"He's getting married in few hours, Helius." kagaya nang madalas na mangyare ay nagising ako bandang madaling araw. Hindi ko lang inasahan na muling makikita si Helius kausap ang lalaking nakausap niya na rin noon sa ganitong oras. Sapat lang ang liwanag galing sa bahay para makita sila.
"Send my regards to him. Pasabi hindi ko kayang maging best man niya." balewalang sabi ni Helius. The man irritably grabbed Helius' collar.
"Hindi ka ba naawa sakanila? You're putting him in a situation he'll regret once he saw her again. You can stop the wedding. Just bring her back to Manila!" mariing sabi ng lalaki.
"Bakit ko siya ibabalik sa taong panganib lang ang hatid? He doesn't love her. He wouldn't marry someone else if he truly loves her! Walang nagmamahal na nagpapakasal sa iba, Rama!" may gigil na sabi ni Helius pero lamang ang pait doon. Siguro naalala niya na naman ang ginawang pagpapakasal ng babaeng mahal niya.
"Dahil ang alam niya patay na siya!" sigaw ng lalaki sa sobrang iritasyon kay Helius.
"Bumalik kana sa Manila." pagtataboy ni Helius at tinulak na ang lalaki. Nabitiwan nito ang kwelyo niya.
"Kung ayaw mong ipaalam sakanila ang totoo, ako ang magdadala sakanya pabalik ng Manila." desididong sabi ng lalaki.
Tumawa si Helius.
"Ibalik mo dahil sa oras na tumapak siya ng Manila, sisiguraduhin kong kulong ang ama mo. I think, the time I gave you is enough. Tingnan natin kung kakayanin ng ina mo na dinadampot ng mga pulis ang asawa niya sa mismong harapan niya." the guy forcefully punched Helius. Halos mawalan ng balanse si Helius sa lakas ng suntok ng lalaki. Bumawi siya ng suntok. I am just watching them. Nagpapalitan silang dalawa ng mga suntok.
"Umamin ka nga. Tinatago mo ba siya kay Lucian dahil pinoprotektahan mo o dahil mahal mo na?" natigilan si Helius sa akmang pagsugod. Tumawa ito na para bang isang biro ang pinakawalang tanong ng lalaki.
"Selos ka ba, Rama?" nang-iinis nitong tanong.
"Putangina mo, Helius! Hindi ko siya sayo pinagkatiwala para lang ipagkait mo ng ganito!"
"Mas putangina kayo! Salamat sa impormasyon mo, a! Ang laking tulong!" sarkastikong sigaw ni Helius. Hindi na ako magtataka kung magigising ang mga kapitbahay sa sigawan nilang dalawa.
"Madumi ang politika, Rama. Ambisyon 'yan ng ama mo kaya nga pinapatay niya lahat ng humahadlang, hindi ba? Sa tingin mo, kapag dinala ko siya sa Manila ay magiging ligtas siya? Sasagasaan ni Andres lahat ng hahadlang sa plano niya. And you think she'll be an exemption? Siya ang pinakadelikado sa lahat. Lucian will go crazy once he found out that she's alive. Masisira ang plano ni Andres sa politika. What will happen next?" hindi nakapagsalita ang lalaking kaharap ni Helius. Dumura si Helius at sinapo ang napuruhang panga. "Mag-isip ka at huwag puro awa sa kaibigan ang pairalin mo!" duro pa ni Helius sa lalaki.
"Lucian can plan things out."
"Wala siyang nagawa noon. How sure are you that he'll do good this time, huh? You can't compromise life, Rama."
"Kung nag-aalala ka para sa kalagayan niya, triplehin mo ang nararamdaman ko. I'm guilty of what happened before. I still couldn't sleep soundly at night knowing that I was one of the reason why she almost died. At hindi ko na hahayaang malagay ulit ang buhay niya sa kapahamakan. Kahit pa galit niya ang magiging kapalit ng lahat ng ito." sabi ni Helius.
Lumayo sila kaya hindi ko na narinig pa ang pinag-uusapan nila. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa tuluyan na silang nawala sa paningin ko. I breathed hard. I didn't know I was holding my breath for minutes now. Wala akong maintindihan sa pinag-usapan nila. Parang naging continuation lang iyon nang pag-uusap nila noong nakaraan.
BINABASA MO ANG
Love Against Us
General FictionAldreda Celestia Venturillo grew up hating and avoiding the De Granos. Bata palang siya ay nakatatak na sa isip niya na kalaban ang mga ito at hindi makakabuti sakanya kapag nadawit ang pangalan niya sa pamilyang 'yon, the reason why she hates Alas...