Chapter 9

40.1K 811 13
                                    

THESE past few days, di talaga ako komportable kapag andyan si Sir Zach. Basta nag iiba ang pakiramdam ko kapag malapit siya. Kaya, labis ang tuwa ko ng malaman ko na pupunta siya sa company. Isang buong araw ako mapapanatag.

"Hoy babaita! Nababaliw ka na ba? Tumatawa ka dyan mag isa." Nag balik ako sa reyalidad ng biglang mag salita si Chelsea.

"Masaya lang ako. Bawal ba?" Natatawang tanong ko.

"Naku naku! Yung mga ganyang ngiti alam ko 'yan. Si Sir Zach ba dahilan?" Aga ng pang aasar ng isang 'to.

"Maaga pa para mam-bwiset ka. Wala siyang kinalaman dito. Ma issue ka naman." Tatawa tawa lang siya.

"May experience ka naman sa love. Pero mukhang 'di mo pa nare-realize 'yung feelings mo para kay Sir." Sabi niya.

"Kasi nga wala akong feelings sa kanya. Alam ko sa sarili ko kung may feelings ako o wala. Wala, okay?" Tumawa lang siya.

"In-denial. Sige, magluluto pa ko. Maiwan na muna kita dito." Kumaway siya at umalis.

Tinapos ko nalang 'yung ginagawa ko. Walang pasok ngayon si Zamiel kaya andito ako sa kitchen naghahanda ng breakfast. Maagang umalis si Sir Zach kaya si Zamiel lang ang kakain. After ko 'yon ihanda ay ni serve na nila sa dining area. Umakyat naman ako sa taas para gisingin ang alaga ko. Kakatok palang ako ng bumukas ang pinto mg kwarto niya.

"You're up. Kumain ka na ng almusal, Young Master." Dire diretso siyang lumabas ng kwarto. Naka-sunod lang ako habang lumakad siya.

"Where's dad?" Bored na tanong niya.

"Pumunta sa company. May kailangan ka ba sa kanya, Young Master?" Di niya ko sinagot. Mukhang may sumpong ang alaga ko ngayong umaga.

Inihanda ko na ang breakfast niya ng maka-upo na siya. Tumabi ako sa gilid niya. Habang ang ibang maid ay nasa likod ko.

"I want all of you to leave. Except you, Ugly Graycie." Tinanguhan ko ang mga maid at umalis sila.

Ano naman kayang dahilan ng saltik nito? Ayos naman siya noong  mga nakaraang araw. May sumpong na naman. Tsk!

"I'm done. May gusto akong puntahan, Ugly Graycie." Kumunot ang noo ko.

"Saan mo gusto pumunta? Sa garden? Sa pool side?" Tanong ko.

"Outside. Sa Park."  Maikling sagot niya.

"But, Young Master. Hindi ako nakapag-paalam sa daddy mo na lalabas ka. Kailangan kong ipa-alam sa kanya na lalabas tayo." Hindi kasi madaling lumabas. Baka biglang may humablot sa batang 'to sa labas, ako pa masisi.

"Call him. Ngayon lang ako humiling ng ganito. As far as i know, yung last na lumabas ako is yung family day sa school. Call my dad now, Ugly Graycie. That's easy." Sagot niya at nag cross arms pa.

Anong madali? Umiiwas nga ko sa tatay mo! Bwiset talaga! Grabi naman atakihin ng saltik 'tong batang 'to! Nasa akin ang number ni Sir Zach. Para daw ma-report ko lahat ng ginagawa ni Zamiel. Malas talaga! Ni-dial ko ang number ni Sir, maka-ilang ring lang ay sumagot na siya.

"Yes, Graycie? Why are you calling me? Is there any problem?"

"No sir, gusto ko lang humingi ng permission sa'yo. Gusto kasi pumunta ng Park ni Young Master."

"Really? Okay, I will allow it. Bring Mang Bert with you. Be careful on your way. I need to hang up, nasa meeting ako now."

"Okay Sir. Sorry sa biglaang pag-tawag ko."

"It's okay. Take care of my son Ms. Graycie."

"Yes sir."

Huminga ako ng ilang beses. Grabing kaba 'yung naramdaman ko. Alam kong pag-hanga lang ang nararamdaman ko pero bakit ganito? Ang hirap ikalma ng puso. Isang buwan palang akong hiwalay! Hindi naman pwedeng magka-gusto ako agad sa iba, di'ba? This is not right!

"Are you done daydreaming of my dad, Ugly Graycie? Ano sabi niya? Pumayag ba?" Rinig kong sabi ni Zamiel.

"Y-Yeah! Pumayag siyang lumabas ka ng mansion. I'm not daydreaming, magbihis ka na para maka alis na tayo." Umuna kong umakyat sa taas.

Hinintay ko siyang mag-bihis. Nag bihis din ako ng damit dahil pinag-pawisan na ko kanina. Nang lumabas na si Zamiel ay sumunod na ako sa kanya pababa. Nag aantay na sa'min si Mang Bert sa labas. Pinag buksan niya kami ng pinto ng sasakyan.

"Saan ba ang Park na gusto mong puntahan, Young Master?" Tanong ko.

"Ituturo ko ang daan. Shut your mouth, Ugly Graycie." Palihim akong napa-irap. Aga aga niyang mam-badtrip. He's only 6 years old pero ibang tabas ng dila nito.

Tumahimik nalang ako buong byahe. Ayos na din ito, medyo nakaka-boring na sa loob ng mansion. Sigurado ako na aasarin lang din ako ni Chelsea kay sir Zach. Nalilito pa din ako sa nararamdaman ko. Pag-hanga lang 'to. 'Yun ang paniniwala ko sa sarili ko.

"Andito na tayo." Anunsyo ni Mang Bert.

Bumaba ako at pinag-buksan naman ni Mang Bert si Zamiel. Inilibot niya ang kanyang mga mata sa kabuan ng Park, ikinagulat ko 'yon. Parang gusto niyang umiyak or ano.

"Pick us later. Uwi po mun kayo, ako na po bahala kay Young Master." Sabi ko kay Mang Bert. Tumango ito at umalis. Alam kong ayaw ni Zamiel na may iba kaming kasama. I don't know why. Ganyan naman siya lagi.

"Upo tayo doon sa bench." Itinuro ko ang bench sa may tabi ng puno.

"Yeah." Maikling sagot niya.

Ang ganda ng Park na ito. This is my first time here. Buong buhay ko 'di ako nakaka-punta sa Park. Busy kasi mga magulang ko sa trabaho nila. Busy naman ako mag aral noon. We don't have time for each other. Noong pinanganak naman yung mga kapatid ko. Ako naman laging busy sa academics and work. Ayokong ma-dissapoint ko sila. Especially, mother.

"It's been a year na noong last time na andito ako." Napalingon ako kay Zamiel.

"You been here with whom?" I ask. Sana naman sagutin niya ko.

"With my mom. This place is her favorite spot. Lagi kaming andito. Dito na yata yung spot na may peace of mind kaming dalawa. She loves me so much." Sa bawat pag bitaw niya ng mga salita para bang ang bigat ng mga 'yon.

"Pwede ko bang malaman kung anong nagyari sa mom mo?" Did I ask too much? Na-curious na talaga ko kung ano ba talaga ang nangyari sa mommy niya. Alam ko din 'yon ang dahilan ng bad behavior niya.

"Ovarian cancer stage 4, di na niya kinaya. She died peacefully. Kaya napunta ko sa puder ni Dad. Honestly, I hate my dad. Noong mga panahon naghihirap si mom, wala siya." He started to cry. "Today is my mom's death anniversary. I missed her so much." Dagdag pa niya.

He's so heartbroken. So, ito yung reason kung bakit siya ganon? Kaya pala ang ilap niya. Inalo ko siya, bata pa din to. Na-misunderstood siya ng marami.

"Magiging maayos din ang lahat, Young Master." Sabi ko habang tinatapik ang balikat niya.


Cut! Thank you sa mga nagbabasa at nag vote sa story. Kindly leave a comment and vote. Happy reading and keep safe.

Babysitting The Ceo Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon