Chapter 36

28.1K 562 21
                                    

ISANG linggo na ang nakaka-lipas. I'm totally fine. Pero hindi ko pa din ni-contact yung pamilya ko. Nagpadala ako ng pera kay tatay pero hindi ko sinasagot ang mga tawag o text niya. Ayoko na ng reason. Simula din ng Sunday, hindi kami nag-kikibuan ni Sir Zach. I think he's mad at me. At least di ako tinanggal sa work ko. Limang araw na nga yon di umuuwi dito. Naku, bahala siya sa buhay niya.

"Ugly Graycie, gusto ko puntahan si dad sa condo unit niya. He's there right?" Ito pang isa, nagta-tantrums na.

"Hintayin mo nalang kasi bumalik ang daddy mo young master. Busy siguro 'yon sa company niyo kaya di siya maka-uwi dito." Honestly, ayoko din siyang makita. Inis ako sa kanya.

"Alam kong di kayo magka ayos ng isang linggo na. Mag sorry ka na kasi kay dad." Kumunot noo ko.

"Di'ba dapat siya mag sorry? Siya na-una! Ewan ko sa inyong dalawa, magsama kayo!" Tinalikuran ko siya at itinuloy ang ginagawa ko.

"Tsk! Fine! I will go there without you! You ugly Graycie! I hate you!" Bwiset na bata to! May sumpong na naman. Pareho pa silang nag iinarteng mag ama. Naku ewan ko sa kanila!

Maya maya nakita ko siyang bihis na at dala dala yung teddy bear. Hinarangan ko ang pinto sa main door. Nakipag patintero pa ko sa kanya. Hindi siya pwedeng lumabas at ako ang mananagot kay Sir Zach. My job is to take care of this hard headed child.

"Tabi! Pupuntahan ko siya without you!" Hindi ko talaga siya pinadaan.

"I already said no. Uuwi din ang daddy mo. Wag na matigas ang ulo young master! Bumalik ka na sa kwarto mo." Tinaasan ko ang boses ko para magmukhang galit ako.

"I don't want to! Move!" Itinulak niya ko kaya napa-upo ako at naka-lusot siya. Tsk!

"Zamiel! Don't go outside!" Wala pa namang bantay sa gate kaya agad niya 'yon binuksan at lumabas.

Hinabol ko siya palabas. Ang bilis niyang tumakbo. Bwiset na batang ito.  Tapos wrong timing pa may tumatawag sa'kin.

"Yes, h-hello?"

"Graycie.."

"S-Sir Zach?! Umuwi ka na nga! Y-Yung anak mo nagta tantrums na! *Hey, Zamiel comeback here!* Lumabas ng mansion h-hinahabol k-ko siya ngayon."

"Wait, what?! It's dangerous outside!"

"K-Kaya nga h-hinahabol ko! J-Just go home! It's hard to talk r-right now! Umuwi k-ka na!"

I ended the call and continue chasing Zamiel. He's too fast. Bakit ba kasi ganito tong batang ito?! Umuwi ka na Sir Zach! May nakita akong mabilis na kotse at mag oover take pa yata. Jusko! Baka mahagip si Zamiel! Binilisan ko ang takbo at ng maabot ko siya.

Agad ko siyang niyakap at hinila sa gilid ng daan. Nagpa-gulong gulong pa kami. May naramdaman akong tumusok sa may tagiliran ko. Tumama din yung ulo ko sa may bato kaya nahilo ako. Inalalayan ko ang ulo ni Zamiel para hindi siya ma-untog. Tsk!

"Y-Young master?! Are you alright?! Answer me!" Kahit na-ikot na ang paningin ko siya pa din ang inaalala ko. Umubo siya.

"I-I'm fine. W-What did you do t-that?!" Lumingon siya sa'kin. Nanlalabo na ang mga paningin ko. Anong nangyayari?! Feeling ko nasususka ako.

"B-Because that's m-my job. T-To p-protect you no m-matter what." Napa-ubo ako at may naramdaman akong sakit sa may tagiliran ko. Parang may naka-tusok don, shit.

"Y-You're bleeding t-too much G-Graycie! Need m-mo agad m-madala sa h-hospital!" He's panicking. I can't say anything. Namamanhid yung buo kong katawan. Balak ko sana abutin yung mukha niya para pakalmahin siya, but it all went black.




Cut! End of Chapter 36. Kindly leave a comment and vote. Happy reading.

Babysitting The Ceo Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon