Chapter 10

40.3K 815 22
                                    

TATLONG araw na ang nakaka-lipas. Sir Zach is here again and I'm so uncomfortable. Ano bang nangyayari sa'kin?!

"Hoy! Lutang ka na naman! Asin 'yan!" Pigil sakin ni Chelsea. Muntik ko na mailagay 'yung asin sa kape. Shit!

"Sorry. Hindi ko napansin." Dali dali kong binalik ang asin sa lalagyanan.

"Tatlong araw ka ng wala sa focus. Anong nangyayari sayo Graycie?" Tanong niya.

"Stress siguro ako." Ayoko naman sabihin dahil kay Sir Zach. Issue na naman ako ni Chelsea panigurado.

"Umuwi ka kaya sa inyo sa linggo. Isang buwan ka na mahigit dito tapos 'di ka na-uwi sa inyo pag day off mo." Umiling ako.

"Ayoko. Hindi pa ko handa na harapin sila doon." Itinuloy ko ang pag titimpla ng kape.

"Huwag kang bitter! Isa pa, di'ba si sir Zach na yung gusto mo?" Pinan-lakihan ko siya ng mata.

"Anong pinagsasabi mo?! Manahimik ka baka marinig tayo dito!" Suway ko kay Chelsea.

"What is it? Ako ba pinag-uusapan niyo?" Parehas kami ni Chelsea na nan-laki ang mata ng sumulpot si Sir Zach. May dala siyang Ipad at laptop. Wrong timing! Narinig niya kaya 'yon? Tsk!

S-Sir! Andyan pala kayo! O--" Tinakpan ko ang bibig ni Chelsea. Pahamak talaga.

"Hindi po sir. We're talking about our family. H-Here's your coffee, enjoy." Hinatak ko si Chelsea paalis ng kitchen. Naka-kahiya talaga.

"Bitawan mo na ko. Malayo na tayo sa kitchen. Lalo ka kamong halata sa kilos mo Graycie." Naka-ngisi siya sa'kin. Nag iinit yung mukha ko. Yung tibok ng puso ko ang bilis. Parang nagkaka-rera sa loob.

"Your about to say it in front of him! Chelsea, sinabi ko na wala lang 'yon. I'm not into him, tigilan mo na pang aasar. Baka mawalan pa ko ng trabaho." Inis na sabi ko.

"Pasensya na. Hindi ko kasi mapigilan e. Gustong gusto ko kasi kayong dalawa para sa isa't isa." Kamot ulong sagot niya.

"Pwes, iba kami. I'm here to work. Siya ang boss natin. Tigilan mo na 'yang pantasya mo. Nasa totoong mundo tayo. Stop teasing me. Balik na tayo sa trabaho." Hindi ko na hinintay na sumagot siya at agad umalis. Nainis talaga ko.

Trabaho pinunta ko dito kaya dapat trabaho lang. Papunta na sana ko sa second floor para silipin si Zamiel. Malas, naka salubong ko pa si sir Zach.

"Ms. Graycie. Need mo mag report sa office ko tomorrow." Bungad niya na sabi.

"Why sir?" Tanong ko.

"Nasa contract 'yon. Every month, need ko ang report mo. Ah, you never read the contract, right? I just remind you. Go back to work." Ngumiti ito bago umalis. Kalma, Graycie. Ngiti lang 'yon! It's just a simple smile! Tsk!

"You look stupid, Ugly Graycie." Napa-iktad ako sa gulat ng may mag salita sa gilid ko. Andoon pala si Zamiel.

"Y-Young master! What do you want?! You're hungry?" Tiningnan niya lang ako. Problema nito?

"You like my dad, do you?" Agad akong umiling. Dalawang beses niya yan natanong. "Tch! Liar. I want food." Tinalikuran niya ko.

Sinundan ko siya sa kitchen. Kumuha ako ng mga ingredients sa ref para ipag-handa siya ng breakfast. Zamiel wants heavy breakfast every morning.

"Gusto ko yung green vegetable na kinakain mo last night." He said.

"Ampalaya? You sure? Mapait 'yon." Sabi ko.

"It's okay. Just cook it for me." Niluto ko nalang 'yung request niya. Specialty ko din 'yung ginisang ampalaya.

After maluto hinandaan ko na siya sa plato. Kumuha din ako ng fresh milk sa ref. Nakaka-gulat din 'tong bata. I mean, he's rude everytime. Pero hindi siya mapili sa pagkain. My younger brother is a picky one. He never ate vegetables. Maarte pa sa babae 'yon.

"Is it good?" Tanong ko.

"Yeah." Sagot niya at sumubo ulit.

Hinintay ko lang siya matapos kumain at hinugasan ko ang pinag-kainan niya. Tapos na ang klase niya ngayon.

"Nasaan ang apo ko! Kukunin ko na siya!" Nagulat ako dahil may sumisigaw sa may living room. May bisita ba? Napa-lingon din si Zamiel at agad agad pumunta sa living room. Sumunod ako.

"Lola?" Tawag ni Zamiel sa isang mantanda na nasa 50s ang edad.

"Apo! Sumama ka na sa'kin. Uuwi na tayo sa bahay." Agad lumapit ang matanda kay Zamiel at yumakap.

"Ma'am, you need to leave!" Sabi ng guard na nasa gilid.

"Hindi ako aalis hanggat 'di ko kasama ang apo ko!" Sigaw ng matanda.

"What's happening here?!" Napa-tingin ako sa gawi ni Sir Zach na kararating lang. Halata sa ekspresyon ng mukha niya na galit siya.

"Kukunin ko na ang apo ko! Iyon ang huling habilin sakin ni Eloisa!" Ngumisi si Sir Zach.

"Wala akong sinabi na pwede kang pumunta dito para kunin si Zamile! He's my son. As I said, ako na ang bahala sa kanya. We had an agreement. Do you forget it?" Sinamaan siya ng tingin ng matanda.

"Basta kukunin ko siya!" Pag pupumilit nito.

"And then what? Gagamitin mo siya para makamkam yung mga naiwan ni Eloisa? Because she named it after her son. Am I right?" Nag hahamon na tanong ni Sir Zach.

"Lola, Is it true?" Tanong ni Zamiel.

"No! Are you going to believe to your useless father? Hindi mo ba natatandaan na hindi ka niya sinuportahan? Pinabayaan niya kayo ng mommy mo." Sabi ng matanda.

"Huwag mo kong babaliktarin sa anak ko! I have all the proff that every month, nagbibigay ako ng pera sayo ma'am. Bukod 'yung sa anak ko at sa treatment ni Eloisa. I'm not useless, you are!" Sigaw ni Sir Zach.

"What?! Pinag-bibintangan mo ba ko na ako ang gumamit ng pera mo?! Wala kong natatanggap! Ni-piso walang dumadating sa'kin!" Sigaw niya kay Sir Zach.

"Really? So, 'yung bangko yung nagsisinungaling? Every month, the bank texted me that you already claimed the money! So, yung bangko yung may kasalanan?! Don't fool my child! If you want money, don't use my child anymore. Drag her outside!" Tumingin siya sa gawi ko at sinenyasan niya kong kunin si Zamiel.

"Young Master, let's go." Bulong ko sa kanya.

"Bitawan niyo ko! Walanghiya ka, Del Fuerto! May araw ka din!" Rinig kong sigaw ng matandang babae.

What a scene?! Ibig sabihin, hindi binibigay ng lola ni Zamiel yung pera nila? Dapat hindi si Sir Zach ang i blame kung hindi yung lola ni Zamiel? Omygosh! Grabeng revelation 'yon! Ang intense!

"Leave me alone." Pinag-sarahan niya ko ng pinto. I will give him a space. As a child, masakit yung mga narinig niya kanina. Grabe naman kasi.

"Is he inside?" Bungad na tanong ni Sir Zach.

"Yeah. Pero mamaya niyo na siya kausapin. Need niya ng space para mag isip at mapag isa. Please excuse me." Magalang na sabi ko bago umalis.



Cut! Thank you for y'all support. Kindly leave a comment and  vote. Happy reading and keep safe.

Babysitting The Ceo Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon