NAG-LIBOT libot kami sa mall. Wala naman sinasabi si Zamiel na gusto niyang puntahan. Para lang kaming nag gagala sa Park. Ako yata ang na bored. Hindi gaano kadami ang tao ngayon.
"Anong gagawin natin young master? May gusto ka bang puntahan or kainan?" I asked him.
"Nothing at all. I just had my breakfast. Mayroon bang arcades dito na pwedeng laruan?" Sabi niya.
"Ah yes! Doon yata 'yon. You want to try?" Tumango ito.
Pumunta kami sa pinaka-dulo ng mall kung nasaan ang arcade. Buti nalang at di gaano kadami ang tao dito. Pumunta ko sa machine kung saan pwedeng magpa-palit ng tokens. Bali 100 tokens yung pinapalit ko. Pumunta kami sa machine kung saan may mga stuffed toys na pwede makuha.
"Wah! Ang cute ng mga stuffed toys! Gusto mo nyan diba young master?" Tanong ko.
"You know that I do--" Hindi ko siya pinatapos. Itatanggi niya lang naman kahit gusto niya.
"Don't worry, kukunin ko yung stuffed toy na mukhang alien for you." Sabi ko.
Hindi siya sumagot. Naka cross arms lang siya habang nasa tabi ko. Bale sa machine na to, 2 tokens per round. Nag hulog na ko ng tokens at iginalaw ang controler. Basic lang to. I always won pagdating sa mga ganitong bagay.
"You are losing Ugly Graycie." Rinig kong sabi ni Zamiel. Siguro mga 20 minutes na ang nakaka-lipas. Hindi ko pa din makuha yung stuffed toy.
"May daya yung machine na yan!" Inis na sabi ko. 2 tokens nalang natira. Kainis.
"Admit it. You're the one who's unlucky." Naka-ngisi nitong sabi.
"Tse! Wag na tayo dito. Madaya!" Totoo naman! May pampadulas siguro doon sa bakal sa loob kaya di makuha.
"Can I try?" Ibinuka ni Zamiel ang kamay niya. Inilagay ko doon ang last 2 tokens ko.
"Naku young master, ako na veteran sa mga ganyan di nanalo. Ikaw pa kaya?" Inihulog niya ang dalawang tokens at nagsimulang kunin ang stuffed toy na mukhang alien. Nanlaki ang mata ko ng walang kahirap hirap niya iyong na sungkit at nakuha.
"Easy." Naka-ngisi niyang sabi habang hawak ang stuffed toy. Natalo ako ng bata?! Haysss!
"Tsamba lang 'yon! Ilang beses ko na yang na sungkit kanina pero dumulas!" Tumawa siya.
"Too many reason ugly Graycie, let's get out of here. Baka maubusan ka pa ng pera." Na-una siyang lumakad sakin.
Habang naglalakad kami, tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko 'yon sa purse ko. Oh my! It's Zach. I think nabasa na niya yung message ko kanina. Anong sasabihin ko dito? Naku, bahala na. Uutuin ko nalang siya.
"Zach? Napatawag ka?"
"Where are you?"
"N-Nasa mall pa din kami ni Zamiel. Nag message ako sayo, did you read it?"
"Yeah, kakabasa ko lang."
"Di kasi kita ma-contact kanina. Siguro, maya maya we're going home na din. Don't worry."
"Where exactly are you right now?"
"Kaka-labas lang namin ng arcade. Why?"
"Oh right, I see you."
"Huh?"
The call ended. Ano daw?
"Dad?!" Napalingon ako sa direksyon na tinitingnan ni Zamiel. Hala! Andito nga si Zach.
"I found you guys. Lagi nalang kayong nag gagala ng di ako kasama." Tumingin siya sa'kin. Handsome at always. Si heart ko di na naman mapakali.
"Because you're busy teaching your sister. Where she is? I hope hindi mo siya kasama." Rinig kong sabi ni Zamiel.
"Young master, nag usap na tayo about dyan diba?" Saway ko.
"Yeah yeah." Na-una na naman siya mag lakad.
"How are you? Are you feeling better?" Lumapit siya sa'kin and he hold my hand. Umay, kinikilig ako piste!
"Y-Yeah. I'm totally fine now. Huwag ka masyadong clingy nasa public tayo." Hindi siya nakinig as usual.
"Why? You're my girlfriend and I have the rights to be clingy. I can also hold your hand in public. I can ki--" Tinakpan ko ang bibig niya.
"Oo na! Manahimik ka nalang." I'm done with this guy.
"Ever since you two start dating, ang ingay niyo masyado." Narinig kong sabi ni Zamiel. Hindi ko pa nga sinasabi sa kanya na kami na kasi alam kong alam niya na 'yon.
"Do you want your tita Graycie become your new mom?" Siniko ko si Zach. Gago talaga to. I know Zamiel, mahal na mahal niya yung mommy niya. Ayoko din i open up yung ganitong topic sa kanya.
"Don't mind your dad young master." Sagot ko.
"That's okay. I know naman masaya na si mom kung nasaan siya ngayon." Hindi siya naka-tingin sa gawi namin.
Hindi ko inaakalang yun ang sasabihin niya. Ayoko maging emotional at this time. It's okay to me if hindi niya ko ituring na nanay. Okay na yung bound na meron kami ngayon. Nakaka-taba naman ng puso ito.
"See? My son is okay with that. Magiging masaya tayong family. I want to have child that looks like you, Graycie." I froze a second. Ito ang kinakatakutan ko.
"Z-Zamiel is enough." Kinabahan ako bigla.
"The more the merrier. Right son?" Tumango si Zamiel.
"Ah yeah." It's a bit hard for me. Paano ko nga ba sasabihin kay Zach yung tungkol sa'kin? Hindi ko kaya ibigay yung gusto niya kasi di talaga pwede.
Pumunta kami sa isang restaurant para mag lunch. Nawalan ako ng gana kumain. Gusto ko nang sabihin sa kanya. Sabi ko nga ayoko ng magtago ng secret from him. Hahanap ako ng timing, hindi dito. Halos di ko masyadong nagalaw yung food ko.
"You didn't like the food?" Zach asked.
"It's not like that. I don't have my appetite." Tumango lang ito.
After namin sa restaurant napag desisyonan namin na umuwi na. Pagod na din si Zamiel ngayon kaya andoon siya sa backseat ng kotse tulog. Katabi ko si Zach sa front seat ng kotse. I think this is the best time para sabihin ko sa kanya.
"Zach, I have something to tell you but first don't be disappointed." Bahagya siyang lumingon sa'kin at tumango.
"What is it?" Nasa daan lang siya naka-tingin.
"D-Di'ba sinabi m-mo kanina na gusto mong magka-a-anak?" Tumango siya. "I-I can't g-give you that. Kaya sinabi ko na enough na si Zamiel. I'm sorry Zach." Tumungo ako. It's hard to say it but this is the best thing to do.
"Don't be sorry. I understand that. That's not your fault Graycie, gusto ko din humingi ng tawad kasi sensitive topic to for you. I'm sorry for that." Hinawakan niya ang isa kong kamay.
"Gusto ko lang maging totoo sayo. Ayoko na magtago ng kahit na ano, may medication din ako para sa depression." Bahagya siyang napalingon sa'kin. "Eyes on the road." Dagdag ko pa.
"What?! Okay ka lang ba ngayon?" He asked worriedly.
"I'm fine. Sabi ko nga may gamot ako kaya di na ko binabangungot." Naka-ngiting sabi ko.
"May nightmares ka din?! I think I should sleep beside you para hindi ka na talaga balikan ng nightmares mo." He's paranoid again.
"No need. I'm fine. By the way, salamat sa pagiging understanding mo. I'm always appreciate it." I kiss his hand.
"Walang mali sayo. You're my only Graycie. No one can replace. I love you always and forever." I smile.
"Me too. I love you always Zach." I said and I kiss his cheeks. Nag drive siya baka mabangga kami kapag sa lips. Basta today ang gaan gaan ng pakiramdam ko.
Cut! End of chapter 47. Kindly leave a comment and vote. Happy reading!
BINABASA MO ANG
Babysitting The Ceo Son (COMPLETED)
RomanceThe world is unfair for Graycie Santos Nalaman niya na ang kanyang long-term boyfriend at younger sister had an affair. Nabuntis pa ang kapatid niya. Nawalan din siya ng trabaho dahil nagsara ang kumpanyang pinagta-trabahuhan niya. But one day, nak...