NAGISING ako dahil nag ring yung cellphone ko. Tiningnan ko ang caller si tatay pala. Agad ko 'yung sinagot.
"Hello, ho. Bakit ho kayo napatawag?"
"Pasensya nagising yata kita, anak."
"Ayos lang ho, may problema po ba?"
"Oo anak, isinugod si Gabi sa hospital. Dinugo kasi siya."
"Ho?! Kamusta na siya?!"
"Ayos na siya pati ang bata. Stress lang daw kaya nagka-ganoon. Kailangan namin ng pera para mabayaran 'yung hospital bill niya. Wala naman trabaho si Ceejay pa."
"Ako na ho bahala, magpapadala ho ako ng pera. Ita-transfer ko ho sa bank account niyo agad."
"Salamat anak. Alam kong mahirap 'to para sayo."
"Kapatid ko ho si Gabi. Sana naman pagsabihan niyo din si Ceejay. Maghanap siya ng trabaho, hindi na siya binata."
"Ako na bahala doon. Salamat ulit anak."
"Sige na ho, tay. Mag ingat kayo d'yan. Ika-musta niyo ko kay nanay at Gavin."
"Oo. Ikaw din. Alagaan mo din sarili mo, anak. Salamat ulit."
"Yeah, bye."
Agad akong pumunta sa app para buksan ang bank account ko. Nag transfer ako ng 50,000 pesos sa account ni tatay. After ng confirmation text, nag log out din ako. Tiningnan ko ang oras 1:00 am palang. Hindi ko pa naiibigay 'yung mga regalo ko sa kanila. Pinilit ko'ng matulog ulit.
Nagising ako ng bandang mga 6:00 am. Bumangon ako at dumeretso sa bathroom. After ko maligo ay nagbihis na ko. Lumabas ako ng kwarto. Nakita ko si Chelsea na nasa counter ng kitchen. Nag aayos ng mga plato.
"Good morning." Bati ko.
"Ikaw pala, magandang umaga." Naka-ngiti nitong bati.
"Nga pala, may ibibigay ako sayo." Kinuha ko sa bulsa ng three fourths ko 'yung bracelet na binili ko para sa kanya kahapon.
"Hala! Sa'kin 'to?" Gulat na tanong niya habang hawak ang bracelet.
"Yeah. Gift ko 'yan sayo. Nagustuhan mo ba?" Naka-ngiti itong tumango.
"Aba'y oo! Napaka-ganda! Salamat, Gaycie." Masayang sabi nito.
"Welcome." Naka-ngiting sagot ko.
"Chel, tawag ka ni Madam Cynthia." Bungad na sabi ng isang maid kay Chelsea.
"Ah sige. Mamaya ulit Graycie, Salamat dito." Tumango ako at kumaway sa kanya.
Pagising na si Zamiel. Need ko na mag handa ng breakfast niya. Kumuha ko ng bacon, hotdog at egg sa ref. Yeah, ayaw niya kumain sa dining area. He wants me to cook for him. Nag heat ako ng oil. Kimuha din ako ng corn, green peas at carrots na mix sa isang pack. Nag gayat ako ng garlic at ini-ginisa ko sa pan.
Nagluto ako ng fried rice with mix vegetable. Pinirito ko din yung bacon, egg at hotdog. Ito na naka-sanayan kong morning routine. For my breakfast naman dahil ginutom ako. I make avocado sandwich. Nag timpla din ako ng black coffee.
"Ugly Gaycie, I'm hungry." Nagkukusot pa siya ng mata habang papunta dito.
"Kumain ka na dito. Kakatapos ko lang magluto." Ini-handa ko ang niluto ko kanina. Umupo naman siya sa tapat ng counter ng kitchen.
"You have a class today?" I asked
"I don't have. It's Sunday." Sagot niya.
"Oo nga pala, my bad." Kumain lang siya at kinain ko din yung sandwich ko.
"Son! There you are! Why are you eating here. Sabayan mo ko sa dining area." Si Sir Zach. Andito pala siya akala ko 'di umuwi 'to kahapon.
"No, ayoko ng mga pagkain 'don. I'm prefer for this." Sagot niya. Oh my! Nakaka-tuwa naman mas bet niya luto ko haha!
"Sabagay I'm losing my appetite sa mga pagkain doon. Ms. Graycie, are you cook that?" Nilunok ko muna 'yung nasa bibig ko.
"Y-Yes sir. Gusto mo ba sir?" Alok ko.
"Don't. Akin lang 'yan. Maraming foods sa dining area, dad. Yun ang kainin mo." Medyo natawa ko sa sinabi ni Zamiel.
"Oh, okay. Next time, cook for us Ms. Graycie. By the way son, come with me later." Pag an-yaya niya. Hinugasan ko ang pinag-lagyan ko ng sandwich.
"Where?" Rinig kong sagot ni Zamiel.
"Amusement Park. You want to go there, right?" Sagot ni Sir Zach. Mukhang mag bonding silang dalawa. Magkakaroon ako ng peace of mind. Alright!
"Okay. Kakasabi lang din ni Ugly Graycie na gusto niya mag Amusement Park." Nanlaki 'yung mata ko. "Right?" Tumingin si Zamiel sa'kin.
Pilit akong ngumiti. Wala kong sinasabing ganon! Pahamak talaga 'tong bata'ng 'to!
"A-Ah, oo. Pero okay lang 'di ako sumama, bonding niyo 'yang d-dalawa hahaha.." Imbes na magpapa-hinga ako ngayon.
"It's okay. You can come Ms. Graycie. Mag ready na kayong dalawa." Sabi ni Sir Zach bago umalis.
"Young master, bakit mo sinabi na gusto ko pumunta sa Amusement Park kahit hindi naman?! That's lying." Ngumisi siya.
"Boring si dad kasama kaya sumama ka na din para may maingay. One more thing, chance mo na 'yan. You like my dad, right?" Napa-kagat ako ng labi.
"W-What A-Are you saying?! I-I'm not!" Nag utal utal pa nga.
"Liar. Just admit it, Ugly Graycie. See you later." Kainis na bata! Sinabi ko nga wala e.
Hinugasan ko ang pinag-kainan niya. Pumunta ako sa kwarto ko, matagal tagal na din since makapag- Amusement Park ako. Wala kong panahon mag-punta sa mga ganyan at busy ako sa trabaho ko noon. Nag ayos lang ako at nagpalipas ng oras sa kwarto.
Naghanap din ako ng susuotin ko. Ano ba dapat suotin? Wala kong makita magandang damit. Yung mga nabili ko sa mall kahapon 'di ko pa nalalabahan. Kumuha nalang ako ng ripped jeans na maong. May nakita 'din akong white off shoulder. Kinuha ko din 'yung white rubber shoes ko sa gilid. Kinuha ko 'yung necklace na binili ko kahapon. Masuot nga 'to mamaya.
Pumasok ako sa loob ng bathroom at nag-bihis. After ko mag-bihis inayos ko ang buhok ko na lagpas nang kili kili. Nag-braid ako ng dalawa para hindi hassle doon. Sure akong mag ride sila mamaya. Nag apply din ako ng light make up para hindi naman sobrang haggard ko 'don. Nang matapos na ko mag ayos ay lumabas na ko ng kwarto. I hope we will have fun today.
Cut! This is my ud for today. Don't forget to leave a comment and vote. Happy reading.
BINABASA MO ANG
Babysitting The Ceo Son (COMPLETED)
RomanceThe world is unfair for Graycie Santos Nalaman niya na ang kanyang long-term boyfriend at younger sister had an affair. Nabuntis pa ang kapatid niya. Nawalan din siya ng trabaho dahil nagsara ang kumpanyang pinagta-trabahuhan niya. But one day, nak...