NAG DIDILIG ako ng mga halaman sa garden. Hindi ako masyadong makatulog. Aba, itong si Sir Zach gusto daw mag sleep over sa kwarto ko. Syempre di ako pumayag! Ano siya bata? Di ko na talaga alam gagawin ko! Parang na dagdagan yung aalagaan ko na sana si Zamiel lang. Parehas sila ng sapak mag ama.
"Hoy! Tulaley ka na naman. Ikaw ha, siguro nanliligaw na si Sir Zach sayo no? Yung ship ko is sailing na! Kayahhhhh!" Itinapat ko kay Chelsea ang hose. Sayang naka-ilag siya.
"Ang aga mong mag asar. Magsama sama kayong mga abnormal!" Sigaw ko.
"Ay, badtrip. Ano ba nangyari kahapon at pag uwi niyo naka-busangot yang mukha mo?" Tanong niya.
"Kamalasan. Walang magandang nangyari kahapon kundi kamalasan lahat! Look at my lips!" Lumaki ang mga mata nito.
"Hala! Hinalikan ka ni Sir Zach?!" Nag init ang mukha ko. Paano niya nahulaan yon?!
"Gaga! M-May sugat yung lips ko. P-Pinag-s-sasabi mo d-dyan! K-Kiss? Ako? S-Si Sir Z-Zach? Never!" Pag tanggi ko. Totoo naman yung paratang niya.
"Totoo? Akala ko pa naman hinalikan ka niya. Bawi ka nalang sa susunod, kung ako ikaw ako mag mangunguna. Sa gwapo ni Sir, aba'y bakit hindi?!" Grabe talaga to!
"Ewan ko sayo, Chelsea. Maiwan na kita. Pupunta pa ko sa company para mag report ngayon. Ikaw muna bahala sa alaga ko." Yeah. Need ko mag report dahil dalawang buwan na ko dito last week.
"Copy ma'am. Ako na bahala kay young master. Sana mag enjoy ka doon. GraZa is sailing! Wooho!" Napailing akong pumasok sa loob ng masion.
Na-una nang pumunta si Sir Zach sa company. May urgent meeting daw siya sa mga tao niya doon. Masaya ko kasi hindi ko siya makaka-sama pag punta ko doon. Napaka clingy kasi. Hindi ko sinabi na ayaw ko ng ganon, hindi lang talaga ko sanay.
Nag halungkat ako ng mai-susuot na damit. Trip ko yatang mag dress ngayon. Baka dumaan ako sa mall later bago ulit umuwi. May nakita akong sexy dress siya. Nag hanap ako ng white t-shirt na pang loob don. Nang makita ko na ay isinuot ko na ito. Bale yung white t-shirt nasa loob ng dress. Yung rubber shoes ko nalang kahapon yung sinuot ko. Nag apply ako ng light make up at lumabas na sa kwarto.
Nag hihintay si Mang Bert sa labas ng mansion. Sumakay ako sa backseat ng kotse. Malayo layo din dito ang company. Sa bintana lang ako nakatingin. Wala naman akong mga games sa cellphone. Kaka-boring. Lumipas ang 1 hour and 30 minutes, nakarating na rin ako sa wakas. Nag paalam lang ako kay Mang Bert at pumasok na sa loob.
"Good morning, Ms. Graycie. It's nice to see you again. Mukhang maganda ang pagta-trabaho mo sa mansion ni Sir Del Fuerto." Bungad na bati sakin ni Ma'am Glenda.
"Morning din ho. Sa awa ng diyos ayos naman ho. It's nice to see you again too, akyat na ho ko sa office ni sir." Tumango ito at kumaway sa'kin.
Sumakay ako ng elevator. Tahimik lang ako habang nag hihintay makarating sa office ni Sir Zach. Honestly, I'm a little bit nervous. Paano kung tanungin niya ko ulit? Kung bakit ko siya hinalikan? Intesyon ko ba yon o hindi? Yan yung mga tanong na sakali niyang itanong. Wala akong masasagot dyan! Haysss!
Nang makarating ako sa floor ay agad akong dumeretso sa office niya. Kumatok muna ko bago buksan ang pinto. Nakita ko si Sir Zach na nasa mesa niya. Naka-uob yung mukha niya doon. Ano to? Tulog? Lumapit ako. Oo nga tulog. Hala, paano ako makaka-pirma nito?
Kita ko mula dito ang mahaba niyang pilik mata. Grabe, katulad din ng kay Zamiel. Kuhang kuha ng bata yung mga features niya. Ganda ng lahi e. Ano ng gagawin ko ngayon? Balik nalang kaya ko mamaya? Mag mall muna ko. Aalis na sana ko ng may humawak sa kamay ko.
"Are you leaving now?" Nilingon ko si Sir Zach ng hawakan niya ko sa kamay. Mapupungay yung mga mata niya. Halatang kakagising lang. Ang init din ng kamay niya. Nakaka paso.
"Tulog ka kasi sir. I just got here. Pipirma ko ngayon diba?" Tumango ito. Tumayo ito at kinuha ang isang folder sa may cabinet sa taas.
"I'm not sleeping. Masakit lang ang ulo ko. Nakita ko din kung paano mo ko tingnan. Did I look good, Ms. Graycie?" Napatigil ako sa pag pirma. He's awake? Omygosh! Nakakahiya!
"S-Shut up S-Sir! I-I'm just checking y-you. Tapos na ko. Goodbye, sir." Inilagay ko ang folder sa table niya at tumalikod na para umalis.
"Don't go. J-Just stay here f-for a w-while.." Nagulat ako kasi nakayakap na siya sa likuran ko. Ang init din ng katawan niya. Ramdam ko kahit naka-suit siya.
"D-Do you have a fever?! Bakit ka pumasok kung masama ang pakiramdam mo?" Isininandal niya ang ulo niya sa balikat ko. Ramdam ko ang init ng noo niya.
"I-I'm a busy person, M-Ms. Graycie. H-Hindi ko pwedeng iwan yung k-kunpanya ng matagal. You can leave. Be careful on your way." Kumalas na siya sa pagkayakap sa'kin.
"Kung malaman ni Zamiel to, magagalit yon! Let's go home sir. Pwede ka naman magtrabaho sa ibang araw. Just take a rest for today." Tiningnan ko ang kulay hazelnut niyang mga mata. Ang pungay nito ngayon dahil masama nga daw ang pakiram niya.
"Huwag mo nalang banggitin sa kanya. Mahahalata niya din kapag umuwi ako. I'm gonna stay on my condo unit for today." May condo unit siya?! Sabagay malayo ang mansion dito.
"Ihahatid muna kita doon sir bago ako umuwi. No more buts. Let's go." Inilalayan ko siya palabas ng office. "Oh shit I forgot! Makikita tayo ng mga staffs mo. Saan pwedeng dumaan para di makita?" I asked him.
"On the back. Just take the stairs." Omy! Maghahagdan kami? Shit! Bahala na. Inalalayan ko siya paalis ng office niya. Nag text din ako kay Mang Bert na bumili ng flu medicine at mag antay sa likod ng company.
"Huwag kang magpa-bigat sir! Baka mahulog tayong dalawa!" I know he lost so much energy. Hello? Ako lang mag isa umaakay sa kanya.
"S-Sorry.." Piste! Na-konsensya tuloy ako. Pagbaba namin ng parking lot andoon na si Mang Bert. Ini-lalayan niya maka-pasok si Sir sa backseat. Tumabi ako sa kanya.
"Sa condo unit tayo ni Sir Zach." Tumango si Mang Bert. Nagsimula ng umaandar ang kotse. Nag-didilim pa sa labas. Uulan siguro.
"I-It's cold." Isinandal niya ang ulo sa may balikat ko habang naka cross arms. Ito namang puso ko nagwawala na. Shit!
Cut! End of chapter 28. Overwork si Sir Zach niyo! Nababasa ko din mga comment niyo thank you po sa mga feedbacks. Kindly leave a comment and vote. Happy reading.
BINABASA MO ANG
Babysitting The Ceo Son (COMPLETED)
RomanceThe world is unfair for Graycie Santos Nalaman niya na ang kanyang long-term boyfriend at younger sister had an affair. Nabuntis pa ang kapatid niya. Nawalan din siya ng trabaho dahil nagsara ang kumpanyang pinagta-trabahuhan niya. But one day, nak...