Chapter 21

31.3K 618 7
                                    

NANG makarating kami sa Hospital. Bumaba si Mang Bert, siya daw tatawag ng mga nurse para asikasuhin kami. Kinapa ko ang noo ni Zamiel. He's burning up pa din. Nakita ko siyang dumilat.

"W-Where are w-we?" Nang hihinang tanong niya.

"In the hospital. Kailangan mo magamot ng mga doctor." Sabi ko.

Mula sa labas nakita ko si Mang Bert kasama ang mga nurse na may dalang stretcher. Binuksan ni Mang Bert ang car door. Inalalayan 'din ng mga nurse si Zamiel para ma-ihiga sa sa stretcher.

"Mang Bert, paki sundo ho si Chelsea para ma-ihatid niya ho dito ang mga gamit ni Zamiel." Sabi ko.

"Oh sige, hija. Ikaw muna bahala dito." Tumango ako sa kanya.

"G-Graycie.. d-don't leave me w-with them." Rinig kong sabi ni Zamiel.

"I'm not. Gagamutin ka lang nila tapos gagaling ka na." Sabi ko sa kanya.

"Ikaw po ba ang guardian niya?" Tanong ng isang nurse.

"Yes." Wala naman iba akong kasama.

"Follow me. You need to fill up a form." Tumingin ako kay Zamiel.

"Listen, huwag matigas ang ulo mo. Kung gusto mong gumaling, sumunod ka. Okay ba yon? Mag hihintay ako dito." Tango lang ang isinagot niya.

"Hanggang dito muna kayo ma'am." Sabi ng nurse at ipinasok na nila si Zamiel sa ER.

After ko mag fill up ng form umupo muna ko sa waiting area. Siguro naman sinabi na nila kay Sir Zach itong nangyari. Hindi siya makaka-uwi  sigurado nasa eroplano palang 'yon ngayon.

"Graycie?" Lumingon ako dahil may narinig akong tumawag sakin.

"Ceejay?!" Gulat na sambit ko.

"Anong ginagawa mo dito? Are you not feeling well?" Bakit ganito? Wala akong maramdaman na affection sa kanya. Move on na ba ko?

"I'm not. What are you doing here?" Walang emosyon na sabi ko. Hindi ko pa rin naman siya napapatawad.

"I'm with Gabi. Check up niya kasi ngayon." Sagot nito.

"Ah. You better to take care of my sister. Get a job and be a man. Once you abandon her just like you did to me. Hindi ko na palalampasin 'yon. One more thing, If we crossed are path again don't talk to me. Get out of my sight. Baka makita ka pa ni Gabi, kung ano pa isipin 'non. Huwag mo din sasabihin na nakita mo ko dito. Get lost." Tumayo ako. I need to go to the restroom.

Nag hilamos lang ako. Just like I said, I didn't feel any affection to him. Ngumiti ako. I'm glad na hindi na ko apektado sa kanya. Although, hindi ko pa nakaka-limutan na niloko niya ko. At least, alam ko sa sarili ko na hindi na siya parte ng buhay ko. Inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng restroom. Wala na siguro yung lalaking 'yon sa waiting area. Parasite!

"Babaita! Andyan ka pala! Akala ko kung saan ka na nag punta!" Nakita ko si Chelsea na may dala dalang bag.

"Nag restroom lang ako. Iyan na ba yung mga gamit ni Zamiel?" Tanong ko.

"Oo. Nag dala din ako ng damit mo. Andoon sa isang bag." Turo niya sa bag na nasa upuan ng waiting area.

"Salamat Chelsea." Sabi ko.

"Ito pala yung number ni Sir Zach. Hindi siya matawagan kasi nasa eroplano pa 'yon. Ikaw nalang magsabi sa kanya." Kinuha ko ang maliit na papel na may cellphone number. "Chance mo na din yan para akitin si sir." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Sarap mo talaga sapakin. Bumalik ka na nga sa mansion! Ako na bahala dito, tatawagan ko kayo kapag may kailangan pa." Tumawa siya. Lakas talaga ng amats!

"O sige sige, ikaw na bahala kay young master. Kitakits." Kumaway ito bago umalis.

Umupo ako ulit sa waiting area. Hindi alam ni Chelsea na may number na ko ni Sir Zach. Mamaya ko nalang siya tatawagan. Ilang minuto pa ang lumipas. Lumbas sa ER ang isang doctor.

"Who's the guardian of  Zamiel Del Fuerto?" Tumayo ako.

"I am." Sagot ko.

"Bumaba na yung fever niya dahil nalagyan na ng gamot yung dextrose na ikinabit sa kanya. Nag sagawa din ako ng blood test sa kanya. May dengue ang bata. Yun yong cause ng mataas na fever niya." I knew it. Kaya siya may mga rashes sa katawan.

"Ganon ho ba? Okay na ho ba siya ngayon, doc?" Syempre need ko malaman. For sure ako magtatanong si Sir Zach kapag nalaman niya.

"Yeah, stable na. Pero need bantayan if kailangan niya ng blood transfusion. Ipapatawag nalang kita kapag nailipat na siya ng kwarto." Sabi nito.

"Salamat ho, doc." Tumango ito at umalis.

Another hintay na naman. Nag vibrate ang cellphone ko. Nakita kong tumatawag si tatay.

"Oh, tay! Napatawag ho kayo."

"Graycie anak, gusto ko lang magpasalamat sayo. Ang laki ng pinadala mong pera sa'min noong isang araw."

"Eh, alam ko ho na kailangan niyo ng pera para kina Gavin at Gabi. Walang anuman ho yon tay. Basta nakakatulong ako masaya na ko."

"Alam ko din ang nanay mo ang tumawag sayo. Pagpasensyahan mo na siya. Iba din ang tabas ng dila non."

"Sanay na ho ako. Immune na ko sa mga salitaan ni nanay. Wala pa ho bang trabaho si Ceejay?"

"Wala pa nga e. Ako'y nahihiya na sayo at sa pera mo pa din namin kinukuha yung pangangailangan nila. Bata pa ang kapatid mo tapos maselan pa yung pinag-bubuntis niya."

"Basta ho, 'wag niyo'ng pababayaan si Gabi. Sabihin niyo ho sakin If mag loko yang si Ceejay. Ako makaka bangga niya."

"Oo anak, mag iingat ka dyan. Salamat ulit."

"Oho, tay."

The line ended. Mabuti pa si tatay marunong mag pasalamat. Ano pa nga bang aasahan  ko kay nanay? She's always mad at me. I'm her daughter but she's not see me as one. I'm nobody in our family. Bangko nga yata tingin niya sa'kin. Maya maya pa ay lumabas na yung nurse sa ER.

"Nailipat na po namin ang pasyente sa private room. Pwede niyo na po siyang puntahan." Anunsyo niya.

"Okay po, salamat." Ini-abot niya sakin ang isang piraso ng papel na naka sulat ang room number ni Zamiel.

Sana naman magtuloy tuloy na ang pag galing niya. Hindi ko alam kung saan niya nakuha yung dengue. Ang linis linis namin sa mansion. Ni wala ngang ipis, daga o lamok 'don. Siguro nakuha niya yon ng  ma-exposed siya sa labas these days. Sabi naman ng doctor stable na siya. Sana hindi mag panic ang tatay niya pag nalaman niya 'to.

Cut! End of chapter 21. Omo! Thank you for keep supporting my works mga bebelabs. Don't forget to leave a comment and vote. Happy reading.

Babysitting The Ceo Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon