Chapter 4

43K 938 34
                                    

MABILIS lumipas ang mga araw. Isang buwan na ko dito na nagta-trabaho. Unti unti ko ng natutuhan ang mga gawain dito. Specially, yung alaga kong 6 years old na bata na akala mo'y matanda kung makapag salita. Tsk! Mabuti at may online class siya free time ko ngayon.

"Hoy, ako na bahala dito. Free time mo kaya mag pahinga ka lang dyan." Saway sa'kin ni Chelsea. Tumutulong kasi ako mag hango ng mga nilabahan niya.

"Okay lang, nakaka-boring doon. Para mapa-bilis din ang paglalaba mo. Maya maya pa tapos ng klase ng alaga ko." Sabi ko.

"Sige sabi mo e. Pero maiba ko. Nakaka-bilib ka! Nakatagal ka ng isang buwan dito. May superpowers ka ba?" Natawa ako sa tanong niya.

"Wala akong superpowers. Nangangailangan lang talaga ko ng pera, hahahaha! Sa panahon ngayon need natin mag banat ng buto." Tumango tango siya.

"Sabagay. Sa loob nga ng isang buwan mo dito, ni hindi ka umuwi kahit day off mo. Bakit? Hindi ba nag aalala ang pamilya mo sa'yo?" Tanong niya.

"Correction. Si tatay lang may pakialam sa'kin. Sabihin natin na tumatakas ako sa lungkot at galit ko. Ayokong sumabog." Halatang naguguluhan siya basi sa ekspresyon ng kanyang mukha.

"Nakakalito naman! Ano ba mayroon sa bahay niyo at napadpad ka dito? Halata namang may pinag-aralan ka, bakit ito ang pinili mong trabaho? Kwentuhan mo naman ako." Close ko naman na si Chelsea. 'Di naman siguro masama kung magku-kwento ako sa kanya.

"Last month kasi nawalan ako ng trabaho dahil nagsara yung company na pinapasukan ko. Feel ko nga ang malas ko. Pero nag-think positive pa din ako kasi gusto ko i-suprise yung family ko. Almost a year din kasi na hindi ako naka-uwi sa'min. Kaso lang, ako pa yung na surprise. My long-term boyfriend and my sister had an affair. Nabuntis siya ng ex ko." Nanlaki ang mga mata niya. Di ko siya masisisi.

"Totoo? Tapos?" Grabe naman excited masyado ang isang 'to.

"I feel betrayed. 'Di ko sila kayang makasama sa iisang bubong. Although need kong tanggapin kasi nangyari na rin. Gusto kong magwala sa galit pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Ako nalang ang lalayo. 'Di ko kayang makita silang masaya habang ako miserable. Kaya napadpad ako dito. Thankful din ako kasi mabilis ko lang nahanap ang trabahong ito." Nakangiti ko pang sabi.

"Kaya mo pang ngumiti sa sitwasyon mo? Kung ako 'yan? Baka nasapak ko na yung lalaki! Sana pala 'di na ko nagpa-kwento. Naalala mo na naman yung mga pangit na ala ala mo. Pasensya na." Paghingi niya ng paumanhin.

"Okay lang. Hindi ko nga nararamdaman 'yung sakit e. Mas nakakatulong yung stress ko dito para malibang ako, hahaha!" Sagot ko.

"Ito ang stress." Lumingon ako sa itinuro ni Chelsea.

"I want food, Ugly Graycie." Naka-tayo siya habang naka-cross arm pa.

"Tapos ka na pala! Wait a second." Nagtuyo ako ng kamay.

"Pero alam mo Graycie. Bagay kayo ni Sir Zach. Ship ko nga kayong dalawa." Pinanlakihan ko siya ng mata

"Anong kalokohan 'yan?! Kung ano ano na naiisip mo dyan Chelsea. 'Di kami talo." Bulong ko.

"I said, I want food. Are you not finish chatting with that maid? Give me food, Ugly Graycie." Reklamo ni Zamiel. Spoiled talaga 'to!

"Teka lang naman! You can go first, susunod ako." Sabi ko.

"Tch! I hate you!" Sabay walk out. Bastos talaga.

"I love you toooo!" Mapang asar na sigaw ko.

"Alis na ko, may saltik si Young Master kaya need ko agad sumunod." Natatawang tumango si Chelsea.

"Close na talaga kayong dalawa. Mukha kayong mag ina, hahahaha!" Iling iling akong naglakad patungo sa kitchen.

Naka-upo siya sa isang upuan sa may counter ng kitchen. Mukhang kakatapos niya lang mag online class. Naka-home schooling siya para na rin daw safe. Takaw sa kidnaping mga ganitong bata lalo na mayaman ang tatay.

"What do you want? Cereal? Or heavy breakfast?" Tanong ko habang tumitingin sa ref ng pwedeng lutuin. Sasabay ako sa kanya kumain.

"I want heavy breakfast. Do it faster gutom na ko." Sagot niya.

"Okay po, young Master." Inihanda ko na ang mga lulutuin ko.

Inilabas ko sa ref ang egg, bacon, ham, hotdog at fresh milk. May rice naman ng luto kaya ulam nalang iluluto ko. After ng 15 minutes tapos na lahat. Hinainan ko na siya at ako din.

"What are you doing Ugly Gracie?" Tanong niya.

"I'm eating with you. Pangit pag walang kasamang kumain no! Eat before it gets cold." Sagot ko.

"Whatever." Sabay kaming kumain. Lagi talagang may saltik 'tong bata pero minsan nawawala. 

Alam kong kulang siya sa atensyon ng ama niya. Galit siya sa mundo kasi feel niya hindi siya importante sa mga tao. 'Yan yung mga napasok sa isip ko na cause ng pagiging bad temper niya. His dad is always busy at work. Puro katulong mga kasama niya dito sa bahay. Sino ba namang matutuwa kapag ganoon yung kagigisnan mo araw araw?

"Need ko ng guardian sa school on Friday." Napatingin ako sa kanya.

"Tatawagan ko ang daddy mo. Anong meron sa school niyo?" Tanong ko.

"Family day. I know, he's busy. No need to tell him. I'm not interested to participate either." Hindi daw interested, mukha ngang nalugi 'yung mukha niya.

"Sure ka dyan? Gusto mo ako nalang sumama sa'yo?" Tiningnan niya ko.

"You're not my guardian. You're just my nanny or whatever." Kanina lang walang sumpong ngayon mayroon na naman.

"Ako na nga nag mamagandang loob. Try mo din kasing maging sociable, Young Master. Bata ka pa naman. Wala ka pang 7 pero 'yung utak mo ang daming problema. Enjoy your childhood. Labas ka din sa comfort zone mo." Iniligpit ko ang mga pinag kainan namin at agad itong hinugasan.

"You're not my mom. Bakit ako makikinig sa'yo? Binabayaran ka ba ni dad para sabihin lahat 'yan? Nakaka-irita!" Ngumiti lang ako.

"Binabayaran ako ng daddy mo para alagaan ka. Mga payo ko 'yan para sa'yo. Libre lang 'yan. Kaya huwag mong sayangin at i-try mo din. Nasa huli ang pagsisisi, Young Master." Sabi ko.

Gusto ko lang buksan ang isip ng bata para maging aware siya. I know, unfair ang mundo. Kahit naman sa'kin madami akong problema. Pero pinipili ko yung mga bagay na magbibigay sa'kin ng saya. I want to see his smile, laging lukot ang mukha e. Habang tumatagal ako dito, unti unti ko siyang naiintindihan.




Cut! Sowey sa late update again. I'm so busy these day. Hope you'll understand. Enjoy reading and stay safe to all.

Babysitting The Ceo Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon