Prologue

104K 1.5K 252
                                    

Ito na siguro ang pinaka-malas kong araw. Nawalan ako ng trabaho dahil magsasara na ang kompanya. Last week, I got my check up result from my ob-gyne. She said that I can't bear a child. Kaya pala sa loob ng limang taon namin, hindi kami magka-anak.

May ipon naman na ko. I want to start a family with Ceejay. Maiintindihan naman niya if i can't give him a child. We can adopt naman. Gusto kong i-surprise yung pamilya ko na uuwi ako ngayon. Higit isang taon din akong hindi naka-uwi.

Nag-pababa lang ako sa kanto namin. Binayaran ko ang taxi at naglakad papasok. Sa tatlong taon kong pagta-trabaho naka-pundar ako ng sarili naming bahay. Ako din ang nagpapa-aral sa mga kapatid ko ngayon. Malaki kasi ang age gap ko sa kanila. Sobrang excited ako ng makarating ako sa tapat ng bahay. Hindi ako gumawa ng ingay para hindi sila makahalata.

Sumilip ako sa bintana, nagtaka ako dahil andoon si Ceejay. Bakit kaya? Nagtitipon tipon sila sa living room ng bahay. Medyo may awang yung bintana kaya rinig ko ang usapan nila.

"Nay, Tay, b-buntis po ako.. s-si C-Ceejay p-po ang a-ama.."

Halos gumuho ang mundo ko sa narinig ko. Ang pangalawa kong kapatid at ang boyfriend ko?! What's going on?! Nakaramdam ako ng galit.

"Anong ibig mong sabihin Gabi?" Walang emosyon na tanong ko. Lumingon sila sa gawi ko.

"A-Ate?/Graycie?" Sabay nilang sambit habang nakatingin sa gawi ko.

"Tama ba ang narinig ko? B-Buntis ka? Si Ceejay ang ama?!" Yumuko ito at tumango. Lumabas si tatay at pumunta sa gawi ko.

"Doon tayo sa loob anak." Sumunod ako sa kanya sa loob.

"Kailan niyo pa ko ginagago?!" Walang emosyon na tanong ko.

"Maghinay hinay ka sa mga sinasabi mo, buntis ang kapatid mo!" Suway sa'kin ni nanay.

"Bakit 'nay? Wala ho ba kong karapatan na magalit?! Saka menor de edad palang si Gabi!" Hindi siya sumagot.

"At ikaw Ceejay! Bakit kapatid ko pa?! Kaya pala nanlamig ka sa'kin! Grabe kayo! Imbis na ako ang mang surpresa, ako ang na surprise! Wow ha!" Sunod sunod tumulo ang mga luha ko.

"Wala ka ng oras sa'kin Graycie. Si Gabi ang andito ng mga panahon na kailangan kita." Tiningnan ko siya ng masama.

"Di'ba sinabi ko sayo na nag iipon ako para sa future natin?! Pota naman Ceejay! Anong mindset mayroon ka?!" Galit na sigaw ko.

"Nangyari na e! Tanggapin nalang natin. Saka mas mahal ko na si Gabi, Graycie. I'm sorry.." Umiling iling ako.

"Wala din naman akong magagawa! Andyan na yan pero Gabi, yung pag-aaral mo! Sinayang mo!" Umiiyak lang siya.

"Tama na yan! Masamang ma-stress si Gabi. Kumalma ka nga Graycie. Ikaw na din ang nag sabi na wala ng magagawa. Kumalma ka." Tiningnan ko lang si nanay. As I expected, she's gonna defend her favorite child.

"Whatever." Lumabas ako ng bahay at pumunta sa garden namin.

"Graycie, anak.." Tumabi sa'kin si tatay.

"Alam niyo ho, wala na ho kong trabaho. Nagsara na kasi yung kompanyang pinagta-trabahuhan ko. Akala ko kasi pag-uwi ko dito may maganda akong madadatnan. Ang sakit naman ng mga nalaman ko." Tinapik ni tatay ang balikat ko.

"I'm sorry anak, okay lang naman na mag stay ka dito sa bahay natin. Tutal ikaw naman ang nag pundar nito." Umiling ako.

"Sa mga nalaman ko? Ayoko silang makasama dito sa bahay. Hindi ko itatakwil si Gabi. Kahit bali-baliktarin natin ang mundo, she's my sister. Maghahanap ako ng bagong trabaho. Gusto ko malayo ulit dito para makalimot ho ako." Tumango siya.

"Kung iyan ang iyong desisyon anak." Sambit ni tatay.





Cut! Please leave a comment and vote. Thank you!

Babysitting The Ceo Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon