Chapter 69

23.9K 449 27
                                    

SINALUBONG ako ni Gavin pag pasok ko sa entrance. Masaya ako na siya sumundo sakin imbis na si Gabi. Magiging uncomfortable lang ako kapag si Gabi. Yumakap siya sa'kin pagkalapit ko sa gawi niya.

"Ate! Na-miss kita ng sobra." I hugged him back. Mabuti nalang at wala si Zach dito. Alam kong mag seselos na naman 'yon.

"Me too. I'm happy to see you again." Medyo maga mata niya. I know he's crying for what happened.

"Yeah. Let's go to tatay, nasa ICU na siya because of the injury he had. He's looking for you noong bago siya ma-icu." I feel the pain on his word.

"Everything's will be fine. Strong kaya si tatay. Kaya niya lahat 'yon Gavin, tiwala lang. Okay?" I tapped his back to comfort him.

"Sana nga ate." Sagot niya.

Sabay kaming pumunta sa ICU. Inalalayan ako ni Gavin sa hagdan at sira ang elevator dito. Grabe ang bigat ng mga hakbang ko at may dalawang bata sa loob ng tiyan ko. Hindi madaling mag buntis lalo na kambal pa. Nang makarating na kami sa ICU, agad kong nakita sa waiting area sina nanay, Gabi at Ceejay. Gandang bungad.

"Salamat at nakarating ka na ate." Ngumiti lang ako kay Gabi.

"Pwede ba kong pumasok sa loob?" Tumango siya.

"Kakatapos lang namin. Ikaw naman ang pumasok sa loob. He's in a coma right now but I know he can hear you naman." Tumango ako.

Hindi ko tinapunan ng tingin ang ibang tao dito. Mabigat ang loob ko sa kanila. Sabi ko nga, ayoko ng stress. Isinuot ko ang hospital gown at mask bago pumasok. I saw tatay laying on the bed, madaming mga aparato ang naka-kabit sa kanya. Umupo ako sa gilid ng bed niya. Ngayon ko nararamdaman yung lungkot. Hindi ko namalayan na umiiyak na ko.

"I-It's been a l-long tay, m-mag kikita tayo s-sa ganito p-pang sitwasyon.. pasensya na ho a-at n-ngayon lang ako u-ulit nag pakita.. s-sorry ho.. b-buksan n-niyo na ho yung mga m-mata niyo tay.. a-andito na ko.." Hinawakan ko ang kamay niya. Ang sakit lang kahit di ko siya biological father, malaki yung part niya sa buhay ko.

"M-Mabibigyan na k-kita ng apo.. I-I'm having a-a twins tay.. G-Gusto ko na makita ka n-nila.. I want to tell them how kind and loving you as a f-father to m-me.. K-Kung paano mo k-ko inalagan despite na I'm not your o-own d-daugther.. Kaya please tay, gising ka na.." My tears keep falling.

Tiningnan ko siya, I saw a tear falling from his eye. Naka pikit pa din siya, kahit may tubo yung bibig niya nakita ko na ngumiti siya ng slight. Kasabay 'non ang pag flat line ng machine. The doctors and nurses immediately came here. Tumayo ako habang umiiyak. They're revive tatay, I saw Gavin and others panicking outside the icu. But in the end, they're not saved him.

"Time of death 11:11 am." The doctor announced.

Lumabas ako ng ICU room. We're crying in silence habang kinaka-usap ng doktor si nanay. He's gone. The person who accept me is gone. It hurts so bad. May naramdaman akong tumabi sa'kin.

"Graycie.." I heard Ceejay voice. This asshole!

"Don't give me a comfort. Give it to Gabi not to me. One more thing, don't ever lay your dirty hand to my property." Kahit alam kong mugto yung mata ko kaka-iyak, sinamaan ko siya ng tingin.

"S-Sorry.." Tumayo ako.

"Apology not accepted. You are trash Ceejay, kung hindi lang dahil sa kapatid ko matagal na kitang pinakulong. Don't come near me, I want to mourn. Ayoko ng demonyo sa paligid." Hindi ko siya hinintay na magsalita. Pumunta ako sa gawi nina Gavin.

"A-Ate, wala na si tatay!" Iyak ni Gavin. Yumakap siya sa'kin. Tahimik na umiiyak si Gabi, naka-tungo naman si nanay.

"H-He died peacefully Gavin, he's not i-in pain anymore." Na-iiyak na naman ako. It's hard to accept it.

"A-Ang daya niya pa din!" I comfort him. Mahirap to para sa amin. He's a good and loving father. Napaka-hirap mag sink in nito sa isip.

"Excuse me lang po, may need na fill up na form for the deceased." Bungad ng nurse.

"Ako na po." Prisinta ni Gabi.

"Sige po ma'am, sumunod po kayo sa'kin." Sagot ng nurse.

"A-Ate Gabi, sasama ako." Kumalas sa pagkakayakap sakin si Gavin at sumunod kay Gabi.

Naka-tayo ako sa harapan ni nanay. I feel uncomfortable near to her. Alam kong masakit din sa kanya yung pagkawala ni tatay. Gumalaw siya at tumingin sa'kin. Her eyes are full of pain right now.

"A-Are you happy? Wala na ang asawa ko. Sigurado akong tuwang tuwa ka dahil miserable na ang buhay namin." I smiled bitterly.

"Tamang hinala pa din kayo nay, sa tingin niyo ho masaya ko? Even though he's not my father, masakit ho sa'kin ito. Sa buong buhay ko ho, hindi ko tinatawanan ang misfortune ng iba." Sagot ko.

"Ikaw ang malas sa pamilya namin pero ikaw ang hinahanap ni Alfredo bago siya ma-coma. Bakit hindi nalang ikaw yung nawala? Bakit kailangan ang asawa ko pa?!" I started crying with anger.

"Bakit nga ba hindi ako? Ang g-gusto ko lang ho ay maging m-masaya. All of my life tatay is there and you're not. Siya yung nag paramdam sa'kin na belong ako sa pamilya natin. Alam ko ho, mahirap makita yung bunga ng masalimuot niyo na nakaraan. Alam ko din ho na gusto niyo kong mawala sa buhay niyo. I'm just here for tatay. Gusto ko lang siya makita at hindi ko inaasahan na huli na pala 'to." She start crying too.

"Bakit kahit ipag-tabuyan ka, napaka tigas pa din ng ulo mo at balik ka ng balik? Alam mo naman pala kung bakit ako ganon, bakit andito ka at kina-kausap ang taong tumakwil sayo?" Tumingin siya sa'kin.

"Dahil kahit anong gawin ko bali baliktarin ko man ang mundo, nanay pa din ho kita. May respeto pa din ho ko sayo. I'm been a good daughter nay, hindi mo nga lang nakikita. Lahat ginawa ko para makita mo pero hindi mo ko tinitingnan." Lumuhod ako sa harapan niya. "Please for the last time, alam kong hindi niyo ko papayagan na pumunta sa sa burol ni tatay. Luluhod ako sa harapan niyo ngayon. This is my last request for you, payagan niyo ko pumunta sa burol niya. After that, i will cut ties to all of you." Dagdag ko pa.

"Kahit hindi ako pumayag, alam kong pupunta ka pa din. Ayoko ng eskandalo. Tuparin mo ang pangako mo, pagkatapos ng burol at libing don't ever show up to us." Tumango ako.

"Y-Yes i will. Thank you for that 'nay. Can I hug you?" Hindi siya sumagot. Yumakap ako sa kanya. "We need to be separated to heal our own wounds. This is the best for us to forget all the painful memories. The forgiveness is far from that. Maybe not now but soon. I will wait for that day. Mag iingat ho kayo lagi." I tapped her back bago kumalas ng yakap.

Tumalikod ako at naglakad palayo. This is the first time that i hugged her. It feels so nice, kahit ako lang yung nag insist 'non. Sabi ko nga, ang pagpapatawad ay wala pa. We need to heal ourselves. Masyado ng masakit kapag ipilit pa. I have my own happiness now and that's enough for me.



Cut! End of chapter 69. Kindly leave a comment and vote. Happy reading to all.

Babysitting The Ceo Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon