My father became more distant and cold. Hindi na rin pinapayagang pumunta sa bahay ang mga kaibigan ko. Even my closest friend, Ingrid and Rohesia are not allowed to visit me!
Isang linggo na akong hindi pumapasok at nakikisuyo nalang kay Rohesia na ihiram ako ng notes sa mga kaklase ko at picturan niya at isend sa email ko. That's my way of coping up with my missed lessons.
Ingrid is from another school kaya si Rohesia lang talaga ang pwede kong pakiusapan patungkol sa bagay na 'yon. I can also ask Harrison but I chose not to bother him. Malayo rin kasi talaga ang Department niya sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit siya naroon noong nahimatay ako. I'm not that close with Lalela kaya hindi ko rin siya magawang hingian ng ganoong pabor. And given my relationship with Ingrid, I don't think it's wise to ask for her help.
Sa lunes ay papasok na ulit ako. Si Daddy lang ang ayaw muna akong papasukin dahil hayaan ko lang daw munang makalimutan ng mga nakakita ang eksenang ginawa ko noong nakaraan. Matatanggap ko sana kung dahil concern siya sakin kaya ayaw niya muna akong papasukin pero mas pinoprotektahan niya pa ang pangalan niya kesa sa nararamdaman ko.
I heave a sigh and continue working on my requirements.
I'm thinking about Ingrid's birthday party next month. Kapag nagtuloy-tuloy ang ganitong pakikitungo sa akin ni Daddy ay baka hindi na ako makadalo pa sa party ni Ingrid dahil hindi niya na ako papayagan pa.
Wala pa rin ang sasakyan ko sa garahe. Hindi ko alam kung saan 'yon ipinadala ni Daddy o kung kailan niya balak ibalik sa akin o kung may balak pa ba siyang ibalik 'yon.
Kuya Allen offered a car but my father was fast enough to give us a death glare. Hindi nagpatinag si Kuya pero dahil higit na mas makapangyarihan si Daddy ay wala kaming nagawa. Mom just gave us an apologetic look. As usual.
When will be the time she'll realize that her husband is not being a father to us and a husband to her? Para niya lang kaming mga tutang pinapasunod sakanya. At kapag hindi siya nasusunod ay ang galit niya ang pinapakita niya.
I need to avoid the De Granos more. Kahit naman hindi niya sabihin ay iiwasan ko naman talaga sila. Hindi niya ako kailangang daanin sa panlalamig at galit niya dahil ako mismo ay ayaw na nalalapit sa pamilyang 'yon!
Friday when my father left our house. Pupunta silang probinsiya para tumulong sa mga nasalanta ng bagyo, at para na rin siguro mas makilala pa ng mga tao dahil malapit na ang eleksiyon. He's with Mom and Lolo Patricio. Ni hindi nga nila nagawang magpaalam sa akin. Kung hindi pa sinabi ng kasama namin sa bahay ay hindi ko pa malalaman. Ilang araw din sila doon at walang sinabi kong kailan babalik.
"You wanna go shopping?" Kuya Allen asked on Sunday morning. Sabay kaming kumakain ng agahan. Tumingin ako sakanya at ngumiti. I know that I am the reason why he's not leaving the house. Dahil kung tutuusin ay pwedeng-pwede na siyang umalis sa bahay at mamuhay ng mag-isa. Hindi naman siya mapipigilan ni Daddy dahil sa aming dalawa ay ako lang ang kayang kontrolin ni Daddy.
"Baka magsumbong ang mga bantay ko kay Daddy." gusto ko mang lumabas ay baka mas mapasama pa ako lalo kay Daddy. Ayoko na ring idamay pa si Kuya Allen.
"They won't say a word." he assured me.
"I'm fine here, Kuya. Makakalabas na naman ako bukas dahil papasok na ako." pagsisinungaling ko pa. I'm not fine here. Para akong mababaliw na walang nakakausap o nakikitang ibang tao. Ayoko lang na pati kay Kuya Allen ay lumala ang pakikitungo ni Daddy.
"If you're worried about me, there's no need, Eda." he said looking intently at me.
Tipid akong ngumiti at umiling nalang.
BINABASA MO ANG
Love Against Us
General FictionAldreda Celestia Venturillo grew up hating and avoiding the De Granos. Bata palang siya ay nakatatak na sa isip niya na kalaban ang mga ito at hindi makakabuti sakanya kapag nadawit ang pangalan niya sa pamilyang 'yon, the reason why she hates Alas...