KINABUKASAN ay naka-uwi na si Zamiel ng mansion. Paalala lang ng doktor sakin i-monitor siya. Lagi din daw lagyan ng lotion pan-laban sa mga lamok. Wala naman lamok dito sa mansion.
Yung encounter din namin ni Gabi ang inaalala ko. Sigurado akong nabanggit niya yon kay nanay. Wala naman 'yon pakialam sakin, ayoko din malaman nila na ganito ang trabaho ko. Sesermunan na naman ako 'non pag nagkataon. May isa pa kong problema. Bukas na daw balik ni Sir Zach. Naba-bahala ako kung anong isasagot ko sa kanya.
"Hoy! Tulala ka na naman dyan! Mukhang ang lalim ng iniisip natin a?! Ano ba yan? O sino?" Tumaas taas pa ang dalawang kilay ni Chelsea habang nakangiti sa'kin.
"Tigilan mo ko Chelsea. Hindi si Sir Zach ang iniisip ko." Inis na sagot ko.
"Wala akong sinabi na siya. So, siya nga ang iniisip mo? Ayieee naman! Alam mo ba hindi nakaka-matay umamin. Sasabihin mo lang, gusto kita. Ganon!" Is she daydreaming about my love life? Delulu masyado.
"If ever na i-deny ko di ka naman maniniwala. Ikaw na bahala mag assume dyan! I don't like to be in relationship right now. Self love muna." Tumawa ito.
"Naku naku! Makakansel yang selp lab mo. Alam ko namang hindi pa mahabang panahon simula ng mag break kayo ng ex mo. Kung gusto na ng puso mo ulit mag mahal, bakit hindi di'ba? Bigyan mo naman ng chance ang sarili mo. Huwag mo munang iisipin ang mga nasa paligid mo. Minsan ka lang magkaroon ng pagkakataon." Lumapit siya sa'kin. "Pag isipan mo mabuti kung ano ang isasagot mo kay Sir Zach. Good luck, Graycie!" Masaya siyang umalis sa kitchen.
I don't know what to say! I can't help it. May point naman si Chelsea. May part sa'kin na gusto kong mag agree sa tanong ni Sir Zach. Meron ding side na nagdadalawang isip. I have so many thoughts. What if he likes me because I like him? Baka napipilitan lang siya. Ayoko ng ganoon. Paano pag nalaman niya na hindi ako pwede mag-pamilya? I can't have my own child. Sigurado akong itatapon niya lang din ako tulad ng ginawa ni Ceejay.
Pumunta muna ko sa kwarto ko. Need kong mag palit ng damit. Ang complicated ng sitwasyon ko. Mixed emotions yung nararamdaman ko. Nang makapag-bihis ako, umupo ako sa tapat ng salamin. Sinuklay ko ang buhok ko. May narinig akong kumatok.
"Sandali lang!" Malakas na sabi ko. Agad akong pumunta sa pinto at binuksan yon.
"Oh, young master! Why are you here?" May dala siyang unan.
"I want to sleep here." Binuksan ko ng maluwag ang pinto. Pumasok siya sa loob ng kwarto ko. Mukhang sa sofa na naman ako matutulog.
"Ah! Oo nga pala. May nakalimutan akong ibigay sayo." Yung teddy bear na binili ko. Hindi ko pa naibibigay.
"What is it?" Rinig kong tanong niya.
"Wait a second." Hinalungkat ko yung mga paper bags sa baba ng kama. "Omo! Buti hindi nadumihan." Pinagpag ko ang paper bag kung nasaan nakalagay yung teddy bear.
"Anong meron dyan?" Nakangiti akong humarap sa kanya.
"Hindi ko alam if gusto mo ng ganitong bagay." Inabot ko ang paper bag sa kanya. "Open it." Dagdag ko pa.
"A teddy bear? What am I, a child?" Halata namang gusto niya.
"You can say *thank you, ugly graycie.*" Tumawa ako.
"Tch! I will accept it because your wasted your money with this stupid bear." I know he likes it.
"Welcome, young master." Kinuha ko ang unan ko para ilagay sa sofa.
"Where are you going?" Tanong niya.
"Sa sofa ako matutulog. You don't like someone beside you, right?" Sabi ko.
"Yeah but you can sleep here." He tapped the other side of my bed. Omygosh! Ang bait naman nitong batang to ngayon. Dali dali akong tumalon sa kama. Minsan lang siya ganito! Lulubusin ko na.
"I don't want to--" Hindi na niya natapos sasabihin niya ng hilahin ko siya pahiga. "L-Let me go!" Sigaw niya ng dantayan ko siya.
"Now, let's sleep. Close your eyes, young master." I know he misses his mom. I saw him crying in his sleep in hospital. "Isipin mo na mommy mo yung yumayakap sayo." Dagdag ko pa.
"You are not my mom! You--" Niyakap ko siya patalikod.
"I'm your babysitter, young master. I know that. I said pretend. Let's sleep. Bukas ka nalang din sumpungin 'wag ngayon." Hindi siya sumagot. Napa-ngiti ako, akala ko ko sisipain niya ko palayo.
"Thank you for everything, ugly Graycie." Ngumiti ako. Inaantok na din ako. Need ko na rin matulog dahil nakaka-pagod ang araw na ito.
Nagising ako dahil tumutunog ang cellphone ko. Tulog si Zamiel sa tabi ko habag yakap yung teddy bear na bigay ko. How sweet? Agad kong sinagot ako tawag.
"Y-Yes? Who's this?"
"Oh, did I interrupt your sleep again, Ms. Graycie?"
"S-Sir Zach?! N-No, I just woke up."
"Really? Can I come in now?"
"Teka lang! Nasa labas ka ng kwarto ko?"
"Yeah. I just arrived an hour ago."
"Give me 5 minutes."
Pinatay ko ang tawag. Agad akong nag hilamos. Hala! Bakit ang aga naman nitong umuwi?! Hindi pa ko ready! Mabilisang hilamos at toothbrush yung ginawa ko. Nag suot din ako ng bra. Kainis! Tiningnan ko si Zamiel na masarap pa din ang tulog. Mamaya ka na gumising. After ko mag ayos ay binuksan ko na yung pinto.
"Where's my son? Wala siya sa kwarto niya ng pumunta ako." Bakit parang lalo siyang naging gwapo? Omygosh! Yung puso ko!
"Nag sleep over siya sa'kin. Iba din trip ng anak mo sir e." Sinikap kong hindi ma-utal. Pero di ako makatingin ng diretso sa kanya.
"I'm being jealous about that." Nanlaki ang mga mata ko. Jealous daw? Hala ka!
"Malamang pag-bibigyan ko siya. G-Ganon talaga ang bata sir. Minsan takot sila mag isa." Ngumiti ito. Nakaka-tunaw! Shit!
"Nay sagot ka na, right? Is it a Yes or a No?" Napalunok ako. Hotseat agad ako.
"Can we not talk here. Sa ibang lugar tayo." Sabi ko.
"Okay. Let's go to my room." Nagulat ako sa sinabi niya. Ano daw? Sa kwarto niya?! Anong gagawin ko?!
"But s--" Hindi na ko naka-react. Agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako paalis sa may pintuan.
Pwede naman sa garden. Bakit sa kwarto niya pa?! Tsk!
Cut! End of chapter 24. Kindly leave a comment and vote. Happy reading.
BINABASA MO ANG
Babysitting The Ceo Son (COMPLETED)
RomanceThe world is unfair for Graycie Santos Nalaman niya na ang kanyang long-term boyfriend at younger sister had an affair. Nabuntis pa ang kapatid niya. Nawalan din siya ng trabaho dahil nagsara ang kumpanyang pinagta-trabahuhan niya. But one day, nak...