Chapter 2

49.2K 1K 51
                                    

THE day has come. Tinulungan ako ni tatay dalhin ang mga gamit ko sa sasakyan. Inilagay niya ito sa compartment ng sasakayang susundo sa'kin. Niyakap ko siya bago sumakay. Nag paalam na din ako sa mga tao sa bahay. I know, mabigat pa din ang loob ko pero need ko din mag paalam sa kanila. Tinanaw ko sa rear mirror si tatay. Para din naman sa kanila ito.

"Manong driver, saan po ba 'yung bahay ni Mr. Del Fuerto?" Tanong ko. Wala kasing binanggit sa'kin kahapon kung saan ang exact location.

"Sa Cainta po ma'am." Tumango nalang ako. Medyo malayo 'yon sa'min.

Tahimik lang ako buong byahe. Mga tatlong oras at kalahati siguro ang itinagal bago kami makarating sa bahay. I mean, masion. I was amazed, nang mag stop yung car sa harapan ng gate. Malaking mansion ang bumungad sakin at mukhang mamahalin talaga. Automatic na bumukas ang gate at umandar ulit ang kotse papasok sa loob.

"Thank you po." Pasalamat ko ng pag buksan ako ni Manong driver ng car door.

"Dito po tayo Ma'am." Sumunod ako sa kanya papuntang main door ng mansion. Grabe, akala ko malaki na yung bahay na nai-pundar ko. Wala pang 1/4 ng bahay namin 'to.

"Ikaw ba si Graycie?" Bungad na tanong ng isang matandang babae na nasa 50's ang edad.

"Opo." Magalang na sagot ko.

"Ako si Cynthia, head maid ako ng mansion na ito. Tawagin mo nalang akong Manang Cynthia. Bert, ikaw na bahala sa mga gamit niya." Tumango si Manong Bert at umalis.

"Sumunod ka sa'kin." Sumunod ako papasok sa malaking mansion.

Inilibot ako ni Manang Cynthia. Itinuro niya din sa'kin ang mga quarters ng mga maids dito. Like, maliligaw ako dito if hindi ko kakabisaduhin ang mga directions na ibinibigay niya. Mabuti nalang, matandain ako sa mga ganitong bagay. At ang huli naming pupuntahan ay ang aking aalagaan.

"Mukhang hindi ka kinakabahan. Ang mga nag aalaga kasi sa anak ni Sir ay 'di tumatagal ng isang linggo. Pinaka matagal ay tatlong araw. Ikaw din ang pinaka batang nag apply na maging babysitter ni Young Master." Sabi na e. Ang weird talaga. Ibig sabihin masama ugali ng bata?

"Sinabi ko din na pagbubutihin ko ang trabaho ko. Para 'to sa pamilya ko, Manang." Tumango tango ito at binuksan ang pinto sa tapat namin.

"Di'ba sinabi ko na kakatok muna kayo bago pumasok?! Anong kailangan mo, Ugly Granny?!" Nanlaki ang mata ko sa mga narinig ko. That child is rude.

"Paumanhin, Young Master. Gusto ko lang ipaalam sa iyo na may bago ka na ulit na babysitter." Lumingon siya sa gawi ko. Hawig niya si Sir Del Fuerto. Ngumiti ako sa kanya.

"That witch? Ha! I don't need that! I can take care of myself! Go away!" Tama ba yung narinig ko? Tinawag niya kong witch?! Aba!

"Teka lang bata! Walang filter 'yang bibig mo! We're older than you! Respect us." Maliit palang siya pero bastos na. Kaya siguro malaki ang pasahod ni Sir Del Fuerto dahil hindi maka-tagal ang mga ibang babysitter sa kanya.

"Graycie, Ayos lang. Sana'y na kami sa ganyang ugali ni Young Master." Umiling ako.

"See?! They used to it. I don't want you here, get out!" Hinila ako palabas ni Manang Cynthia.

"That's rude!" Inis na sambit ko.

"Ano? Tutuloy ka pa ba? Pwede kong tawagan si Sir kung aayaw ka na." Kumunot ang noo ko.

"No Manang! 'Di pa ko nag i-start. Kung ang iba mabilis sumuko, pwes hindi ako!" Ngumiti si Manang sa'kin.

"Good luck, hija. Need mo ng ihanda ang lunch ni Young Master. Punta tayo sa kitchen." Sumunod ako sa kanya. After niya akong tulungan ihanda ang pagkain ng bata ay agad akong pumunta sa kwarto niya.

"Why are you still here, ugly witch?" Ibinaba ko sa mini table ang tray ng lunch niya.

"Your lunch is ready. Kainin mo agad yan bago lumamig." Umupo ako sa sofa sa gilid.

"Ayokong kainin yan! Get out. Ugly Witch!" Ngumiti lang ako sa kanya.

"First of all, I have my name. Call me Graycie and I'm not a witch bata." Ngumisi siya.

"I don't care. Graycie the ugly witch." Umiling iling ako.

"Okay fine. Papayag ako na 'yon ang tawag mo sa'kin. Kumain ka na bata. Hindi ako aalis dito hangga't hindi nauubos 'yan. Eat." Seryosong sabi ko.

"I said, I. Don't. Want. To! Are you stupid?!" Sigaw niya.

'I'm not. Kaya kainin mo na 'yan! Huwag matigas ang ulo!" Tinaasan ko ang tono ng boses ko.

Tumayo siya sa kama at kinuha ang tray. Lumapit siya sa'kin at ibinuhos ang laman 'nun.

"Ang sabi ko, ayoko! Graycie the ugly witch. Get out." Malaking pera 'to kaya di dapat ako sumuko. Patience is the key.

"The food is wasted. Tsk!" Bago pa siya makalayo sa gawi ko, ibinuhos ko sa kanya yung tubig sa mini table. Akala mo a!

"What the! Anong ginawa mo?!" Inis na sigaw niya.

"Opps! My bad. Dumulas sa kamay ko e. Just take a bath, Young Master." Kinuha ko ang tray at lumabas ng tuluyan sa kwarto niya.

"Hala! Miss newbie nagwala na naman ba si Young Master?" Bungad na tanong ng isa sa mga maid dito.

"It's Graycie, that's my name. Yeah, It's okay. War freak siya." Tumango tango ito.

"Pwedeng magtagalog ka nalang Graycie? Hindi ako magaling mag ingles." Kamot ulong sagot nito.

"Ay, pasensya na." Paumanhin ko.

"Ayos lang. Chelsea nga pala. Nice to meet you. Yan ingles ng konti hahaha." Nakipag kamay ako sa kanya.

"Nice to meet you too." Sagot ko.

"Akin na 'yang tray. Maglinis ka muna nang katawan mo. Nadumihan ka na. Ako na bahala maglinis dito." Ibinigay ko sa kanya ang tray.

"Salamat Chelsea." Tumango ito at tumungo sa kitchen.

Pumunta na ko sa assigned room ko dito. Like, bongga! May sariling bathroom. Grabe sosyal naman pala dito. Pumasok ako sa loob ng bathroom para maligo. Mukhang ka-kailanganin ko ng mahaba habang pasensya sa batang 'yon. Ang laki ng galit sa mundo. Tsk.







Cut! Please leave a vote and comment. Happy reading.

Babysitting The Ceo Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon