Darkness. The surrounding is filled with darkness. Walang kahit na alitaptap na kahit papano ay magbibigay ng liwanag kahit sa munti nitong paraan. I couldn't see or hear anything. Ang mapayapang gabi ang nagbibigay ng kaginhawaan sa buong pagkatao ko. Naninibago ako. Pakiramdam ko ay ni minsan ay hindi ako namuhay sa ganito kapayapang lugar. Hindi rin ako masanay-sanay sa matigas na higaan kahit ilang gabi na akong humihiga doon. Sumasakit talaga ang likod ko. Maging ang unan ay matigas. Gawa sa retaso ng mga tela ang unang gamit ko kaya wala man lang itong kalambot-lambot. It just flatly settling on my head. Ang kumot ay manipis na alam mong pinaglumaan na ng panahon. Hindi ko magawang magreklamo man lang.
It feels like this isn't the life I used to live. Parang ibang pamumuhay na ito. I have a feeling that I lived comfortably before. Iba ang lambot ng kutis ko sa mga nakapalibot saking mga tao. Hindi ako masanay-sanay sa ilang gawaing bahay. Marami akong tanong pero hindi ko naman magawang magtanong.
Kagaya nang nakagawian ay tumayo ako mula sa pagkakahiga sa lapag na sinapinan lang ng manipis na banig para lumabas sa maliit na bahay. Hindi na naman ako makatulog. Alam mo 'yung pakiramdam na parang may bumabagabag sayo pero hindi mo alam kung ano? Ganun ang nararamdaman ko. I feel like I know something, at the same time I don't. Something is bothering me but I don't know exactly what's bothering me. Nakakalito na nakakafrustrate.
Marahan ang ginawa kong mga hakbang para hindi makaistorbo sa mga kasama ko sa bahay. Binuhat ko ang kawayang pinto para makalabas. Halos gabi-gabi ganito ang ginagawa ko. Lalabas ako para makalanghap ng preskong hangin dahil hindi ako makatulog. Uupo sa upuang kawayan at doon magpapalipas ng oras habang pilit inaalala kung ano ang bumabagabag sa akin. But ended up not remembering anything.
Kahit madilim ay nagawa kong humakbang papuntang balkonahe ng bahay. Umupo ako sa upuang gawa sa kawayan kagaya nang nakagawian. Umihip ang malamig na pang-alas dos ng umaga na hangin. I should have brought a jacket with me. Nagtayuan ang mga balahibo ko dahil sa lamig.
"It's cold." I mentally uttered. My vision is fixed on the dark surrounding. Wala akong makita kundi kadiliman.
Muling umihip ang malamig na simoy ng hangin.
It's almost Christmas. Kaya ganito nalang ang lamig dito. Wala man lang kabuhay-buhay ang buong bahay. Sobrang tamlay at hindi nakikita sa dilim. Parang walang bahay at mga tao sa lugar na 'to sa ganitong oras. Napakalungkot. Mas nagdaragdag ang paligid sa kalungkutan ko na hindi ko maipaliwanag.
Nakarinig ako ng tarantang mga tinig mula sa loob ng bahay.
"Wala na naman siya sa kaniyang higaan, Berting." the familiar voice of an old lady said. The anxiety in her voice can be heard.
"Baka naman nasa banyo lang, Linda." rinig kong sabi ng matandang lalaki.
"Galing ako sa banyo. Kaya nga dinaanan ko siya sa kwarto niya para tingnan pero wala na naman siya doon." bakas ang pag-aalala sa boses ng matandang babae.
The light from the lamp illuminated. Bahagyang nabigyan ng buhay ang napakadilim na bahay.
"Mukhang lumabas na naman siya." rinig kong sabi ni Tata Berting.
"Diyos kong batang iyon! Napakadilim at sobrang lamig sa labas. Hanapin na nga natin." nahahabag na sabi ni Nana Linda.
"Baka nasa balkonahe lang." pigil dito ni Tata Berting.
"Paano kung wala? Hindi nga pamilyar ang batang iyon dito sa lugar natin. Hindi rin magawang makapagsalita kaya paano kung mawala iyon?" tatayo na sana ako para bumalik sa loob nang makita kong sabay na lumabas ang dalawa sa bahay. Hawak ni Tata Berting ang gasera na nagbibigay liwanag sa kadiliman.

BINABASA MO ANG
Love Against Us
General FictionAldreda Celestia Venturillo grew up hating and avoiding the De Granos. Bata palang siya ay nakatatak na sa isip niya na kalaban ang mga ito at hindi makakabuti sakanya kapag nadawit ang pangalan niya sa pamilyang 'yon, the reason why she hates Alas...