Isang buwan na din ang lumipas nang mangyari ang pag aaway ni Eros at ng step mom niya at sa loob ng isang buwan na iyon ay ni anino ng mag ina ay hindi nagpakita dito sa bahay, siguro ay nasaktan sa sinabi at ginawa ni Eros.
Sa loob din ng isang buwan ay mas naging mahirap sa akin ang sitwasyon ko. May mga araw na hindi maganda ang pakiramdam ko, palaging nagsusuka. Napupuyat din si Eros dahil sa mga cravings na gusto kong kainin ng alas dose ng madaling araw. Pilit ko mang pigilan 'yon kaso hindi din ako makatulog.
"Algea, nandiyan na si Ma'am Elie. Hinahanap ka. Pumunta kana lang daw sa may hardin malapit sa pool," ngumisi si Sida habang hawak ang laundry basket. "Mukang mag yo-yoga ulit kayo ni Ma'am"
Sumimangot ako nang malaman na may yoga session na naman kami ni Elie ngayong araw. Kada sabado ay nandito siya para mag yoga kami pero kahit weekdays ay pumupunta siya, kapag may vacant time siya dahil nag fu-full time photographer na ito sa isa sa kilalang photo studio sa manila.
"Sige Sida pasabi na lang na pababa na ako"
Nagpaalam na ito bago niya kunin ang damit na nilagay sa laundry basket.
Leggings at cotton shirt at rubber shoes ang sinuot ko. Itinali ko na din ang buhok ko para hindi sagabal kapag nagsisimula na kami.
Hindi pa naman ako nahihirapan gumalaw dahil isang buwan pa lang naman kaya lang sa isang buwan na 'yon ay tamad na tamad akong kumilos, kahit nga paliligo kinatatamaran ko na din minsan pero mabilis akong mairita kapag nakakaramdam ng maalinsangan at nanlalagkit ang katawan.
Nang makababa ako at tumungo sa hardin ay naabutan ko siya doong nakaupo sa couch habang sumisimsim ng juice.
Tumayo ito nang makita ako.
"Hi! How's your sleep? Nahirapan kaba ulit?" tanong nang makalapit na sa akin.
"Maayos naman kaso nagising ulit ako ng 3 am para kumain ng cookies"
Natawa ito sa sinabi ko.
"Hmm.....mukang pinahihirapan mo na ang mommy mo little angel, ha? Hindi ka pa man lumalabas pero spoiled kana. Looks like I am not the one who will be spoiled, dahil ikaw na!" Nakatingin ito sa aking tiyan habang hinahaplos ito. Medyo kita na din naman ang umbok sa tiyan ko.
Mahina pa nitong tinusok-tusok ang tiyan ko bago niya napag desisyunan na simulan na ang yoga namin.
Kahit tamad na tamad akong gumalaw ay sinunod ko pa din si Elie. May parte din naman na nakakarelax sa katawan ang ginagawa namin kaya naituloy ko na din kahit may parte sa akin na hindi ko gusto. Maganda din naman kasi ito dahil para hindi ako gano'ng mahirapan sa panganganak.
Nag indian seat ako nang matapos kami ni Elie.
Pinunasan ko ang iilang butil ng pawis sa aking noo.
"Pahinga muna tayo Elie," hinihingal na sabi ko.
"Go, take some rest. I'm doing some planks" aniya bago inayos ang mat at nasimulang muli.
Pinapanood ko lamang ito habang nag pu-push up. Ilang segundo ko pa itong tiningnan hanggang sa mapadako ang paningin ko sa cell phone niya na nasa may couch malapit lang sa amin.
Kumunot ang noo ko nang mapansin doon ang unregistred number na tumatawag.
Inilagay kong muli ang takip ng tumbler na hawak ko bago tumingin kay Elie.
"Elie, may tumatawag yata sa cell phone mo" sabi ko sa kanya. Tumigil ito sa ginagawa at tumingin sa cell phone niya.
Ilang segundo itong may kinalikot sa cell phone bago ibinalik ito sa couch at nag simula ulit mag stretch.
BINABASA MO ANG
DOCTOR SERIES 3: CURSE OF ME
RomanceAnong silbi ng pangalan ko kung hindi ko gagamitin sa iyo?.