Chapter 35

29.6K 534 7
                                    

NAGISING ako maliwanag na sa labas. Di ko pala naitabing yung kurtina sa may binta, kaya yung sikat ng araw tumatama sa mukha ko. Naalala ko din dito natulog yung mag tatay. Until now, tulog pa din sila. Ewan ko ba, ginawa nilang sleeping quarters yung kwarto ko. Medyo maayos naman ang pakiramdam ko ngayon. Linggo pala kaya walang trabaho si Sir Zach.

Umupo ako at nag stretch ng kamay. Biglang nag flashback sa'kin yung nangyari kagabi. Did he kissed me?! Hindi ba 'yon panaginip? Nag init yung mukha ko. Omo! Anong ginawa ko?! Bakit ako pumayag na halikan niya ko?! You're stupid Graycie! Argh!

"Nagka nightmare ka ba? Panay ang pukpok mo sa ulo mo, Graycie." Shit! Gising na si Sir Zach.

"Si- este Zach! N-No, tumatama lang yung araw sa'kin kaya nagising ako. M-Matulog k-ka pa! Maghahanda lang ako ng breakfast." Tatayo na sana ako pero hinila niya ko pabalik ng kama. Ending napahiga ako at nasa ibabaw ko siya. Shit! Ang aga aga naman!

"Maraming maid sa mansion. Trabaho na nila yon. Your job is taking care of Zamiel. One more thing, ayokong napapagod ka." Bumilis yung tibok ng puso ko. Takte! Baka magising yung bata! Ang awkward nung posisyon namin!

"O-Oo na! Lumayas ka na sa ibabaw ko! Pag nakita tayo ni Zamiel baka kung ano pang isipin niya!" Pero parang wala siyang naririnig. Piste talaga to!

"Wala tayong ginagawang masama. We're having a sweet talk in the morning." Nakangising pa ang gago pero ang hot niya. "I heard your heartbeat, iba talaga sinasabi ng puso kaysa sa action mo. I know Graycie, I like you too." Lalong nag init ang mukha ko.

"You fucking bastard Zachary Del Fuerto!" Itinulak ko siya dahilan para mahulog siya sa kama. Did I push him too hard? 

"Anong ginagawa niyo?! Dad! Are you alright?!" Kanina pa ba siya gising? Sana kakagising niya lang at di niya nakita yung ginawa ng tatay niya.

"Y-Yeah." Sagot ni Sir Zach.

"Ano ba kasing ginagawa niyong dalawa?! Why are you here dad? Dito ka ba rin ba natulog?" Omygosh! Anong sasabihin ko?

"M-May ipis kasi! Oo may ipis kanina k-kaya biglang p-pumasok yung daddy mo kasi s-umisigaw ako hahaha! Muntik n-na kasing g-gumapang s-sayo yung ipis." Tumingin ako kay Sir Zach na hawak yung ilong niya. "Omygosh! Dumudugo yung ilong mo sir?!" This is my fault. Siya naman kasi na-una.

"It's fine. I'm going back to my room." Hala nagalit ba 'yon? Shit! Ayokong mawalan ng trabaho.

"Nakita ko kayong dalawa. You're a liar! Don't make an excuse about the cockroach. Walang mga cockroaches dito. If you want to cuddle, doon kayo sa ibang lugar huwag sa nakikita ko." Sabi na e! Ang malas ko naman! Bwiset kayong mag ama!

"Huwag niyo di'ng gagawing sleeping quarters yung kwarto ko! Go back to your room young master." Bumalik lang ito sa pagkaka-higa.

"Don't want to. I think dad is upset. Yon nalang problemahin mo, make me a breakfast bago ka mag isip ng gagawin mo." Inambahan ko siya bago tumayo sa kama. Napaka bossy talaga ng batang 'yon.

Habang gumagawa ako ng breakfast, di ko alam kung ano sasabihin ko kay Sir Zach. Di'ba dapat siya yung mag sorry kasi hinalikan niya ko kagabi? Tapos muntik na din kanina. Bakit parang konsensya ko pa?! Bwiset! Bahala siya sa buhay niya! Siya na-una. After ko gawin yung breakfast ni Zamiel inihatid ko na yon sa room ko.

Lumabas muna ko para mag dilig ng halaman sa garden. Habang nakain pa yung alaga ko. Maayos naman na ang pakiramdam ko. Since two days na rin na di ko kinakausap ang pamilya ko. Naku, ayoko na makarinig ng puro sumbat lang. Papalamigin ko muna yung mga ulo namin.

"Good morning Graycie!" Nilingon ko si Chelsea na may dalang basket ng gulay. Galing yata sa palengke.

"Morning." Bati ko sa kanya.

"Mukhang okay ka na ngayon a? Masarap ba tulog mo dahil katabi mo yung mag ama?" Napatingin ako sa kanya.

"Paano mo nalaman? Stalker ka ba?" Gulat na tanong ko.

"Kita ko lang si Sir Zach kagabi na pumasok sa kwarto mo. Na-uhaw kasi ako kaya nasa kitchen ako. GraZa is sailing na talaga! Ano? May label na ba kayo?" Mas excited pa siya sa'kin.

"Wala! Manahimik ka dyan. May saltik yung dalawang yon! Ginagawang sleeping quarters yung kwarto ko. Nanliligaw palang pero--" Napa takip ako ng bibig. Omo! Nadulas ako sa kanya. Stupid mouth!

"Hala! Totoo?! Nililigawan ka na ni Sir Zach?! Naku girl, sagutin mo na agad! Huwag ka ng pa hard to get dyan! Gusto mo din naman si Sir Zach kaya why not! Omo! Sailing na talaga yung ship ko." Lalo talaga akong maasar nito lalo nalaman niya.

"Huwag mong ipagkakalat, napaka daldal mo pa naman. Pumasok ka na doon sa loob at gawin ang mga task mo! Zip your mouth Chelsea, lagot ka sakin kapag dumaldal ka!" Pag babanta ko.

"Ako bahala Graycie! Sabihan mo ko kapag naging official na kayo! Magpapa-party ako." Mukha siyang tanga sa mga action niya.

Tinapos ko lang ang pag-didilig ng halaman. Binalikan ko din si Zamiel sa kwarto. Need na niyang maligo. Tumingin ako sa second floor. Nasa kwarto siguro si Sir Zach. Erase. Erase! Bahala nga pala siya sa buhay niya. Kung di niya ko kakausapin, di ko rin siya kakausapin! Siya na-nguna no!

"Young master, maligo ka na. It's 10 am." Bungad kong sabi kay Zamiel ng makarating ako sa kwarto.

"What is it, ugly Graycie?" Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong hawak niya yung gamot ko. Agad ko 'yon kinuha sa kanya.

"A-Ah! Vitamins ko lang t-to! Maligo ka na y-young master." Halatang hindi siya kumbinsado ng una pero tumango lang siya at lumabas.

Itinago ko sa bag ko na malaki yung gamot. Paano niya nakita 'yon? Di naman niya siguro nabasa kung para saan yon. Impossible. I hope so.



Cut! End of Chapter 35. Kindly leave a comment and vote. Happy Reading.

Babysitting The Ceo Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon