IT'S been a week since that day, naka uwi na kami. Yeah, we're dating now. Pero wala siya dito, andoon lang naman siya sa Brazil ngayon. After that confession, kinabukasan 'non lumayas na siya papuntang Japan. Oh di'ba LDR agad. Wala naman akong magagawa CEO siya. He's updating me time to time. Daig pa ang babae kung mag update.
"I'm getting bored, ugly Graycie." Andito kami ni Zamiel sa Garden. Naka-tunganga sa mga halaman.
"Me too." Sagot ko.
Kain at tulog lang ginagawa namin ni Zamiel dito. Kaya na-bored din ang bata sa mansion. Hindi ko naman pwedeng igala 'to at papagalitan ako ni Zach. Ayaw niya kaming papalabasin ng mansion. Ang daming bodyguard doon sa gate. Almost 3 months na din ako dito nag work. Sumasahod pa din ako. Sinabi din sa'kin ni Zach na nakita daw niya si tatay sa hospital habang nasa ER ako.
Ipinarating niya lang yung sinabi ni tatay para sa'kin. Para daw walang lihim lihim. Nakaka-konsesya naman! May mga secrets pa kong di nasasabi. Nakuha lang naman ako ng tamang tyempo para sabihin.
"Ugly Graycie, I wanna ask you something." Tumingin ako kay Zamiel.
"What is it?" Tanong ko.
"Yung gamot na nakita ko sa kwarto mo, hindi yon vitamins. Di'ba?" Matalino talaga ang batang ito. He figured it out.
"Yeah. That's for my depression." Ayoko na magsinungaling.
"I'm right. Kaya pala pamilyar e, may ganoon din si mom noon. When she's diagnosed with a cancer, nagka-depression din siya. Nakikita ko siyang iniinom yon everyday. But the doctor said it will be dangerous dahil baka ma-trigger yung sakit niya." Kaya pala parang di siya kumbinsado nung sinabi kong vitamins lang.
"Sorry kasi di ko sinabi yung totoo." Kamot ulong sabi ko.
"It's okay. As long na maayos yung state mo." Ngumiti ako. Madami pa kong problema pero kakayanin ko.
"You're growing up nicely young master." Ngumiti ito. Napapadalas na din ang pag-ngiti niya. Kamukha pa talaga ng tatay niya. Bigla ko tuloy siyang na-miss.
"Let's get inside." Sumunod ako sa kanya.
Nag tungo kami sa kitchen. Buti nalang talaga kahit kumain ako ng marami di ako nataba. Gumawa lang ako ng avocado sandwich for snacks. It's 3 pm, kanina pa kami'ng 12 pm nag lunch. Trip din ni Zamiel yung mga kinakain ko. Hindi naman siya pihikan basta luto ko kakainin niya.
"Are you done young master?" Tanong ko ng tumayo siya.
"Yeah. Balik muna ko sa room ko. See you later." Tumango ako at nag wave sa kanya.
"Graycie!" Nilingon ko si Chelsea.
"Bakit?" Kumagat ako sa avocado sandwich na hawak ko.
"Official na kayo ni si Sir Zach 'no?" Tinusok tusok niya pa yung tagiliran ko. Here we go again.
"And so?" Ngumiti ito ng malapad.
"Ay iba din! Hindi nag deny ang babaeng puro palusot! Natauhan ka yata. Salamat sa bato at tumakbo ng maayos yang utak mo. Omo! Official na ang GraZa. Ang saya saya." Mas masaya pa nga siya sakin.
"Kaya tigilan mo na ko. Gawin mo na 'yang mga laundries. Working time pa natin. Mamaya mo na ko daldalin." Hinugasan ko ang plato na ginamit ko at mga kasangkapan.
"Sige, mamaya nalang ulit. GraZa lang malakas!" Napailing nalang ako. Biglang tumunog ang cellphone ko at kinuha ko yon sa bulsa ng three fourths na suot ko.
"Yes?"
"Graycie! I want to go home! I miss you."
"What the! Are you a child Zach?"
"Nah, na-miss ko lang kayo ni Zamiel. Kakatapos lang nga tatlong meeting ko ngayong evening. Tomorrow sa Thailad naman. I'm tired."
"That's your job. Hindi ka naman nag rereklamo dati a? Why are you acting like that now?"
"Because alam kong may mga nag aantay sakin."
"Hala ka! Ano si Zamiel dati? Ikaw Zach a, may favoritism ka talaga!"
"I love you both. You know my relationship with my son before. Ngayon niya lang ako naging close kaya mas ramdam ko siya now."
"Yeah yeah. Do your job and go back safely. See you soon. Get some rest now, you have a flight tomorrow."
"Hmm. Tatapusin ko agad yung business trip ko then uuwi na ko. I miss you so much Graycie."
"I miss you too. I will hang up na matulog ka na. Eat your meal. Goodnight."
"Yeah, you too. I miss you and I love you so much."
"Love you too, take care."
I ended the call. Parang nape-feel ko yung stress niya e. Na-ngalikot ako sa kwarto ko. Na-halungkat ko dito yung binili kong kwintas sa mall last time. Yung star yung pendant yung ni-suot ko last time. Andito pa yung moon. Itinabi ko yon sa cabinet ko. I will give it to Zach pag balik niya.
I don't have any pictures of him kasi nga lumayas siya agad. Marami pa namang kaming oras para gumawa ng mga memories. I know kasisimula palang ng relationship namin. Hindi ko nga alam kung hanggang saan ito. Ayoko din mag tago ng sikreto sa kanya. Buti nga di sinabi ni Zamiel yung tungkol sa gamot na nakita niya.
When I was young, I dreamed of having a family. Gusto ko nga maraming anak para masaya. Akala ko magagawa namin ni Ceejay 'yon. Pero hindi niya ko hinintay, sabagay wala din siyang mapapala sa'kin. Alam ko naman na may Zamiel si Zach. Parang anak na nga rin turing ko sa bata. Pero parang kulang pa din. I want to have my own child but I can't. Isa din yun sa mga insecurities ko. Ang hirap i open up ng topic na 'yon.
I hope Zach will understand my situation. Gusto ko na talagang sabihin pero kumukuha pa ko ng tyempo. Mag mamadre nalang talaga ako if hindi mag work out yung relationship namin. Mark my words. Iidlip lang muna ko habang wala pa yung alaga kong dragon.
Cut! End of chapter 39. Kindly leave a comment and vote. Happy reading and keep safe.
BINABASA MO ANG
Babysitting The Ceo Son (COMPLETED)
RomanceThe world is unfair for Graycie Santos Nalaman niya na ang kanyang long-term boyfriend at younger sister had an affair. Nabuntis pa ang kapatid niya. Nawalan din siya ng trabaho dahil nagsara ang kumpanyang pinagta-trabahuhan niya. But one day, nak...