Chapter 5

42.4K 833 17
                                    

NAGDIDILIG ako ng mga halaman sa garden habang yung alaga ko nasa bench nakatingin lang sa'kin. Wala naman daw siyang gustong gawin. Wala siyang topak ngayon kaya malaya akong nakakagawa ng ibang chores dito. Friday na bukas. Sinabihan din ako ng teacher niya na mas maganda daw if magpa- participate siya sa family day.

Problema, ayaw naman niya kong isama. 'Di nga daw niya kasi ako guardian. Ang arte arte ng batang 'to. Two weeks na kasing nasa Korea si Sir Zach. Business trip as usual. Grabing busy naman ng isang 'yon. Walang date kung kailan siya babalik dito sa Pinas.

"Ugly Graycie, Babalik na ko sa kwarto ko. I'm getting bored." Pinatay ko ang hose at pumunta sa gawi niya.

"Halika na. Mainit na din." Sinundan ko siya papasok sa loob. "Young Master, sabi pala ng teacher mo. Need mo daw umattend ng family day niyo bukas." Singit ko habang naglalakad.

"I already said no." Mukhang buo na desisyon ng batang ito. Ayoko mamilit at baka topakin 'to bigla.

Tahimik lang kaming dalawa habang pa-akyat sa second floor. 'Di talaga ko masanay sanay dito sa hagdan. Naka-kapagod umakyat araw araw. Hanggang makarating kami sa tapat ng kwarto niya.

"Gawin mo nalang yung ibang gawain dyan. I will call you later Ugly Graycie." Isinara niya ang pinto.

Bumaba ako para tumulong sa ibang mga gagawin. Ngayon parang nagmamadali silang lahat. May na miss ba ko? Kanina lang ang kalmado ng paligid a. Ano kaya mayroon?

"Manang Cynthia, ano pong mayroon?" Agad kong tanong ng makita ko siya'ng dumaan.

"Naka-tanggap ako ng tawag na uuwi na daw si Sir Zach ngayon. Kaya ito, ilagay mo mga iyan sa kwarto niya. Marami pa kasi akong gagawin, ito ang susi." Inabot niya sa'kin ang bedsheet, unan at susi. "Nasa pinaka-dulo ng second floor ang kwarto ni Sir. Maiwan na kita." Dagdag niya bago umalis.

Pamatay na akyatan na naman 'to. First time ko din makaka-pasok sa kwarto ni Sir Zach. Ginamit ko ang susi para mabuksan ang pinto. Kinapa ko ang switch ng ilaw. Kahit walang tao dito ang linis tingnan ng kwarto niya. Pumasok ako sa loob para palitan ang bedsheet at unan. The room have a black, gray and white theme color. Kahit pagsama samahin yata lahat ng kwarto sa bahay namin, 'di hamak na mas malaki pa din 'to.

After ko palitan ang bedsheet at unan. Pumunta ko sa side sa may cabinet. Napansin ko kasing may picture doon ni Zamiel. Ang bata niya sa mga pictures dito. May mga pictures din ni Sir Zach. Hawig niya talaga si Zamiel, nakuha ng bata yung facial features niya. Sa totoo lang, ganito 'yung type ko sa mga lalaki. May itsura naman si Ceejay pero mas gwapo at maganda 'yung tindig ni Sir Zach.

"That's enough Graycie! Puro ka pantasya. Go back to work!" Inis na bulong ko. Nababaliw na yata ako. Bakit ko pinag-kukumpara yung ex ko sa boss ko?

Kinuha ko ang mga lumang bedsheets at unan bago lumabas ng kwarto. Naka-salubong ko si Chelsea pagbaba ko.

"Akin na 'yan. Ang tagal mo yatang magpalit ng mga bedsheets at unan. Siguro na starstruck ka sa mga pictures doon ni Sir no? Yie!" Isa pa 'tong babaeng 'to. Ang lakas mang asar.

"Shut up. Alam kong pogi si Sir pero di ako na starstruck sa kanya." Pagtanggi ko. Talaga lang? Shemay!

"Naku naku, inamin mo din na na-popogian ka kay Sir? Ship ko talaga kayo." Kinikilig na sabi nito.

"Ano kami barko? Tama na ang asar Chelsea. Balik na tayo sa trabaho." Sabi ko.

"Basta sabihan mo lang ako kapag need mo ng advice tungkol sa love. Kakilig talaga! Hahahaha!" Natatawang sabi niya bago umalis.

Anong akala niya sa'kin walang alam sa love? Limang taon kami ng ex ko no! Mga trip ni Chelsea di ko talaga ma-gets minsan.

"Ship ng ship, ano kami love team?" Bulong ko.

"What about ship?"

"Ay palaka! Sir Zach! A-Andito na po pala kayo." Nagulat ako kasi nakatayo na siya sa harap ko. May narinig kaya 'to kanina? Hala! Nakakahiya.

"I just arrived by now. Nagsasalita ka kasi mag isa. Nahihirapan ka ba sa pag aalaga sa anak ko?" Umiling ako. Bakit ang gwapo niya yata lalo?

"No Sir! Ganoon po talaga ko minsan, haha." Medyo lumayo ako ng konti. May halong kaba at hiya yung nararamdaman ko. Baka isipin nito nababaliw ako. Shit!

"Really? I'm glad that you're still here.
I hope mas tumagal ka pa, Ms. Graycie." Tumango ako. Tumalikod siya at umakyat sa taas.

Nakahinga ako ng maluwag ng maka-alis siya. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hala! Anyare? Sa sobrang kaba ko siguro. Sana hindi niya narinig 'yung usapan namin ni Chelsea. Nakaka-hiya! Sabi pa naman niya kakarating niya lang, kaya sure ako wala siyang narinig. Tama, huwag kang paranoid.

Pumunta muna ko sa room ko. Need ko mag cold shower. Para mahismasmasan ako ng konti. Ni-check ko din 'yung cellphone ko kung may messages. Si tatay lang naman ang nag message. Hindi din ako gumagamit ng social media accounts. Ang hassle kasi 'nun.

Ni-replyan ko lang si tatay bago pumasok sa bathroom. Hindi ko siya pwede tawagan at working hours ko pa. Hinubad ko ang suot kong damit at pumasok sa bathroom. Ang isa pa sa mga gusto ko dito. Wala akong uniform. I can wear whatever I want. Akala ko nga noong una may uniform dito na pang katulong. Mabuti nalang at wala.

After ko maligo, nag tabing ako ng tuwalya at lumabas ng bathroom. Nakalimutan ko kasi 'yung damit ko. Kinuha ko 'yon sa ibabaw ng kama at nagbihis na. White t-shirt at three fourths na black lang yung suot ko. Tinuyo at sinulay ko ang buhok ko bago lumabas ng kwarto.

"Andito ka lang pala, halika sa kitchen need ko ng katulong." Bungad ni Chelsea at hinila ko papunta sa kitchen. Mukhang mahaba habang araw na naman ang kahaharapin ko. Hays..




Cut! Maraming salamat sa mga nag babasa nito. Don't forget to leave a vote and comment. Keep safe everyone.

Babysitting The Ceo Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon