Chapter 23

32.5K 602 5
                                    

ANDITO pa din kami sa hospital. 3 days na kami dito at sa awa ng diyos okay na siya. Maya't maya din ang tawag ni Sir Zach sa'kin. Okay lang sana kung panganga-musta lang kay Zamiel. Aba'y may kasamang harot! Hindi ko pa nga alam kung anong isasagot ko sa kanya. Yeah, I like him but hindi yung sa gusto ko siya maging boyfriend or ano. Ewan bahala na!

"Ugly Graycie, Kailan ba ko lalabas dito? I don't like this place. Kailan uuwi si dad? Is he checking me?" Yeah, ganyan bukang bunganga niya pagising niya everyday. Miss na miss na yata yung tatay niya.

"Kapag naging clear na lahat ng test sayo, pwede ka na ma-discharge. Kumain ka ng madami para mabalik ang lakas mo. Babalik na ang daddy mo next week, kaya dapat next week magaling ka na at makaka-uwi na tayo." Nag balat ako ng ponkan. Dinala 'to ni Chelsea kahapon. Ang dami nga'ng prutas e.

"I'm getting bored here. I don't like the nurse who always making this!" Tinuro niya ang swero na nasa kaliwang kamay niya. Masakit naman kasi 'yon. Pumutok na kasi yung mga ugat niya sa kabilang kamay.

"Just bear with it. You will need that to regain your energy. Here." Inabot niya ang ponkan na hawak ko. Kumakain naman siya ng maayos. I'm glad that he's not being rude at me.

Medyo pumayat siya dahil hindi siya nag kain ng mga 2 araw. Ngayon ko nga lang na-uto. In my two months of being a babysitter, hindi naging madali. Bukod sa hindi ito ang trabaho na para sa'kin. Need ko ng mahabang pasensya. Worth it naman e. Basta mahalaga si Zamiel sakin. Sa edad ko kasi dapat may anak na ko. Pero need kong tanggapin na hindi na 'yon mangyayari. 

Sa madaling sabi, isa akong lata na walang laman. Hindi ko pa din sinasabi kay tatay na hindi ko siya mabibigyan ng apo. Masaya na din ako kasi si Gabi na ang tutupad non. Kaya todo din ang suporta ko sa pagbubuntis niya. Pero hindi pa din naaalis sa isip ko yung ginawa nilang pang-loloko. Gustong gusto ko na kalimutan yon.

"Hey! Ugly Graycie! I want more!" Nagulat ako dahil sumigaw si Zamiel.

"Sorry! May iniisip lang, hahaha.." Kamot ulong sagot ko.

"My dad?" Agad akong umiling. Grabe naman to! Tatay niya agad! Hindi ba pwedeng nag da-drama lang ako?! Assuming!

"Kumain ka nalang dyan tapos mag-pahinga ka na after." Naubos niya yung ponkan na binalatan ko. Tinulungan ko siyang humiga sa kama.

"If I sleep, don't go anywhere. Baka dumating na naman yung ugly na nurse. I don't like her." Napatawa ako. Ayaw nalang aminin na takot siya doon. This kid.

"Yeah. Wala naman akong pupuntahan na iba. Pahinga ka na ulit." Mag- gabi na din kasi.

Umupo ako sa sofa dito. Kahit walang ginagawa nakaka-pagod din. Buti nalang at di umaatake yung depression ko. The medication is good. Maganda ang pakiramdam ko. Okay naman ang pamilya ko. Everyday nag-update si tatay sa'kin. They're doing fine. Biglang tumunog ang cellphone ko, I know who is it.

"Yes, Sir Zach?"

"How's my son's condition?"

"He's perfectly fine. Maging clear lang daw ang test result sa kanya, pwede na siyang makalabas agad."

"Good. And you? How's your day?"

"I-I'm fine.."

"Lagi kang na-uutal kapag tinatanong kita tungkol sayo? Am I too much? Did I make you uncomfortable?"

"No! Just.. H-Hindi lang ako sanay.."

"Is that so? Pero di ko pa din nakakalimutan yung tanong ko sayo. I need your answer once i got back there."

"A-Ah, yes."

"Get some rest. Goodbye for now, Graycie."

The call ended. Buti nalang at tulog ang alaga ko. Nag iinit ang buong mukha ko. Ang bilis din ng tibok ng puso ko. Bakit kailangan pa kasi niya ipaalala?! Wala pa nga kong sagot! Hindi ko din alam isasagot ko! Pinag-titripan ba ko ni Sir Zach? Hindi porke gwapo siya at gentleman magpapa budol na ko sa kanya! No way!

Bahala na. Kung ano magiging sagot ko sa kanya. Hindi naman ganito naramdaman ko kay Ceejay noon. Mahal ko siya, pero ganito. Teka lang! Pinag-kukumpara ko na naman ba silang dalawa?! Argh! Ano ba kasing meron kay Sir Zach?! I just like him, 'yun lang yon! Itutulog ko nalang to!

Nagising ako ng bandang mga 6 am. Tulog pa din si Zamiel. Kinuha ko ang cellphone ko. May text galing kay tatay at Sir Zach. Una kong binuksan yung kay tatay. Napa-ngiti ako sa sinabi niya. He's cheering me up and kung kailan ako uuwi. Nag thank you ako at sinabi ko soon pa ko makaka-uwi.

Sunod kong binasa ang text ni Sir Zach. Feeling ko talaga aatakihin ako sa puso kapag siya ang usapan or kausap ko. Nag init ang mukha ko. He said, alagaan ko daw si Zamiel and take care of myself too. Yung huling sinabi niya yung lalong nagpa bilis ng tibok ng puso ko. "I miss you, both." Shit!

"Ugly Graycie, you're too stupid to look at your phone like that. You're blushing too. Ah! Si dad yung nag text no? Told you, admit it. I'm not gonna against it." Nakita ko si Zamiel na naka upo na sa kama niya.

"S-Shut up, young master! I-Ikaw ang may kasalanan nito. Ikaw yung nagsabi sa dad mo na I like him!" Ngumisi ito.

"I'm helping you, ugly Graycie. At least that's not a lie. Hindi ako marunong mag sinungaling dahil masama 'yon." Siya naman talaga may kasalanan kung bakit ganito yung tatay niya sa'kin. "Ayaw mo ba? Pwede ko namang bawiin yung sinabi ko kay dad." Dagdag pa niya.

"Ewan ko sayo. Nasabi mo na! Tatawagin ko lang yung nurse at need mo na ng bago swero." Ako ang ngumisi sa kanya.

"What?! No! Don't you dare to leave and call that ugly nurse!" Namutla siya bigla. I laughed.

"That's your punishment. Wait me here, tatawagin ko lang ang nurse." Naka-ngiting sabi ko.

"You! I hate you, Graycieeeee! Isusumbong kita kay dad!" Natatawa ko sa mga sinasabi niya. I'm just kidding. Need ko lang bumili ng pagkain. Bigla kong nagutom.

"Ate?" Nilingon ko ang tumawag sa'kin. Si Gabi. Oh no!

"G-Gabi! What are you doing here?" Noong isang araw si Ceejay. Ngayon siya naman.

"Kasama ko si nanay. Naka-limutan ko kasi yung ultrasound pic dito. Ikaw, anong ginagawa mo dito?" Hindi niya pwedeng malaman yung tungkol sa trabaho ko.

"Ah, nag-pa check up lang. Una na ko, may pupuntahan pa ko. Ika-musta mo nalang ako kay nanay." Hindi ko na siya hinintay sumagot. Sa likod ako dadaan at maghahagdan nalang. Napaka-malas ko naman!


Cut! End of chapter 23. Indenial yan Graycie? Thank you ng madami sa  mga sumusuporta sa story ko. Please leave a comment and vote. Happy reading!

Babysitting The Ceo Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon