Chapter 18

33.3K 635 21
                                    

KALALABAS ko lang ng clinic ni Dr. Corpuz. Ni-resetahan niya din ako ng vitamins. Ipakita ko lang daw itong reseta sa pharmacy. Mga isang oras din kami nag-usap. Ni-check up niya 'din ako. Sabi pa niya, stress daw dahilan kung bakit bumalik yung depression ko. Saka, 'yung problema ko sa pamilya nito lang.

Pumunta ako sa pinaka-malapit na pharmacy dito. Binili ko lang 'yung ni-reseta niya na gamot. Sana naman tumalab 'to sa'kin. Gusto ko na bumalik sa dati. After ko mabili yung mga gamot, nag abang ako ng cab pabalik ng mansion.

Tahimik lang ako buong byahe. Ayoko din mag isip ng kung ano ano. Baka lalo lang ako'ng ma-stress. Narinig kong tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ang caller, si tatay pala.

"Hello ho, 'tay? Napatawag ho kayo."

"Wala ang tatay mo dito."

"N-Nay, kayo pala.. n-nasaan ho si tatay? B-Bakit k-kayo ang may hawak ng c-cellphone n-niya?"

"Tsk! Ang dami mong tanong! Kailangan namin ng pera, maselan ang pag-bubuntis ng kapatid mo. Ang tuition din ni Gavin malapit na ang bayaran."

"A-Ah.. sige ho, magpapadala ho ako bukas."

"Siguraduhin mo lang."

Narinig kong ibinaba na niya ang tawag. Huminga ako ng malalim. She's never change. She always hates me. My head hurts again. Hindi ko na alam yung mararamdaman ko. Mix yung emosyon. I want to be angry, sad, scared. Buti nalang at bumili ako ng mineral water. Kinuha ko ang gamot at ininom ko 'yon. I need to feel better.

Nang makarating ako sa mansion agad akong dumeretso sa kwarto ko. I can't see Sir Zach around. Baka busy. Buti nga yon di ko siya makasalubong sa hallway. Hindi ako tanga para hindi marealize na higit pa sa crush yung nararamdaman ko sa kanya. Jusko naman! Ayoko ng ganitong feeling. Naka-rinig ako ng katok sa may pinto ko.

"Pasok!" Sigaw ko.

"Andito ka pala! Hinahanap ka ni Sir Zach. Saan ka galing?" Bungad ni Chelsea pagbukas ng pinto. Bakit naman ako hahanapin non? Gara! Pangit ng timing!

"Bakit daw?" Walang ganang tanong ko.

"Ewan ko. Baka na-miss ka bigla. Hahahahaha!" Ayan na naman siya sa mga asar niya.

"Bwiset ka!" Sigaw ko sa kanya.

"Alam mo naman team GraZa ako di'ba? Lumabas ka na dyan. Nasa garden si Sir Zach. Enjoy." Binato ko siya ng unan pero naka-ilag siya. Nakangisi itong lumabas ng kwarto ko. Inayos ko muna sarili ko bago ako lumabas.

Ano kayang kailangan ni Sir Zach sa'kin? Argh! Umiiwas nga ako e! Pangit naman ka-bonding ni sir! Sabagay, babysitter pala ko ng anak niya. Natural lang natawagin niya ko anytime. Siya din nag-papasahod sa'kin. Naku Graycie, kung ano ano kasi iniisip mo! Nilalagyan mo ng malisya lahat! Tsk!

"Hanap niyo daw ako Sir?" Naka-upo siya sa parang bench dito sa may garden. Ang hot naman. Potek!

"Saan ka galing?" Hindi siya naka-tingin sa'kin.

"Sa pharmacy lang. Bumili ng cold medicine." I lied. Alangan naman sabihin ko bumili ako ng gamot for my depression. Naku! Ekis yon!

"Napapansin ko lang. Parang wala ka sa sarili these past few days. You can tell kung may problema." Napa-lunok ako. Sabi na e! Mahahalata niya talaga.

"Lutang lang ako sir. Wala akong problema! I will work hard starting tomorrow, don't worry about it. Aalagaan ko si Zamiel ng maayos, hehehe.." Sa puntong 'yon tumingin siya sa'kin. Mukhang hindi siya kumbinsado sa mga sinabi ko. Kita ko yon sa ekspresyon ng kulay hazel nut na mga mata niya. Nakaka-tunaw yung tingin niya.

"Really? I think mas better na nga ang pakiramdam mo kaysa kanina." Tumayo siya at lumakad papunta sa'kin. Hala! Medyo malayo kasi ako sa kanya. Omygosh!

"I want to see it by myself." Dagdag na sabi niya habang lumalapit sa'kin.

"S-Sir, you don't have to come h-here.. A-As I s-said, I'm okay." Hindi siya nakinig. Hala ka! Hinawakan niya ang balikat ko at inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang 3 inches lang layo ng mukha namin sa isa't isa.

"Hmm.. You are right. You're totally fine. Namumula na buong mukha mo, yeah. That's your normal state." Bahagya ko siyang tinulak. Shit!

"S-See, sir. Okay l-lang ako.. hahaha!" Hindi ako makatingin sa kanya. Ano ba ginawa mo sa'kin Sir Zach?! You're making my heart pounding like a crazy!

"I hope starting tomorrow, you're not going to avoid me. Don't feel uncomfortable with me. As I said before you are my type, Ms. Graycie." Ngumiti ito at ni-tap ang shoulder ko bago pumasok sa loob ng mansion.

"Omo! GraZa for the win!" Nagulat ako sa sigaw ni Chelsea na biglang sumulpot sa harapan ko.

"Kailan ka pa andyan?!" Tanong ko.

"Kani-kanina lang. Sapat na oras para marinig ko 'yung sinabi ni Sir Zach! Yieeee! Type ka daw ni Sir! My gosh ateng, ang haba ng hair mo!" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Kaysa nakikinig ka ng usapan na may usapan, sana binabantayan mo si Zamiel!" Sigaw ko.

"Pinaalis niya ko sa kwarto niya. Alam mo namang sayo lang maamo 'yon. Kapag kami na kaharap nabalik sa pagiging bastos ng ugali. Huwag mo ibahin usapan! Umamin ka na kay Sir na kras mo siya!" Lakas talaga ng saltik ng isang 'to.

"Manahimik ka nga! Type lang 'yon! Hindi niya sinabi na may gusto siya sa'kin or what! Ikaw lang nag a-assume nyan!" Tumawa lang siya. Bwiset talaga! Bakit narinig pa niya yon!

"Doon din ang punta 'non! Kung ako sayo, umamin ka na! Bakuran mo na si Sir Zach. Baka maagaw pa ng iba 'yan, ikaw din mag-sisisi sa huli." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ewan ko sayo, Chelsea! Tigil tigilan mo ko sa mga pantasya mo. Bumalik ka na sa loob ng mansion!" Inis na sabi ko.

"Hahahahah! Sige na, tandaan mo sinabi ko." Napa-iling nalang ako.

Umupo ako sa bench dito sa may garden. Nag e-echo sa utak ko 'yung sinabi ni Sir Zach. Alam kong type niya ko pero ayokong umasa. Sa tingin mo palang sa kanya. Wala siyang pakialam sa mga nasa paligid niya. Workaholic nga 'yon. Lalo lang nagulo isip ko. Magpapadala pa pala ko ng pera kina tatay. I hope, It will end soon. Let me be happy.



Cut! End of chapter 18. Thank you for keep supporting my work. Akala ko noong una wala talaga mag support nito. Kahit naman wala i post ko pa din to dahil ito yung pinaka comeback story ko after SCLAI. Don't forget to leave a comment and vote. Happy reading.

Babysitting The Ceo Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon