CHAPTER 47

14.7K 184 53
                                    

Everyone has their own version of truth. Mabilis na kumalat ang iba't-ibang espukalasiyon tungkol sa nangyare. Naisapubliko din ang pagdala sakin ni Alas sa bahay niya na naging dahilan daw kung bakit sumugod sa akin si Ingrid. Majority were on Ingrid's side. I understand why. My mere presence in Alas' estate means something to people. Lahat ng hindi nakaalam ng totoo ay iisiping pinagtaksilan ni Alas ang asawa. Pinagtaksilan naman talaga dahil may nangyare sa aming dalawa. Kahit out of will o out of pity kung bakit niya pinakasalan si Ingrid ay kasal pa rin sila. He cheated on her, with me. Kaya naiintindihan ng mga tao kung bakit ako sinugod ni Ingrid.

Base pa nga sa nabasa kong komento sa isyu ay tama lang ang ginawa ni Ingrid na pagsugod dahil siya ang totoong may karapatan kay Alas. I am the villain in their eyes and opinion. I am blamed for stabbing Ingrid.

Pareho kaming tahimik lang ng kapatid ko sa issues. Ako ang pumipigil sakanyang ilabas ang CCTV footage para pabulaanan lahat ng masasamang opinyon sakin ng mga tao. Doon ko lang din nalaman na pinalagyan pala ni Kuya Allen ng CCTV cameras ang unit bago binili.

Wala ring ginagawang aksiyon ang pamilya ni Ingrid. Sinabi na sakin ni Rohesia lahat nang pinagdaanan ni Ingrid na kalupitan sa kamay ng ama. I feel bad about her. Her youngself doesn't deserve that kind of treatment. Gusto kong magalit sakanya dahil sa mga ginawa niya sakin pero hindi ko kaya. Naiintindihan ko siya at nakikisimpatya ako sakanya. She's still my best friend. Still the same Ingrid I used to know. Kung magagalit man ako dapat sa ama niya. He was the root of this. If only he didn't pressure and hurt his daughter, hindi hahantong sa ganito si Ingrid. It was his unfair treatment to my best friend that pushed her to meet his expectations. Ingrid only wanted to be noticed, not because of her mistakes, but for being a good and obedient daughter.

"Let's get these informations corrected, Eda." napatingin ako kay Helius na kunot ang noo habang nakatingin sa cellphone niya. Mukhang nagbabasa siya ng mga komento online. "They are all blaming you." sabi niya pa.

"Ayokong si Ingrid lahat ang sumalo ng galit ng mga tao." mahinang sabi ko. I'm really torn. Kung ilalabas ang kopya ng CCTV sa unit ko, mabubunyag sa lahat na si Ingrid ang nag-utos na ipapatay ako, makikita din nilang siya mismo ang sumaksak sa sarili niya. She'll be blamed for everything. She's suffering from her childhood traumas, kung idadagdag pa ito ay baka mahirapan na siyang makarecover.

"Siya ang sasalo dahil kasalanan niya." hindi ako nagsalita. I still want the best for her. Natalo lang siya ng pag-ibig niya kay Alas. Sakanya na mismo nanggaling na itinuring niya akong kaibigan. As a friend, I want her well. At kung makakatulong na nasa akin ang galit ng mga tao, I'll remain the villain.

Hindi sumang-ayon sa gusto kong mangyare si Kuya Allen, Helius at Rohesia. They want to reveal the truth, I disagreed. Not when Ingrid's facing a lot. May tamang oras para linisin ang pangalan ko, huwag muna ngayon. I made them promise not to reveal anything, not on my cue. I also promised them that we will clear my name, hindi lang muna ngayon. When Ingrid's mentally and physically okay, that's the time that I will clear my name.

"Ingrid and Lucian De Grano has lost their child" basa ko sa headline ng isang article. Nanghihinang naibaba ko ang cellphone ko. I can't imagine the pain. Pero naalala ko ang walang pagdadalawang-isip ni Ingrid na itarak ang kutsilyo sa tiyan niya. Is she regretting what she did? What's her reaction when she heard that she lost her child? Gusto ko siyang puntahan at makausap pero alam kung hindi pa ito ang tamang oras para doon.

Muli kong binuksan ang cellphone para magbasa.

"Dapat kasuhan si Aldreda"

"Hindi na dapat siya nabuhay"

"Dapat namatay nalang talaga siya."

Marami pang komento na halos pare-pareho lang ang nakasulat. It's easy for people to say things like I don't deserve the second life I have right now, I shouldn't have just survive, na para bang sobrang makasalanan akong tao.

Love Against UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon