Chapter 8

40.5K 777 42
                                    

SIMULA ng family day program hindi na umalis si Sir Zach ng mansion. It's been 4 days na. At itong si Chelsea kung ano ano na namang kalokohan ang pinagsasabi. Chance ko na daw para landiin si Sir mga ganon. Napaka-cringe naman ng ideya na *landiin* may paghanga lang ako sa tao. Tsk!

"Todo deny ka pa dyan! Gusto mo din naman yon! Hahaha!" Pang aasar niya.

"Pwede ba, Chelsea? Manahimik ka na! Ayoko ng ganito, para sa'kin uncomfortable sa feeling." Inis na sabi ko.

"Sorry naman. Natutuwa lang kasi ako. Parang ganito kasi yung mga nababasa ko sa libro. Mayaman si boy at mahirap si girl. Magkaka-developan sila. Tapos, ipaglalaban ni boy si girl sa magulang niya kasi 'di tanggap ng magulang ni boy si girl. Madami silang pagdadaan na pagsubok pero sa simbahan pa din ang bagsak nila. Sobrang nakaka-kilig!" Tinusok tusok niya pa ang tagiliran ko.

"Walang ganon sa totoong buhay. Kung mayroon man, sana hindi ako niloko ng ex ko at pinalit ang kapatid ko sa'kin di'ba? Sana we're live happily ever after." Sarcastic kong sabi.

"Dahil hindi talaga kayo ang destiny. May tamang tao para sa'yo at hindi 'yon ang ex mo. Kalimutan mo na siya at umibig ka nalang ng iba. Hindi mo deserve 'yung mga ganung tao sa buhay mo." Himala at sumeryoso ang isang 'to.

"These days, hindi sila pumapasok sa isip ko. I enjoyed working here. Kahit na may bad temper 'yung alaga ko. Kaya for now, masaya naman ako." Inilagay ko ang last piece ng baso sa lagayan nito. "And we're done." Sabi ko at nagtuyo ng kamay.

"Malay mo si Sir Zach pala talaga ang para sayo. GraZa for the win!" Hindi na talaga siya mapipigilan.

"Ewan ko sayo. Ma-una na ko." Need kong puntahan ang alaga ko para pakainin siya ng breakfast.

Ang laki laki na nga ng mansion na salubong ko pa si Sir Zach. Naka Shirt siyang white at three fourths na maong pants. Mukhang walang balak 'to umalis ngayon. Dala niya lang ang Ipad niya habang naglalakad. Ang fresh niyang tingnan parang ang bango bango. Ano ba'ng iniisip ko?! My gosh! Need ko na talaga ng bonggang meditation!

"Good morning Ms. Graycie." Bati niya. Ang gwapo niya talaga! Nakaka-distract. Tsk!

"Good morning Sir. Excuse me lang po, pupuntahan ko na si Zamiel." Tumango ito at lumabas ng mansion. I think sa garden siya tatambay.

Kumatok muna ko bago pumasok sa kwarto ng alaga ko. As usual, naka-tagilid siya at tulog na tulog pa.

"Young master, gumising ka na. You have classes today. Need mo nang maghanda." Agad siyang dumilat.

"I'm awake. I'm hungry." Umupo siya sa kama.

"Anong gusto mong brekfast? Ipaghahanda kita." Tanong ko.

"Yung kinain mo sa dinner last night." Napa-isip ako. Ano nga bang kinain ko kagabi? Ah! Naalala ko na.

"Ginisang toge? You want to try that?" Tumango siya. "Okay, maligo ka na. I will cook downstairs." Tumalikod na ko at lumabas ng kwarto niya.

Dali dali akong nag prepare ng mga ingredients. Mabuti nalang at may toge sila dito. Hiniwa ko ang bawang, sibuyas at kamatis. Naghanap ako mg tofu sa ref. Nag slice ako ng dalawang tofu. Iniluto ko na ang ginisang toge after ko ihanda ang mga rekados.

Naglagay na ko sa plato. Inilagay ko ito sa tray at umakyat sa taas. Kakatapos lang maligo ng alaga ko pagpasok ko sa loob. Inilagay ko sa mini table ang tray.

"Kain ka na." Sabi ko.

Umupo siya sa sofa at kinuha ang isang bowl ng ginisang toge. Sa mga ganitong edad ng bata ay mapili sa pagkain. Hindi na ko magugulat if ibubuga niya 'yan mamaya. Knowing him. He like to play tricks on me everytime.

"It's good. Just like my mom does" Sambit niya at itinuloy ang pagkain.

I'm not expecting him to like it. Lalo tuloy akong na curious 'kung anong nangyari sa nanay niya. Ever since pagdating ko dito wala akong alam. Hindi din ni-open up 'yung tungkol sa mommy ni Zamiel. Ayokong magtanong sa bata, baka isipin pa nito na nakiki-alam ako sa buhay niya. Wala din ako sa posisyon para magtanong kay Sir Zach. Kaya clueless ako lagi kapag nababanggit niya ang mommy niya.

"Is it? Nalungkot ka ba?" Tanong ko.

"No. I just can't accept the fact na may similarities kayo magluto ni mom, Ugly Graycie." Hindi ko alam if matutuwa ako sa mga sinabi niya.

"Get ready. Your classes will be starting soon. Don't talk nonsense on your class, okay?" Paalala ko.

"I know that! I'm not talking nonsense, nagsasabi lang ako ng facts." Inis na sigaw niya.

"Yeah. Finish that food and get ready." Paalala ko ulit.

After niya kumain ay iniligpit ko na ang tray. Pagbaba ko sa kitchen, agad kong hinugasan yung pinag-kainan niya. Kapag may class siya, sinisilip ko siya every 30 minutes. Para kung may gusto siyang kainin or kailangan gawin.

"Teh! Pwedeng ikaw ang maghatid nito kay Sir Zach. Kanina pa ko tinatawag ng kalikasan! Ikaw na bahala dyan." Hindi na ko nakasagot dahil dali daling umalis si Chelsea. Naiwan sa'kin ang isang cup ng black coffee. Knowing her tactics. Tsk!

Pinuntahan ko si Sir Zach sa garden. Busy pa din siya kakalikot ng Ipad niya. Wala nga sa trabaho pero busy pa din.

"Excuse me Sir, Here's your coffee." Saka lang naalis ang atensyon niya sa Ipad ng magsalita ako.

"Thank you. How's my son doing?" Tanong niya.

"He's doing fine Sir. He's in the class right now. Enjoy your coffee Sir." Sambit ko. Kumalma ka, Graycie. Hindi ito ang oras para sa pantasya.

"Thank you again." Dali dali akong umalis. Nag-iinit ang buo kong mukha. Need ko mag cold shower. Magtitingin na din ako ng mga videos pang-meditation. I need to be calm. Kainis!





Cut! Here's my upadate for today. Don't forget to leave a comment and vote. Happy reading.

Babysitting The Ceo Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon