I replied to his text message and hurriedly opened the door to run after him.
Sa gitna ng hagdan ay nakasalubong ko si Alas. Kumunot ang noo niya nang makita akong nagmamadali pababa. Pinakatitigan niya ako ng mabuti na para bang binabasa ang tumatakbo sa isip ko.
Lumampas sakanya ang mga mata ko at tumingin sa pintuan ng bahay niya. Wala pa akong naririnig na makina ng sasakyan kaya positibo akong nasa labas pa si Helius.
"Why are you in a hurry?" seryosong tanong ni Alas habang humahakbang pataas ng hagdan, papalapit sa akin. Binalik ko sakanya ang paningin ko at nakita ko siyang bahagyang sumulyap sa pintuan ng bahay niya.
"Are you running after Helius?" he asked when he's already in front of me.
Tumango ako. Mas kumunot naman ang noo niya.
"I'll go with him. Sakanya na 'ko sasabay pauwi." mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko dahil umigting ang panga niya.
Alam kong may konklusiyon na naglalaro sa isip niya dahil sa pagtigas ng ekspresiyon niya.
"Iuuwi kita." may paninigurong sabi niya.
"Kay Helius nalang ako sasabay, Alas." sabi ko.
Diretso ang titig niya sa mga mata ko, naninimbang.
"Are you breaking up with me, Aldreda?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"What? No!" mariing tanggi ko. Umiling-iling pa 'ko para itanggi ang mga sinabi niya. What made him think that way?
"Why are you going with him, then?" kunot pa rin ang noong tanong niya.
"It's safer and less hassle on your part. I'll text you once I arrived home, okay?" I assured him. Hindi siya sumagot at umiwas lang ng tingin. Inabot ko ang panga niya at marahang hinaplos. Tumutusok sa kamay ko ang patubo niyang facial hair. Nakatulong na mataas ako ng isang baitang sakanya para madagdagan ang tangkad ko at magawa kong haplusin ang mukha niya nang hindi masyadong nahihirapan.
"Don't you want me to drive you home?" hindi ko naitago ang ginawang pagnguso para pigilan ang pagsilay ng mga ngiti ko. From his serious face, he turned adorable in my eyes.
"I want to..."
"Then, I'll drive you home." agad na dugtong niya sa sinasabi ko.
I tiptoed and kissed his lips. Mabilis ko lang na idinampi ang mga labi ko sa mga labi niya. Bahagyang pumungay ang mga mata niya at sinundan pa ng tingin ang mga labi ko.
"It's for our safety." dugtong ko sa sinasabi ko kanina. Mukhang unti-unti ko na siyang nakukumbinsi sa gusto kong mangyare.
"Have you eaten your foods?" umiling ako.
"Let's eat first." tiningnan ko muna ang cellphone ko at nakita kong may reply si Helius doon. Maghihintay daw siya. I texted him to wait for a minute dahil kakain muna ako.
Mabilis lang kaming kumain and in the middle of eating he attempted to change my mind. Tumanggi ako. Wala siyang nagawa kundi ang samahan ako papunta sa sasakyan ni Helius nang matapos na kumain. Seryosong nakatingin samin si Helius pero hindi nagsalita.
Tumango lang siya kay Alas at pinagbuksan na 'ko ng pinto.
"I'll be waiting for your text." tumango ako. Marahan kong pinikit ang mga mata ko nang patakan niya ng halik ang noo ko.
"Drive safely, Laurente." baling niya sa kaibigan. Tipid na tango lang ang isinagot ni Helius.
Nakatingin lang sa sasakyan ni Helius si Alas hanggang sa makalabas kami ng gate.

BINABASA MO ANG
Love Against Us
General FictionAldreda Celestia Venturillo grew up hating and avoiding the De Granos. Bata palang siya ay nakatatak na sa isip niya na kalaban ang mga ito at hindi makakabuti sakanya kapag nadawit ang pangalan niya sa pamilyang 'yon, the reason why she hates Alas...