SA backseat ako ng kotse sumakay. Hindi nagdala si Sir Zach ng personal driver kaya ending, tatlo kami sa kotse niya. Katabi niya si Zamiel sa passenger seat. Tahimik lang kami buong byahe. Nakaka-bingi nga 'yung katahimikan. Wala din naman ako ma-topic kaya tahimik lang din ako.
Pagdating namin sa school, agad akong bumaba sa kotse. Inalalayan ko si Zamiel bumaba. Home school siya pero kapag may program sa school pwede siyang umattend. Nakaka-mangha ang school niya. Halatang mayayaman lang ang mga nag aaral dito.
"Stop drooling, Ugly Graycie." Sinamaan ko siya ng tingin. Aga aga mang insulto.
"Let's get inside." Bungad ni Sir Zach. Sumunod si Zamiel sa kanya at naka sunod din ako sa likuran nila.
First time ko maka-pasok sa ganitong kagandang school. College lang naman ako nag private tapos hindi ganito kaganda. Iba talaga pag mayaman.
"Mr. Del Fuerto! It's nice to see you here." Bati ng teacher ni Zamiel pag pasok namin sa entrance.
"Good morning Mrs. Ramos." Pormal na sagot ni Sir.
"Oh, Ms. Graycie! Andito ka din." Ngumiti ako.
"Good morning po." Magalang na bati ko.
"Hi there Zamiel. Let's get inside." Sumunod kami sa kanya papasok sa court ng school.
Madami na ang tao pag pasok namin. Halos lahat whole family. Tumigil si Mrs. Ramos at may inabot kay Sir Zach.
"Ito ang color ng section ni Zamiel. Pwede naman kayo sumali sa mga palaro." Kulay pula ang tatlong laso.
"I don't like sports or something." Rinig kong bulong ni Zamiel.
"But you need to participate here Young Master." Lumuhod ako para magka-pantay kami.
"I think, this is not the right decision I made. Masikip at nakaka irita." Ginulo ko ang buhok niya.
"Need mo din maarawan ng konti kahit minsan." Iniilag niya ang ulo niya sa'kin. Mukhang asar na naman siya.
Naka-upo lang ako dito sa bench. Mukhang walang balak sumali 'yung mag ama sa mga palaro dito. Introvert? Ang init pa naman. Bakit pa kasi ako pumayag sumama? Masisira lang balat ko dito.
"Here." Nag taas ako ng tingin. Si Sir Zach pala.
"T-Thank you Sir." Kinuha ko ang bote ng mineral water na ini-abot niya sa'kin.
"Are you feeling bored? Gusto mo na bang umuwi?" Tanong niya at tumabi sa'kin. Shit! My heart is beating so fast!
"N-No! Pansin ko lang kasi, hindi kayo nag join sa mga palaro. Hindi ba pasado sa taste niyo?" Na-utal pa nga!
"It's not like that. To be honest, first time kong mag-attend ng school activity ni Zamiel." Sagot niya.
"Parang bonding niyo din po itong mag ama. You know Sir, hindi sa nangingialam ako pero mangingi-alam na ko. Your son needs you. Kaya po siya nagiging ganyan kasi he seek attention from you." Sa mineral bottle ako naka-tingin. Honest lang naman ako. Gusto ko kasi direstong usapan walang halong plastikan.
"Sa tingin mo ganoon nga ba? But he hates me. Na sana ako nalang 'yung namatay at hindi ang mommy niya. Hindi kasi siya lumaki sa puder ko kaya malayo ang loob niya sakin." Tumingin ako sa gawi niya. Nakaka-gulat. Naka-tingin siya sa field. Seryoso lang 'yung ekspresyon ng mukha niya.
"Hindi ko man po alam 'yung history niyo pero 'yon yung nararamdaman ko. Gusto niya na andyan lang kayo lagi. Like you said, he might be hated you, pero kailangan niya rin ng atesyon mo. Busy kayo lagi. Mas lamang din po yung mga business trip niyo kaysa ang pananatili sa bahay ." Napa-tigil ako. "Did I overboard? I'm sorry Sir Zach. I will shut my mouth." Nahihiyang sambit ko.
"No. You're right. I just realized it. Mukhang need ko nga ng time for him. Gusto kong pagkatiwalaan niya ko as his Father. Sisikapin ko yon. I'm not offended, don't worry. Your advice is amazing, hahaha!" Did he laugh? Napalunok ako.
"H-Hehehe... Kaya niyo 'yan Sir! Mapapa-lapit din loob ni Zamiel sa inyo. Fighting lang!" Nakaka-inis ka heart! Anong problema mo?
"Yeah." Maiksing sagot niya.
"Ang boring na dito. I want to go home." Bungad ni Zamiel pagpunta sa gawi namin.
"Let's go home then." Tumayo si Sir at tumayo na din ako.
Nag-paalam siya kay Mrs. Ramos at lumabas na kami ng school. Hapon na rin na naman. Pasakay na sana ako sa backseat ng unang pumasok si Zamiel sa'kin.
"I want to sit here. Ayoko din may katabi." Bwiset talaga 'tong bata na ito. Ngayon pa tinopak.
"Graycie, dito ka na sa passenger seat." No choice ako. Hapon na pero amoy ko pa din 'yung perfume ni Sir Zach. Ano ba Graycie?! Come to your senses!
"I'm hungry." Rinig kong ungot ni Zamiel sa likod. Napaka-bossy talaga.
"What do you want to eat?" Tanong ni Sir Zach.
"I want pizza and fried chicken." Sagot niya. Tumango lang si Sir.
"You, what do you want?" Baling niya sa'kin.
"Vegetable salad. I'm not too hungry pa naman." Medyo nahihiyang tanong ko. Tumango din siya.
Tumigil kami sa isang restaurant. Nag park siya sa may gilid. Labas palang ng restaurant halatang classy na. Halatang mahal ang mga pagkain dito.
"Wait me here." Paalam ni Sir Zach bago bumaba at pumasok sa loob ng restaurant.
"Hey, ugly Graycie." Nilingon ko siya.
"Yes, Young Master?" Pilit ang ngiti ko.
"Do you have crush on my dad?" Nan-laki ang mga mata ko.
"I don't have any feelings towards him! Why are you asking me that?" Nag cross siya ng arms.
"You're blushing everytime you talk to him. You're a liar because you denied it." Naka-ngising sabi pa niya.
"Stop that nonsense, Young Master. Wala akong gusto sa daddy mo, okay? Are we clear?" Inis na sabi ko. Ganoon ba ko ka-obvious? Kahit bata nahahalata?
"Yeah whatever." Sabi nga nila malakas ang senses ng mga bata. Bwiset naman.
After ng 15 minutes bumalik na si Sir Zach. Nag drive na ulit siya para maka-uwi na kami. Need ko yatang mag meditate para mawala 'yung abnormal na tibok ng puso ko. Isa na namang mahabang nakaka-pagod na araw ang matatapos.
Cut! Please leave a vote and comment. Happy reading everyone and thank you for you'll support. Keep safe.
BINABASA MO ANG
Babysitting The Ceo Son (COMPLETED)
RomanceThe world is unfair for Graycie Santos Nalaman niya na ang kanyang long-term boyfriend at younger sister had an affair. Nabuntis pa ang kapatid niya. Nawalan din siya ng trabaho dahil nagsara ang kumpanyang pinagta-trabahuhan niya. But one day, nak...