Chapter 30

30.8K 577 16
                                    

PAGPASOK ko sa loob ng kwarto ni Sir Zach, nakita ko siya naka higa while his eyes closed. Inilapag ko sa side table ang tray na hawak ko. Paano ko ba to gigisingin? Napa kamot pa ko ng ulo.

"W-Why are staring at me? Na starstruck ka na naman?" Napa atras ako ng konti. Ilang beses na ko na prank na tulog 'to.

"You're talking nonsense again sir. D-Dinala ko yung foods mo and medicine. Lalabas na ko." Nakakahiya talaga.

"Stay here." Lagi nalang niya hinahawakan ang kamay ko. Umupo ako sa mini chair at nag cross arms.

"Kumain ka na sir. I'll stay here." Sa baba lang ako nakatingin. Di nga ko makatingin ng diretso sa kanya. Naaalala ko lang yung ginawa ko sa kanya kahapon.

"My hands is to weak to hold a spoon." Inis akong tumingin sa kanya.

"Really sir? Hindi ka na bata!" Nagkibit ito ng balikat. No choice na naman ako. Kinuha ko ang porridge sa tray.

He's acting like Zamiel! Wala nga dito yung alaga ko, siya naman pumalit. Pagbiyan ko nalang at may sakit naman siya ngayon. Sana maka survive ako dito. Parang aatakihin na ko sa puso. Ano ba kasing mayroon si Sir Zach at nababaliw yung puso ko?

Hindi ako tumitingin sa kanya. Basta pinakain ko lang siya ng porridge. It makes me blush kasi malapit siya sa'kin. Hanggang isang subo na lang ang natira sa bowl.

"I'm full. Thanks Graycie." Napa-kagat ako ng labi. Graycie, kalma ka lang. Nag thank you lang naman!

"W-Welcome S-Sir, drink your medicine before you sleep." Akmang tatayo na ko ulit. Nahagip na naman niya ang kamay ko. What now?!

"Where are you going?" Tanong niya.

"Matutulog na." May isa pa namang sigurong kwarto dito di'ba?

"Walang ibang kwarto dito kundi ito lang. Si Mang Bert sa sofa lang siya natutulog. You can sleep here." Ni- tap niya ng kama niya. What the hell?! Sa tabi niya ko matutulog?! No!

"Naku sir! H-Hindi na! Sa sahig nalang ako doon sa salas. Sana'y naman akong matulog sa sahig. L-Let go o-of my hand.." Hindi siya nakinig.

"No. You're gonna sleep here. Hindi ako papayag na sa sahig ka matutulog." Sagot niya. Lalong di ako papayag na matulog sa tabi mo! Baka hindi ako makatulog lalo. Ano ba?

"Sir naman, matulog nalang kayo dito! Okay lang talaga ako matulog sa sahig sa salas." Hindi niya talaga binibitawan ang kamay ko. Kalakas naman talaga!

"I will allow you to sleep on the floor but here." Tinuro niya nag baba ng kama niya. Malupet!

"W-What?! Sir naman!" Tiningnan niya lang ako.

"You can choose. Sleep on the bed or on the floor?" No choice na ko. Manahimik lang siya.

"Fine! Manahimik ka lang!" Inis na sigaw ko.

"Alright. Here's the pillow and blanket." Sinalo ko ang inihagis niya na unan at kumot.

Inilatag ko yon sa sahig. After ko mailatag ay humiga na ko. Patalikod akong humiga sa gawi niya. Bahala siya dyan. I-try kong matulog. Hindi kasi ako sanay kapag may ganitong feeling tapos andito yung taong may dahilan non. Okay lang sana if nasa kwarto ako mag isa. Malas ko talaga!

"Graycie.. are you awake?" Rinig kong bulong niya.

"Tulog na." Sagot ko.

"May favor sana ko sayo." Hindi ako humarap sa kanya.

"What?" Tanong ko.

"Don't call me *Sir* sobrang pormal kasi. Call me Zach kung tayo lang naman dalawa. Since nanliligaw na ko sayo." I rolled my eyes.

"Kelan ba ko pumayag na manligaw ka? Wala akong maalala." Wala naman talaga e.

"You never said no or yes. Nasa gitna lang ako. At least I have a chance, right?" Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Nakaka-hotseat naman! "Hey, are you asleep?" Dagdag niya.

"Shut u--" Lumingon ako. Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. Napaka-lapit ng mukha naming dalawa. "L-Lumayo ka nga! B-Baka mahawaan m-mo ko ng l-lagnat.." Ngumiti ito at bumalik sa higaan niya.

"Let's sleep. Goodnight." Tumalikod ako ulit at hindi siya sinagot. Paano ko makakatulog nito? Bwiset ka Sir Zach!

Nagising ako sa vibration ng cellphone ko. Tiningnan ko si Sir Zach, tulog pa. Pagkakita ko sa caller si tatay. Ang aga naman yata niya tumawag.

"Hello ho?"

"Anak! Naistorbo ko ba ang tulog mo?"

"Hindi ho, kagigising ko lang naman. Bakit ho kayo napatawag?"

"Moving up ni Gavin sa school bukas. May kaunting salu salo dito sa bahay, pwede ka bang umuwi bukas?"

"Bukas ho agad? Hindi ko ho maipapa-ngako na makaka-uwi ako bukas. Sasabihan ko ho kayo."

"Ganoon ba? O siya, sabihan mo ko kung makaka uwi ka ha? Mag ingat ka dyan lagi."

"Oho tay, kayo din ho dyan."

I ended the call. It's been 2 months na din. Hindi ko din alam if kaya ko ng umuwi doon. Although, wala naman na silang epekto sa'kin. I'm scared to go home. I'm scared to left alone again. Pero special day yon ng bunso kong kapatid. Dapat andoon ako.

"You can go." Muntik ko na mabitawan ang cellphone ko.

"Sir Zach, nakakagulat ka naman!" Sabi ko.

"Kakasabi ko lang kagbi, cut the *Sir* if we're alone together." Tumango ako.

"Hindi pa ko sanay e. Narinig mo? Chismoso ka na pala ngayon?" Sarcastic na tanong ko.

"Sa lakas ng boses mo hindi malabong 'di ko maririnig. By the way, that's a right time to go home. Puro ka trabaho sa loob ng two months. Na-miss ka na ng pamilya mo Garycie." Ngumiti ako ng mapait. Nasaabi niya yan kasi wala siyang alam.

"Thank you but I preferred not to go. Moving up lang naman yon ng bunso kong kapatid. Maiintindihan naman nila if di ako makakapunta." Bahala na. Magalit na kung sino ang magagalit." Sagot ko.

"I think this is the right time to face your biggest fear, Graycie. Sabihin mo na din sa kanila kung ano talaga ang trabaho mo dito. Tama na yung pag iwas mo. Move forward at hanapin mo kunt saan ka sasaya." May point si Sir Zach.

"Honestly, I'm scared. Baka pag nakita ko sila na masaya, maapektuhan lang ako. Ayokong makita nila kong miserable. Gusto ko makita nila ako na hindi apektado sa kanila." Nai-yukom ko ang mga palad ko.

"Can I come with you? Kung ayaw mo ipaalam sa kanila ang totoo, ako ang bahala." Tanga na ko if aayaw ako. Hindi ko talaga kaya umuwi mag isa. Tutal siya nag presinta.

"Sure. Isama mo din si Zamiel." Ngumiti ito at tumango.


Cut! End of chapter 30. Kindly leave a comment and vote. Happy reading.

Babysitting The Ceo Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon