"HINDI ka pwedeng sumama sa'kin. Hindi ka pinapayagan lumabas dito young master." Aalis kasi ako para bumili sa supermarket.
Uuwi na kasi si Zach bukas kaya need ng mga ingredients para sa mga lulutuin. Busy lahat dito kaya ako nag prisinta na bumili sa supermarket. Hindi din madali ang pag papa alam na ginawa ko. Ilang beses kong kinulit si Zach para payagan ako. Magaling naman na mga sugat ko. Band aid na nga lang yung naka dikit sa noo ko.
"You're so unfair ugly Graycie! Ang boring na dito! I promised, hindi kita bibigyan ng sakit sa ulo." He said.
"Gustuhin ko man hindi talaga pwede young master. Ako malalagot sa tatay mo pag sinama pa kita. Just stay here and wait for me." Hindi talaga siya kumbinsado. Ang hirap talagang utuin nito.
"I hate you! Don't come back here!" Tumakbo siya paakyat ng second floor.
"Hayaan mo na siya hija, umalis ka na para maka balik ka agad. Ako na bahala kay young master." Sabi ni Manang Cynthia.
"Sige ho, aalis ho muna ko." Nag wave ako bago lumabas.
Nag-commute nalang. Since busy silang lahat, ako nalang aalis. Isa pa yan sa ayaw ni Zach. Wala nga daw akong driver dahil andoon si Mang Bert sa condo unit niya. Pinapa-ayos yata ngayon. Kaya matinding pag kukumbinsi ang ginawa ko. I can take care of myself naman.
Nag abang nalang ako ng bus sa station. Miss ko na rin gumala mag isa. Nang may mag stop na bus ay sumakay na ko. Wag daw ako sa public market mamili. Sa mall daw utos ng boss kong nag ta-tantrums kagabi. Kailangan ko siyang sundin para iwas sumpong na din. May susuyuin pa kong bata pag uwi ko.
Pagdating ko ng mall, agad akong dumeretso sa supermarket ng mall. May listahan ako ng bibilhin ko, hindi kasi ako magaling sa pag alala. In short, malilimutin ako kapag namimili. Mahaba haba ang listahan kaya madami ito. Kumuha ako ng cart para doon ko ilalagay ang mga bibilhin ko.
Kumuha ako ng yogurt at mga sweet beverages. Akin yan hahahaha! May nakita din akong fruits na slice na. Favorite ko 'yan, kumuha ako ng dalawa. Pumunta ko sa chocolates section. Kumuha ko ng para sa may topak na bata. Halos mapuno na yung cart ko. Tiningnan ko ang listahan if may nakalimutan ako. Since wala naman na, pumila na ko para mag bayad.
Madami yata'ng iluluto bukas kaya napakadami ng naka-lista dito. Dala ko ang pang supermarket na budget. 20,000 pesos lahat yon. Di'ba sosyal. Isang tao lang uuwi bukas pero yung mga pagkain pang isang baranggay. Hindi ko nga alam if mauubos yan lahat bukas. Sabagay madami namang pera si Zach.
"That's 18,845.50 pesos." Ibinayad ko ang 19,000 peso bill. Itinulak ko ang cart palabas. Pwede naman to hanggang exit. Tatawag nalang ako ng taxi para mag-patulong.
Gusto ko pa sana mag-libot libot pero di pwedeng iwan to at baka mawala pa. Ayokong mag bayad ng ganong kalaki no? Mukhang wala pang taxi sa labas. Naku po. Nagulat nalang ako ng biglang may pumupupot na braso sa baywang ko.
"There you are! I missed you, Graycie." Kinalibutan ako ng marinig ang boses niya.
"Z-Zach? What are you doing here?! I thought bukas ka pa uuwi?" Gulat na tanong ko. Hinarap ko siya, mukha siyang pagod.
"Surprise! Nag book ako ng maagang flight dahil natapos ko na agad ang trabaho ko doon. Did you miss me?" Ngumiti ako.
"Not really. Andyan naman si Zamiel, na distract ako sa kanya." Nawala yung ngiti niya sa labi.
"What?! Tsk! Kukuha na ko ng bagong babysitter niya. Para sakin na lahat ng atensyon mo." Pinitik ko ang noo niya. "Ouch! What did you do that?!" Hinamas pa niya ang pinitik ko.
"You're talking nonsense again. Walang mag hire ng bagong babysitter. Let's go home. May sumpong yung anak mo at iniwan ko. You need to sleep too.. mukha ka nang zombie." Hinawakan niya ang kamay ko at itinulak ang punong puno na cart papuntang exit.
Nakita ko din si Mang Bert na nag aantay sa labas. Sumakay ako sa backseat ng kotse. Maya maya pa sumunod din siya at tumabi sa'kin. Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.
"Get some sleep while we're on our way home. Alan kong may jetlag ka pa." Bulong ko.
"Yeah that's true. Para na kong naka-lutang sa sobrang antok. Stay still." I gently stroking his hair. Nagiging comfortable na ko sa kanya. Dahil siguro naging honest na ko sa feelings ko for him.
Tahimik lang ako buong byahe. Ang bigat niya kahit naka sandal lang siya sa balikat ko. Dumeretso ba naman sa mall kesa matulog muna. Inabot kami ng isa oras bago makarating sa mansion. Mahina ko siyang tinapik sa balikat para magising siya.
"Gising na, nasa mansion na tayo." Mabilis siyang bumangon at pupungas pungas na tumingin sa'kin.
Mabilis siyang lumabas ng sasakyan at sumunod ako. Si Mang Bert na daw ang bahala sa mga pinamili ko. Inakbayan ako ni Zach pero agad ko 'yon tinaggal.
"Nasa mansion tayo. Don't be so clingy." Bumusangot siya at naunang mag lakad. Ayokong pag usapan ako sa loob. Bukod kay Chelsea wala pa nakaka alam na may relasyon kami ni Zach. Di ko sure if nakaka halata sila. Pagkapasok ko sa loob andoon si Zamiel naka yakap kay Zach.
"Hoy ikaw, sabay pa kayo ni Sir Zach umuwi a. Kaya ba ayaw mo isama si young master dahil nag sundo ka pa sa airport." Bulong ni Chelsea pagkatabi sa'kin.
"Nag supermarket lang ako gaga. Nagulat nalang ako na andoon na siya sa loob ng mall. Huwag kang tamang hinala." Sarcastic na sabi ko.
"Oo nalang. Balik na ko sa kusina, marami pa kong gagawin." Paalam niya.
"Mabuti pa nga. Kaysa mang asar ka gawin mo na trabaho mo." Tumawa ito at umalis.
"Young master!" Tawag ko kay Zamiel.
"Di'ba sabi ko 'wag ka ng babalik?! Why are you here?" Tampo pa din to.
"Huwag ka ng mag tampo, may mga chocolates akong binili sayo. Gusto mo yon di'ba?" Ang laki laki na nagpapa buhat pa sa daddy niya.
"Tss. Whatever!" Asik niya sa'kin.
"Let your dad sleep. Bumaba ka na dyan. Ang laki laki muna para buhatin pa." Sinamaan niya ko ng tingin. Tanging ngiti lang si Zach, antok pa yata siya e.
"Mind your own business. Let's go dad." Tumingin si Zach sa'kin. Tinanguhan ko siya.
Tumungo silang dalawa sa second floor. Ako naman dumeretso sa kwarto ko. Need kong maligo at galing ako sa labas. Hahayaan ko muna mag pahinga si Zach. Mag chill lang din ako dito sa kwarto after maligo.
Cut! End of chapter 40. Kindly leave a comment and vote. Happy reading
BINABASA MO ANG
Babysitting The Ceo Son (COMPLETED)
RomanceThe world is unfair for Graycie Santos Nalaman niya na ang kanyang long-term boyfriend at younger sister had an affair. Nabuntis pa ang kapatid niya. Nawalan din siya ng trabaho dahil nagsara ang kumpanyang pinagta-trabahuhan niya. But one day, nak...