Chapter 39- Can I?

143 5 0
                                    

Monica POV

Ang gandang pagmasdan ang mga taong laki sa hirap ngunit nagawa pa ding sumaya, I'll consider this scene as one of my favorites.

Tsaka ang ganda ng lugar na 'to, sa may tabing dagat. Maraming tao dito na ang pamumuhay ay pangingisda at yun na ang pinagkukunan nila ng pangkain at panggastos araw araw. Napapaisip lang ako, anong kinakain nila tuwing hindi maganda ang panahon? They can't possibly go fishing when it has storm, their life might be in danger.

You must be wondering what I'm doing here, so am I too.  Hindi ko alam kung bakit ako pumayag kay Xylem na samahan siya, nakakatawa man sabihin ngunit siya na talaga nakasama ko nitong nakaraang araw lalo na't hindi pa pumapasok si Suzi. Si Zaria naman nakabuntot palagi sa kaniya si Ethan habang si Alya and Chase mukhang nagkakamabutihan na that's why I'm always alone and here is Xylem being the saviour, palagi niya akong sinasamahan na sanhi ng pagkaclose namin.

We're here in this community because Xylem's parents ask him to be in charge of their community pantry here at since kabaitan naman ay pumayag nalang ako. Their family is kindhearted. Matataba ang puso sa mga mahihirap. Namigay sila ng groceries, rice and a small amount of money for their other needs. Nag-abot na din ako ng tulong and that's from my work, the money.

"Ice cream?" napalingon naman ako sa pinanggalingan ng boses bago ngumiti at tinanggap ito.  My favorite!

Umupo naman ako sa isang upuan na nakalagay hindi kalayuan, naramdaman ko naman na sumunod siya. Habang kumakain ako ng ice cream, pinagmamasdan ko ang karagatan. May mga munting bata din na naliligo at ang saya nila. I took out my phone and captured their smiles.

"Natutunaw na, teka," Xylem said that's why I looked at my ice cream, natunaw na nga ng kaunti at nalagyan na ng ice cream yung kamay ko.

Ipupunas ko sana ito sa damit ko ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pinunasan gamit ang isang tissue.

"Kainin mo muna kase," aniya.

Tumango ako. "Ang ganda pala ng lugar na 'to 'no?" sabay kain ng ice cream ko.

"Oo, palagi akong pumupunta dito since noong sinama ako nila mommy at daddy. I find this place relaxing and refreshing," he said and smiled.

Bakit ang gwapo na niya sa paningin ko? Lalo na't nakangiti siya. Ngayon ko lang napagtanto na ang dami ko palang hindi alam tungkol sa kaniya gaya nalang ngayon, may tinatago palang kagandahang loob ang lalaking 'to.

"Baka mamaya ako na ang matunaw ha," biro niya. Iiwas na sana ako ng tingin ng bigla niyang punasan ang gilid ng labi ko. "Ang kalat mong kumain ah."

Pasimple ko naman na hinawakan ang dibdib ko at pinakiramdaman ito, heck, my heart is on race once again.

"Okay ka lang ba?" napansin yatang nakahawak ako sa dibdib ko.

"Ah.. Yeah! I'm fine," I said and give him a reassuring smile. Agad ko naman na nilagay ang atensiyon sa ice cream ko at inubos na ito, natutunaw na kase.

"Here, water," saad niya sabay abot ng isang boteng tubig agad ko naman na tinanggap at uminom agad.

"Ate Ganda!" sigaw ng isang bata sa akin na naliligo sa dagat, umahon siya at lumapit sa akin.

"Bakit?" tanong ko.

"May ibibigay po ako sa iyo, ito po oh," sabay bigay sa akin ng isa sea shell na kulay brown at medyo malaki siya.

"Saan mo naman ito napulot?" tanong ko. Gosh, Monica, stop questioning an obvious question.

"Sa dagat po," gusto kong matawa, oo nga naman Monica. "Maganda diba? Bagay po sa'yo kase ang ganda niyo po."

Sky University: Kings & QueensTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon