Chapter 16

34K 634 30
                                    

"ANONG ginawa mo young master?!" Mahinang bulong ko kay Zamiel.

"It's your time to shine, Ugly Graycie." Sabi nito.

"What is it?" Bakit ang bilis naman ni Sir Zach makarating dito? Piste talaga!

"I'm going to the bathroom." Sabi ni Zamiel at umalis.

"A-Ano s-sir, wait." Kinapa ko 'yung bag sling bag ko. Nakita ko 'yung necklace na kapares nung akin at yung perfume na binili ko. Nadala ko pala. No choice ako, inilabas ko 'yung perfume. Kaysa naman sa necklace ibigay ko.

"Para saan to?" Ang dami niyang tanong?! Ano ba sasabihin ko? Kainis talaga!

"Para 'yan sa pag-tanggap niyo sa'kin. Oo, yon nga! Thank you sa pagtanggap sakin para sa trabaho na ito. I appreciate it." Sana naman maniwala siya. Pahamak talaga 'yung bata'ng 'yon!

"Really? Thank you for this, Ms. Graycie" Ngumiti ito. Nag init 'yung pisngi ko at bumilis na naman tibok ng puso ko.

"W-Welcome s-sir.." Na-utal pa nga!

"Are you alright? Your face is turning red." Hinawakan ko 'yung dalawa ko'ng pisngi. Nakaka-hiya!

"Y-Yes s-sir.. hahahaha.. medyo u-uminit l-lang bigla dito! Okay l-lang ako!" Nakaka-hiya talaga!

Nang makabalik si Zamiel galing ng bathroom ay umalis na kami. Baka gabihin pa kami ng uwi kapag 'di pa kami umalis. Kumalma lang ng konti 'yung sistema ko. Iba talaga impact sa'kin ni Sir Zach. Crush ko nga lang ba siya or level up na? Hindi ko 'din alam! Sinabi ko na sa sarili ko na ayoko muna ma-attached kahit kanino. Self love muna! Mukhang 'di ko yata 'yon matutupad.

Ha! Hindi naman ako aamin e! Madali lang 'yon. Mawawala din 'tong nararamdaman ko. Baka, aftershock lang 'to dahil sa break up namin ni Ceejay. Confused lang ako. Crush lang 'to at lilipas din. Nasa process pa ko ng moving on. Hindi pa ko inlove. Tama! Hindi pwede!

"Ms.Graycie!" Nag balik ako sa sistema ko ng marinig ko ang tawag ni Sir Zach.

"W-Why sir?" Gulat na tanong ko. Did I do something wrong? Napalakas yata tone ng boses niya.

"You're spacing out. We're here. May problema ba?" Tumingin ako sa labas ng sasakyan. Nasa labas na kami ng mansion. Sumobra yata kalutangan ko kanina.

"Sorry, sir. M-Maybe, I'm j-just tired." Hindi siya sumagot at nang bumukas ang gate ay pumasok na kami sakay ng kotse.

"Go to your room. Ako na bahala kay Zamiel. You need to rest." Tumango ako at nag paalam na.

Dali dali ako'ng pumunta sa kwarto ko. My heart might be explode. Confused lang ako. Hindi pa ko nakaka-move on kay Ceejay. May sakit pa din ako nararamdaman kapag naiisip ko 'yon. My head hurts. Ang gulo ng isip ko! Kailangan kong maligo ng malamig na tubig. 

After ko mag shower agad akong nahiga sa kama. Dapat yata umiwas na ko habang maaga pa. Hindi ako pwedeng ma-attached sa isang tao ulit. Alam ko, mabait, mayaman at pogi pa si Sir Zach. Pero hindi talaga pwede! Alam naman niyang gusto ko siya, pero hindi niya alam na mas lumalim pa yon. Baka tanggalin ako non sa trabaho. Tapos babalik ako sa bahay, tapos makikita ko 'yung mga nanloko sakin?!

"Iniisip ko palang, sumasakit na ulo ko! Ayoko pang bumalik 'don! Hindi ko pa sila napapatawad!" Sabi ko sa sarili ko. May naalala ako bigla.

"Need mong mag working student. Hindi namin kaya ng tatay mo ang tuition fee mo. Hindi tayo mayaman, Graycie." Rinig ko'ng sabi ni nanay.

"Okay lang ho sa'kin. Kung di niyo naman kaya talaga. Ako na bahala sa sarili ko." As if wala silang pera? 

"Grasia naman! Kaya naman natin paaralin si Graycie at ang mga kapatid niya!" Pigil ni tatay kay nanay.

"Pumayag na ang anak mo, Alfredo. Nasa tamang edad na rin naman siya. Kailangan niyang matutong maging independent." Napa-pikit nalang ako para kumalma.

"Huwag na ho kayo magtalo. Ayos lang ho sa'kin 'yon. Sa kwarto muna ko." Hindi ko sila hinintay sumagot.

I'm just turned 18 last month. Sa buong buhay ko, hindi ako naghanda kapag birthday ko. Binabati lang ako ni tatay at binibilhan ng cake. Siya nga lang yata nakaka alala sa birthday ko.

I have siblings. Si Gabi at Gavin. 7 years old lang si Gabi at 5 years old naman si Gavin. Malaki ang age gap ko sa kanila. Yung attention din ng parents ko nasa kanila. I feel like, they forgot about me. Pero hindi ko yon sinusumbat. Andyan pa si tatay para sa'kin. Mahal ko ang pamilya ko. Kaya lahat ng desisyon ni nanay para sa'kin, sinusunod ko nalang. Makaka-buti 'yon sa'kin in future.

Pero naiisip ko din minsan. Bakit ganoon si nanay sakin? Anak niya rin naman ako. Bakit lagi nalang sila Gabi? Paano ako? I'm existing but she can't see me. Na-iinggit nga ako sa mga classmates ko kasi mahal sila ng nanay nila. Although, andyan si tatay para sa'kin. Iba pa din 'yung mother's love. I can't feel it. Naging masunurin naman ako'ng anak? Why I feel like I'm stranger in this family? Why?

Naramdaman ko ang mga luhang tumulo sa pisngi ko. It hurts when the bad memories always hunt me. Kinakaya ko nalang para sa'kin at sa kanila. Noong sinabi sa'kin ni nanay na tanggapin ko nalang 'yung kina Ceejay. Masakit. Na-realize ko 'din na until now, hindi pa rin niya nakikita 'yung halaga ko. Until now, si Gabi pa din 'yung mas mahal niya.

Hindi niya inisip kung anong mararamdaman ko. Ni hindi nga niya ko tinanong kung okay lang ba ko! Bakit ko ba kasi naalala yon?! Pilit kong binubura yung mga masasamang alaala! I don't want to remember it all. Being a eldest child is hard. Ginagawa ko lahat para hindi maging disappoinment sa kanila. Dahil isang mali ko lang, masasakit na salita ang maririnig ko galing mismo sa sarili kong ina.

I want to stay positive. Madami akong mga flaws sa buhay ko. Gusto ko lang maging masaya. Kaya kahit masakit tinanggap ko nalang. Wala na kong magagawa! Ceejay is my life before but now, he's not mine anymore. Ito yung gustong gusto ko nang kalimutan. It's fucking hurts.









Cut! This is my Ud for today. Don't forget to leave a comment and vote. Happy reading.

Babysitting The Ceo Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon