Chapter 6

42.1K 831 27
                                    

SA wakas makakapag-pahinga na din ako. Dami kong ginawa kanina. Nagpatulong si Chelsea magluto tapos kami din nag-hain ng dinner nina Sir at Zamiel. Tapos todo asar pa ni Chelsea kanina.

Naisip ko lang, bukas na pala 'yung family day ni Zamiel. Andito na 'yung daddy niya. 'Di ko nabanggit. Hayaan nalang ayaw naman din ng bata. Kinuha ko 'yung cellphone ko. I dialed my tatay's number. Naka-tatlong ring bago niya sagutin.

"Anak, napatawag ka? Kamusta ka dyan?"

"Ayos lang ho. Kayo, kamusta?"

"Mabuting mabuti din. Salamat pala sa pinadala mong pera last week. Nabayaran ko na 'yung tuition fee ni Gavin."

"Mabuti naman. Pasensya na ho at di ako nakaka-tawag lagi. Sobrang busy ko lang ho talaga."

"Ayos lang 'yon. Basta 'wag mong pababayaan ang kalusugan  mo. Mag iingat ka din dyan palagi. Kapag handa ka ng umuwi dito, magsabi ka lang ha?"

"Opo tay, sige ho at maghahanda na ko para matulog. Ikamusta niyo nalang ho ako sa iba."

"O siya, pahinga ka na anak."

"Kayo rin ho dyan."

Inilagay ko ang cellphone ko sa ibabaw ng cabinet. Mag half bath muna ko bago ko matulog. Pumasok ako sa bathroom para mag half bath. Pwede din baguhin yung temperature ng tubig dito. Pinili ko 'yung maligamgam. Sosyal din 'tong room na to. May aircon, pero di ko ginagamit. Lamigin ako kaya okay na 'yung fan na malaki sa ibabaw ng kisame. 'Di ko nga alam kung kwarto pa ba 'to ng katulong.

"Ready to sleep na!" Bulong ko bago patayin ang ilaw at humiga sa kama. Nag-kumot na ako at pumikit na.

Naalimpungatan ako ng may narinig akong kumatok. Kinapa ko ang cellphone ko. Ala-una palang ng madaling araw. Sino kaya 'to? Di kaya multo? Tumayo ako para buksan muna ang ilaw bago buksan ang pinto.

"Zamiel? Bakit gising ka pa? Nagugutom ka ba?" May dala siyang unan.

"No. I have a nightmare. Ayoko muna doon sa room ko." Kinusot kusot niya 'yung mata niya.

"Want to sleep over?" Tanong ko at niluwagan ang bukas ng pinto. Dire diretso siya pumasok sa loob. Ibinato niya sa'kin ang isang unan.

"Ayokong may katabi." Bossy talaga! Ako pa nawala ng higaan. Buti nalang at mayroong maliit na sofa dito.

"Galing mo talaga. Sleep well ha!" Nag kumot siya at tumalikod sa gawi ko. May extra naman akong kumot sa cabinet ko.

Medyo uncomfortable 'yung sofa pero okay na 'yan. I need more sleep at maaga dapat gising na ko. Pumikit ako at nakatulog din agad.

"Gaycie! Gising, hoy!" Idinilat ko ang isang kong mata. Nakita ko si Chelsea na inaalog alog ako.

"Problema mo?" Antok na tanong ko.

"Gumising ka dyan." Sabi niya.

"Bakit? Di pa nag a-alarm cellphone ko kaya di pa working hours. Give me 5 more minutes." Nag takip ako ng unan sa mukha.

"Andyan si Sir Zach sa labas ng kwarto mo." Gulat akong napatayo. "Ay, excited? Ayusin mo na 'yang sarili mo." Natatawang sabi niya bago lumabas ng kwarto. Tiningnan ko si Zamiel. Tulog pa din siya. Mabilis akong nag suklay bago lumabas ng kwarto.

"Good morning Sir." Ito na naman 'yung tibok ng puso ko. Ang pogi naman nito sa umaga.

"Did I interrupt your sleep?" Tanong niya.

"No. Sana'y na po ako gumising ng maaga. Bakit po pala kayo andito?" Kamot ulong tanong ko. Dati naman nakaka-tingin ako sa kanya ng eye to eye. Bakit hindi ko na magawa ngayon?

"It's Friday, kinontak ako ng teacher ni Zamiel about sa Family Day sa school niya." Panimula niya.

"Ay oo nga po pala! Sinabihan din po ako ng teacher niya. But your son keeps refusing. Kahit anong pilit ko sa kanya. Still no pa din." Sagot ko.

"Pupunta ko sa Family day." Nagulat ako ng lumabas si Zamiel sa kwarto. Pati si Sir Zach halatang nagulat din.

"Nag sleep over nga pala siya dito. I thought you don't want to?" Baling ko na tanong.

"People change, Ugly Graycie. By the way you're coming, right dad?" Baling naman niya na tanong sa daddy niya.

"Yes. I will." Sagot ni Sir Zach. "You should come too, Ms. Santos." Nagtaka ako.

"Ako? Bakit po need ako sumama?" Ngumiti siya. Pati pag-ngiti gwapo din!

"I need you there for my son. Before 8 am dapat andoon na tayo, see you later." Sabay silang umalis ni Zamiel sa harapan ko.

Sabagay ako nga pala ang magbabantay kay young master. Bumalik ako sa kwarto ko para maligo. Ala singko palang ng umaga, gaya nga ng sabi ng boss ko need ko sumama. 'Di na rin masama kasi makaka-labas ako after a month.

After ko mag shower nag bihis ako ng black jeans at maroon shirt. Nag-rubber shoes din ako, ang hassle kasi if mag sandals ako. After ko magbihis ay agad akong dumeretso sa kwarto ng alaga ko. Tapos na din siya maligo.

"Ang bilis naman magbago ng isip mo, Young Master? Nagpapa-good shot ka ba sa daddy mo?" Tiningnan niya ako na parang inis.

"I'm not. Napaka-boring dito sa bahay. Nakaka-sawa na 'yung mukha mo na araw araw ko nakikita. But, sasama ka din. How sad." Walang ganang sagot niya. Sana pala 'di na ko nag tanong. Naka-tanggap pa ko ng insulto.

Inihanda ko na ang susuotin niya. After niyang magbihis, bumaba na kami. Hinintay ko siyang maka upo sa dining area bago ako dumeretso sa kitchen. Mag sandwich lang ako dahil 'di naman ako sana'y mag breakfast sa umaga. Minsan lang.

"Hoy, ang swerte mo naman talaga! Isasama ka sa family day program! Anong pakiramdam?" Bungad na tanong ni Chelsea sa'kin.

"Trabaho ko 'to gaga! Hindi ako sasama doon para magsaya. Alaga ko 'yung anak ni Sir Zach kaya need ko din bantayan 'yon doon. Tigilan mo ko, Chelsea." Natatawang sabi ko sa kanya.

"Ah basta! Ship ko kayo ni Sir Zach! 'Di ako magiging masaya kapag hindi kayo nagkatuluyang dalawa!" Napaka-lawak naman talaga ng imagination niya.

"Ewan ko sa'yo. Madami pa kong dapat unahin kaysa dyan. Isantabi mo na 'yang imagination mo Chelsea." Natatawa kong sabi bago bumalik sa dining area.

Lakas ng topak ng babaeng 'yon. But, to be honest. May konting pag-hanga ako kay Sir Zach. Don't get me wrong. Di pa ko nakaka-move on sa ex ko. Pag-hanga lang 'to at wala akong romantic feelings for him. Masyado lang talagang wild mag isip si Chelsea. Tsk!








Cut! Maraming salamat ulit sa mga nag babasa kahit iilan pa lang kayo. Keep safe, see you tomorrow night.

Babysitting The Ceo Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon