LUCIO ANDREAS DE GRANO
Napangiti ako at umalis sa pagkakasandal sa kotse para umayos ng tayo nang makita ang maliit na bulto ni Eda na mabagal na naglalakad palabas ng Hospital.
Kahit malayo ay kita ko ang pagod at antok sa mukha nito. Nakalugay na ang mahabang buhok na medyo umaalon dahil sa ilang oras na pagkakapusod. My poor baby. She's been in the emergency room for a twelve hour surgery to assist.
Mas lumawak ang ngiti ko nang makita siyang humikab. Papalapit na siya nang papalapit kaya mas kita na ang pasara niya ng mga mata.
Her walk is painfully slow but I waited patiently 'til she's out of the Hospital.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ako at bahagyang bumilis ang mga lakad. I chuckled when she run towards my direction. Agad ko siyang kinulong sa mga bisig ko.
Home.
"How's my baby?" malambing na tanong ko.
"I'm dead tired." pagod at naglalambing na sabi niya. Tumingala siya sakin at mas nadepina lamang ng lapit namin ang pagod sa mukha niya.
"Poor baby." Pinatakan ko siya ng halik.
"I haven't brushed my teeth." ilag niya sa mga halik ko.
I chuckled and tightened my hold on her.
"Hindi pa 'ko naliligo." ilag niya pa.
"Don't care." sabi ko at pinatakan pa siya ng halik. Nagpaubaya ito at natatawa nalang habang napapapikit sa dampi-dampi kong mga halik.
"I missed you." lambing ko sakanya. "Akala ko hindi mo na 'ko uuwian." I saw how her lips protruded. Agad niyang itinago 'yon sa pamamagitan ng pagbaon ng mukha sa dibdib ko.
"I missed you too. Uuwi at uuwi pa rin sayo." Damn! Alam na alam niya talaga kung paano pabilisin ang tibok ng puso ko. She can probably hear my heart beats.
My wife probably got conscious from the stares of the people going in and out of the hospital dahil nag-aya na itong pumasok sa sasakyan.
I opened the car for her. Pumasok siya. I crouched a bit to fasten her seatbelt. Nagkatinginan kami. I couldn't get enough of her lips kaya ninakawan ko ng halik bago ko sinara ang pinto. Nakita ko ang pagngiti niya at ang pag-iling. Hinayaan ko na rin ang sariling ngumiti.
Hindi ko na siya kinausap habang pauwi kami sa bahay. I know she's tired and needs rest. Nang malingunan ko nga ay nakapikit na ang mga mata nito. I adjusted her seat to make her feel comfortable.
Hindi ko na siya ginising nang makarating na kami sa bahay. I watched her for some minute before I carried her to our room.
Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata nang ilapag ko sa kama.
"I'm sorry, I slept. Dapat ginising mo nalang ako." paos at pagod na sabi niya. I dropped a kiss on her forehead.
"I can carry you." rason ko. Her lips stretched for a smile.
"I'll prepare the bath tub." marahan siyang tumango at nagpasalamat.
Gustong-gusto ko kapag nagpapaalaga si Eda. Doon ko mas nararamdaman na kailangan niya ako. At doon ko mas naipaparamdam ang pagmamahal ko.
Hindi pa man ako tapos ay naramdaman ko na ang presensiya niya sa loob ng banyo. I gasped when I saw her naked. Her body still surprise me. She still gave me the same effect. Walang nagbago sa nararamdaman ko kahit ilang beses ko nang nakita ang katawan niya. She turns me on. Bigtime.
I stopped myself from wanting her. She's tired. Huwag mong pagurin pa, Lucian.
Lumapit siya sakin at halos magtaasan ang mga balahibo ko sa katawan nang hawakan niya ang braso ko. I saw her innocently smiled. Mukhang naramdaman niya ang epekto niya sakin.
BINABASA MO ANG
Love Against Us
Ficção GeralAldreda Celestia Venturillo grew up hating and avoiding the De Granos. Bata palang siya ay nakatatak na sa isip niya na kalaban ang mga ito at hindi makakabuti sakanya kapag nadawit ang pangalan niya sa pamilyang 'yon, the reason why she hates Alas...