NAKABALIK na kami sa mansion after one week. Okay na din yung mga paa ko kaya ko ng mag lakad ng walang saklay ngayon. Akala ko balik na ulit sa dati. But, my room is not my room anymore. Pinag isa ba naman ni Zach yung kwarto namin. Kainis! Nakakahiya!
"Graycie!" Lumingon ako ng may tumawag sakin. Nasa kitchen ako, nag hahanda ng breakfast.
"Chelsea? You're back!" Niyakap ko siya.
"Oo. Hala, na-miss kita! Kamusta ka na? Magaling naman lahat ng injuries mo? Kayo pa din ba ni Sir Zach? Engaged na ba kayo?" Sunod na sunod na tanong niya.
"Okay na ko. Anong klaseng tanong yan Chelsea? Are you worrying about me or your ship couple?" Tanong ko.
"Pareho. Huwag mo kong inglesin at mahina utak ko dyan. Ang mahalaga ay ayoa ka at kayo pa din ni sir hahaha!" Lalo yata lumala saltik nito.
"Ewan ko sayo. Pumunta ka na doon at matutuwa sina Manang Cynthia at naka balik ka na." Sabi ko habang nag hihiwa ng garlic.
"Okay. Mamaya nalang ulit. Paalam muna." Tumango ako sa kanya.
"Ugly Graycie, I'm hungry." Kita ko si Zamiel na kararating lang. Kakagising niya pa lang yata. Dala dala niya pa din yung teddy bear.
"Can you wait for a bit? Lutuin ko lang tong fried rice." Tumango siya at umupo sa upuan ng kitchen.
"Where's dad?" He asked.
"Maagang umalis ang daddy mo. I think may meeting siya ngayon. Why?" Inilagay ko na yung garlic sa pan.
"Nothing." Tiningnan ko siya. He looks sleepy pa and cute at the same time.
Iniisip ko din. Magiging kasing cute ni Zamiel if ever magka-anak kami ni Zach. But that will not happen. Tanggap ko naman 'yon at pati siya tanggap din. Sabi ko nga, Zamiel is enough. He's not my biological child but I will claim him as mine. I know, this will be a long process. For the meantime, I will be his ugly graycie and he will be my young master.
"It's done." Nag hain ako sa plato niya.
Kumuha ako ng paborito kong yogurt sa ref. I always eat it pag morning breakfast ko. Zamiel is eating right now. May class din siya mamaya at lunes ngayon. Binuksan ko ang yogurt na strawberry flavor. Ang bango! Kumuha ko ng small spoon at nag scoop ng yogurt. When the time it's in my mouth i feel like I want to puke. Ang pangit ng lasa. Hindi naman ito ganito last time. Baka expired na. Dumeretso ako lababo.
"Hey, are you okay?" Rinig kong tanong ni Zamiel.
"Y-Yes. Don't worry. B-Baka sira lang yung yogurt." Sagot ko habang pinupunasan yung bibig ko.
Nang matapos si Zamiel hinugasan ko ang pinag-kainan niya. Di naman expired yung yogurt. Bakit ganon? Isinawalang bahala ko nalang baka nagloloko lang tyan ko. After ko magligpit, sumunod ako kay Zamiel sa kwarto niya. Nasa bathroom siya ng pumasok ako. Inayos ko yung kama niya bago siya lumabas.
"Are you okay now?" Bungad na tanong niya.
"Yes young master. Get ready for your class today." Tinuyo ko ang buhok niya.
Umupo siya sa study table at ini-open ang laptop. Home schooling siya. Lalo ngayon na may kidnapping na naganap, hindi papayag si Zach na mag school si Zamiel mismo. Although, pabor yan kay Zamiel dahil ayaw niya sa tao. Nakaramdam ako ng antok. Ang aga aga pa!
"You can sleep here ugly Graycie, you look like a zombie." Sinamaan ko siya ng tingin pero dedma lang.
"Okay sabi mo e. Do your best young master. Gisingin mo ko kapag tapos ka na." Pumunta ako sa kama niya. It's 10 am at inaantok ako. Ewan ko ba. Di naman ako puyat. Bahala na matutulog nalang muna ko.
Naalimpungatan ako. Madilim na sa buong kwarto at tanging lamp shade nalang ang bukas. Gabi na ba? Nakaramdam ako ng gutom. Si Zamiel tulog sa tabi ko. Sabi ko gisingin ako e. Tumayo ako sa kama at kinumutan ko siya bago lumabas ng kwarto. Anong oras na kaya? Napa-haba yata yung tulog ko.
"Graycie! Andyan ka pala. Saan ka galing at hindi kita nakita buong araw?" Si Chelsea may dalang mga plato.
"Sa kwarto ni Zamiel, tulog. Ano oras na ba?" Alam ko mag dinner na kasi nag hahanda na sila.
"6:45 pm. Grabe! Walang labasan simula kanina. Anong klaseng tulog yan?! Pinipuyat ka ba ni Sir Zach?" She's wiggling her two eyebrows at may nakaka lokong ngiti.
"Gusto mo ipakain ko sayo yang mga plato na hawak mo?" Pagbabanta ko.
"Ayaw! Amazona mo naman! Kumain ka na doon at masamang malipasan ng gutom. Ba-bye muna." Nag wave siya sakin bago umalis.
I don't like the food on the table. It's stink and I feel uneasy again. Pumunta ko sa kitchen para maghanap ng pwede kong kainin. Ano ba nangyayari sa'kin? Di naman ako maselan sa mga foods. May nakita akong apple. Inamoy ko muna, okay naman siguro ito nalang kakainin ko. Hinugasan ko ito at ini-slice into pieces. Nakita ko yung mayonnaise sa cabinet. Nag lagay ako ng konti at isinawsaw ang apple.
"It taste good." Bulong ko. Itinuloy ko ang pagkain nito.
"What are you eating, my love?" Naramdaman kong may yumakap sa likuran ko. I smell alcohol. Did he drink?
"You want some? Are you drunk Zach?" I asked.
"No, thank you. I drink a little. I missed you." Ang baho ng amoy ng alcohol.
"Bitawan mo ko at lumayo ka sa'kin." Itinulak ko siya ng bahagya. Ang baho talaga. Nasusuka na naman ako.
"Why? The smell is not too strong." Sagot niya ng makalas ang pagyakap niya sakin.
"I don't like it. Go wash yourself before you come to me. It's stink!" Tinakpan ko ang ilong ko para di ko maamoy.
"Okay fine. I will wait for you in the room." Lumayo ako sa kanya. Nang makaalis si Zach itinuloy ko ang pagkain ng apple with mayo. Gatas sana iinumin ko kaso maamoy ko palang bumabaliktad agad yung sikmura ko. Ending, tubig nalang.
Pumanhik ako sa kwarto namin ni Zach. Kakagising ko lang pero inaantok na ko. Ano ba nangyayari sa katawan ko? Ganito ba pag malapit na mag 30s? Baka nga. Umupo ako sa bed. Naramdaman ko na umupo din si Zach at lumapit sa'kin. Hindi ko alam, naiirita ko sa kanya ngayon. Wala na yung amoy ng alak pero naiinis ako kapag malapit siya.
"I'm fully wash up." Bulong niya sa tenga ko.
"Yeah. Let's sleep. Don't hug me it's too irritating." Tinanggal ko yung kamay niya sa balikat ko.
"What?! Are you mad? It's just because I drink alcohol? I will never do that again Graycie." He said.
"I'm not. Wala kong pake if uminom ka pa. Huwag ka lang lalapit sakin at na-iirita ko sayo. Doon nga muna ko matutulog sa kwarto ni Zamiel." Tumayo ako at dumeretso sa may pinto.
"Hey! What the hell?! Comeback here!" Sigaw niya.
"Don't follow me kung ayaw mong masapak kita Zach." Pag babanta ko bago lumabas ng kwarto. Kahit ako di ko alam nangyayari sa'kin. Tsk!
Cut! End of chapter 56. Surprise ud ulet ako dahil bored ako hahaha! Kindly leave a comment and vote. Happy reading!
BINABASA MO ANG
Babysitting The Ceo Son (COMPLETED)
RomanceThe world is unfair for Graycie Santos Nalaman niya na ang kanyang long-term boyfriend at younger sister had an affair. Nabuntis pa ang kapatid niya. Nawalan din siya ng trabaho dahil nagsara ang kumpanyang pinagta-trabahuhan niya. But one day, nak...