CHAPTER 21

10.8K 188 5
                                        

Mahigpit kong hawak ang kamay ni Mommy habang hinihintay na sabihin ni Doc. Solana, my OB, ang resulta ng test. Hawak niya na ang result at seryoso iyong binabasa.

Malawak siyang ngumiti nang humarap sa amin ni Mommy na mas ikinakaba ko.

I bite my lower lips harder this time.

"Congratulations, Ms. Venturillo, you are four weeks pregnant." para akong nabingi sa sinabi ni Doc. Solana. Nanginginig na kinuha ko sakanya ang result at ako na mismo ang tumingin. Nanlabo ang mga mata ko nang makitang buntis nga ako.

"A-Are you sure, Doc.?" tanong ni Mommy. Nakita ko kung paano nawala ang ngiti ni Doc. Solana. Tumingin siya sa akin balik kay Mommy. Mukhang napansin niyang hindi kami masaya sa narinig naming resulta. Tahimik ako nitong pinagmasdan habang umiiyak ako.

Yumakap ako kay Mommy at tuluyang humagulhol.

"Sasaktan ako ni Daddy." hagulhol ko sa dibdib niya. "Mommy, please don't tell him." pakiusap ko. Nahahabag na nilayo niya ako sakanya at bumaling kay Doc. Solana.

"Sana ay hindi nakalabas ang balitang ito, Doctora." pakiusap niya sa Doctor. Tumango ito at marahan akong nginitian, probably securing me that she'll remain silent about my pregnancy.

This is a big news.

Tulala ako habang pabalik kami sa bahay. Hindi na ako pumasok dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin maproseso ng utak ko ang mga nalaman ko. I am carrying a De Grano. Hindi ko alam kung may lakas ba ako ng loob na ipagpatuloy ang pagbubuntis kong ito. Paano ko sasabihin kay Alas ang tungkol sa pagbubuntis ko? Pero hindi ang reaksiyon ni Alas ang inaalala ko. I know he will father our child. It's my father's reaction that scares me. At sa oras na malaman ni Daddy ang tungkol sa kondisyon ko ngayon, hindi ko alam kung ano ang magagawa niya sa akin at sa magiging anak ko.

Hindi ko magawang maging lubusang masaya na may bata sa loob ng sinapupunan ko dahil alam kong hindi siya magiging ligtas sa kamay ng ama ko. Lamang ang takot ko sa pwedeng mangyare kapag nalaman ni Daddy ang relasiyon ko kay Alas.

"Si Lucian ba ang ama?" bumaling ako kay Mommy na siyang nagmamaneho ng sasakyan ko. Hindi ko kayang mag-drive pagkatapos malaman na buntis ako kaya nagpresenta na si Mommy.

Ang paalam ni Mommy ay pupunta siya sa OB niya dahil mukhang malapit na raw siyang magmenopause. That was her reason when my father asked where she's going. Pinasunod niya lang ako sakanya nang makaalis na si Daddy sa bahay para hindi kami mahalata. Nakita ko ang ginawang pagkausap ni Mommy sa mga bodyguard namin, siguro para huwag magsumbong kay Daddy na magkasama kami. Malakas ang loob ni Mommy na idrive ang sasakyan ko dahil nasa senado si Daddy ngayon.

"You won't cry that much if Harrison is the father. Alam mong boto sakanya ang daddy mo." sabi niya pa. "At alam kong hindi kayo nagkabalikan kaya impossibleng siya ang ama." I think her motherly instinct is kicking in.

"Umaamin ka sakin, Eda, si Lucian ba ang pinupuntahan mo sa tower ni Ingrid?" marahan akong tumango. I know I can trust her. Anak niya ako at ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin. Hindi niya ako ipapahamak lalo pa ngayong alam niyang buntis ako. Hindi niya man magawang kontrahin si Daddy, alam kong sa pagkakataong ito ay poprotektahan niya ako.

"He's my boyfriend." pag-amin ko. Hindi ko siya nakitaan ng gulat sa inamin ko. Mukhang inaasahan niya na ang bagay na 'to.

"Alam kong noon pa ay gusto ka ng panganay na De Grano." sabi niya na nagpakunot ng noo ko. Paano niya nasabi? Ngumiti siya na parang may naaalala. "Kitang-kita ko sa mga mata niya ang paghanga habang nakatingin sayo." nakangiting sabi niya.

"Hindi ba't kaaway ang turing nila sa atin?" naguguluhang tanong ko.

"Labas dapat kayo sa anumang alitan ng pamilya. Hindi ko lang maintindihan kung bakit pilit kang pinapalayo ni Alfonso sa mga De Grano." sabi niya na mas nagpagulo lamang sa isip ko.

Love Against UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon