imperial Monica Anne Garcia Zaria Fate Dizon Alya Diane Fuentes ••••• They are complete strangers. They're famous yet they know nothing abou...