PAGKADATING namin sa building ng condo units, biglang umulan ng malakas. Wrong timing. Nag park si Mang Bert sa may parking lot. Naka-sandal pa din sa'kin si Sir Zach. Paano ko 'to gigising?
"A-Ahm.. Sir Z-Zach? Andito na tayo sa building ng condo. Saan ba yung u-unit mo?" Tinapik ko ang balikat niya. Gumalaw siya.
"Sa Fifth floor, pinaka-unang u-unit." Inalalayan ko siyang bumaba ng kotse ng pag buksan kami ni Mang Bert.
Sobrang lakas ng ulan sa labas. May bagyo yata. Paano kaya kami uuwi nito? Naglakad kami papuntang elevator. Ang bigat talaga nito. All though, katulong ko si Mang Bert. Ang bigat pa din talaga niya. Nang nasa tapat kami ng elevator nag paalam si Mang Bert.
"Tatawagan ko lang si Manang Cynthia mo. Itatanong ko kung hindi baha ang daanan pauwi natin. Susunod ako dyan." Paalam niya.
"Sige ho, balitaan niyo ho ako." Tumango ito at sumara na ang elevator.
"Graycie.." Rinig kong bulong ni Sir Zach.
"Hmm?" Kami lang dalawa sa loob ng elevator.
"Pwede ka ng bumalik sa mansion, you can leave me here. I know my son is waiting for you." Ang drama niya kapag may sakit.
"That's true pero kapag pinabayaan kita dito, ako malalagot sa anak mo. Sabihin pa 'non, di kita binigyan ng pansin." Nagulat ako ng yumakap siya sa'kin. Piste! Ang clingy talaga. Yung puso ko lalabas na!
"I'm always want to stay by your side but all eyes on us. Now, we're all alone. Pwede na nating ituloy yung na-udlot sa Park." Nag init buong mukha ko. Bakit naman ganito siya?!
"S-Sir Zach! You have fever, m-mahahawaan mo'ko kapag ginawa m-mo 'yon! Just stay still." Siraulo talaga 'to!
"I'm kidding. Gusto lang kitang yakapin. Ikaw lang kasi yung unang tao na may pake sakin. Thank you." Honestly, kinilig ako sa part na yan. Shit! Kalma Graycie!
Nag open yung door ng elevator. May passcode yung lock. Naka-alalay pa din ako kay Sir Zach. May fingerprint din pala ito sa lock kaya yon nalang ang ginamit niya. Nag bukas ang pinto. Nasilayan ko ang buong unit niya sa loob. Kamukha ito ng kwarto niya sa mansion. Nag babalak din ako dati kumuha ng condo. Kaso di na natuloy tuloy.
"Where's your room, Sir?" I asked him.
"There. You can leave now, Graycie. I can take care of myself. Huwag mo nalang banggitin kay Zamiel, I don't want him to be worried." Nakaka-konsensya naman If aalis ako agad.
Inalalayan ko siyang umupo muna aa sofa. His eyes are close. Matindi nga siguro yung headache niya. Over fatigue siguro cause ng fever nito. Ikaw ba naman, kahit sa bahay lang nag work pa din. Walang pahi-pahinga.
"Masamang balita, hindi tayo pwede umuwi ngayon. Isinara ang mga daanan. Eh baka bukas pa iyon bubuksan ulit." Anunsyo ni Mang Bert. Lagot.
"Dahil ho siguro yan sa malakas na ulan. Mukhang no choice tayo kundi mag stay dito. Okay lang ba sir?" Tango lang ang naisagot nito.
"O siya'y sige, bibili lang ako ng pagkain natin." Paalam ni Mang Bert.
"Pakisamahan na din ho ng lugaw if meron ho kayong makita." Inabutan ko siya ng 1,000 peso bill. Umalis na ito ng unit.
"At ikaw sir, pumunta ka na sa room mo at mag palit ng damit. Hindi komportable ang suit kapag may lagnat. Let's get in inside." Dumilat siya. Alam kong may sakit ka ngayon pero bakit ang gwapo mo pa din?
"You too. Change your clothes." Oo nga pala! Wala kong dalang damit. Damn it! Naka-dress pa nga ako!
Inalalayan ko siya pumasok sa loob ng kwarto. Grabe kasing laki din ito ng kwarto niya. Ganito talaga ang mga mayayaman.
"I-I'll take a shower first. Kumuha ka muna ng damit ko sa may cabinet, yon muna suotin mo." Dumeretso siya sa loob ng bathroom.
Pumunta ko sa may cabinet. Puro damit niya ito at ang lalaki pa! Pero no choice ako. Namili nalang ako ng pwedeng ipang-tulog. Ang lalaki talaga. May nakita ako'ng T-shirt na black. Hindi sa'kin pwede yung mga pajama. Ang laki ng size. Ipinatong ko ang damit at umabot yun lagpas ng tuhod ang haba. Nag pasya ako na yon nalang ang kukunin ko.
"Are you done picking clothes?" Humarap ako sa kanya.
"Yes sir." Kusang napalaki ang mga mata ko. He's half naked. Kitang kita ko yung six pack abs niya. Kaya naman pala ang bigat ang laki ng katawan. Shit!
"What?" Tanong niya na may pagtataka.
"W-Wala sir! L-Labas na ko. Mag-bihis k-ka na d-dyan. B-Babalik ako m-mamaya para p-painomin ka ng g-gamot." Hindi ko na siya hinintay sumagot at agad lumabas.
Ang pula pula na siguro ng mukha ko ngayon. Grabe yung katawan niya. He's buff like hell! Alam ko may sakit siya pero bakit ganon? I can't help it. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Grabe naman yung tama ni Sir Zach sa'kin. Lalong lumala!
Agad akong pumasok sa bathroom at nag take ng cold shower. It feels so nice when the water touch my body. Kanina pa talaga ako nilalamig dahil sa ulan. Kumukulog at kumikidlat din kanina. May mga naka handa na din na towel dito. Nice one. Nag cycling ako na short at isinuot ko ang t-shirt na black. Oh diba, instant dress. Lumabas ako ng bathroom habang nag pupunas ng basa kong buhok.
"Ito na mga pinabili mo hija." Iniligay ni Mang Bert ang supot sa counter ng kitchen.
"Salamat ho." Pagpapa-salamat ko.
"Walang anuman, labas ako ulit at tatawag ako sa Manang Cynthia mo. Ako na magsasabi sa kanila na bukas na tayo makaka-uwi." Tumango ako.
Tiningnan ko ang mga pinamili ni Mang Bert. Lahat luto na. Nag pasya akong initin ang porridge. Mas masarap to kapag mainit. Nag heat ako ng kaserola at inilagay ang porridge doon. Tinikman ko yon, something's missing. Tinimplahan ko nalang ulit para magkaroon ng lasa. Nang maluto na, nag plating na ko. Kinuha ko na din yung biniling gamot kanina at nagtungo sa kwarto ni Sir Zach. Sana naman naka bihis na yon. Tsk!
Cut! End of Chapter 29. Kindly leave a comment and vote. Happy reading!
BINABASA MO ANG
Babysitting The Ceo Son (COMPLETED)
RomanceThe world is unfair for Graycie Santos Nalaman niya na ang kanyang long-term boyfriend at younger sister had an affair. Nabuntis pa ang kapatid niya. Nawalan din siya ng trabaho dahil nagsara ang kumpanyang pinagta-trabahuhan niya. But one day, nak...