His estate is heavily guarded. What to expect from a public servant? I roamed my eyes around his house at wala akong masabing masama. Hindi ako maalam sa estilo ng mga bahay pero sigurado akong maganda at makalidad ang bahay na ito. I bet that the best architect in town designed his house.
"Let's go?" aya sa akin ni Alas. I raised him a brow. Hindi ako papasok sa bahay niya! Baka kung ano pa ang naghihintay sa akin sa loob. I don't trust him! And given the fact that our family are not in good terms, mas lalong ayokong pumasok sa bahay niya.
Imbes na umabante ay tumalikod ako para umambang umalis. Natigilan lang ako nang makitang gumalaw ang mga nakabantay sa gate niya. Umawang ang mga labi ko nang makita ang mga bodyguard ko na nakahalo sa mga tauhan ni Alas.
"What's the meaning of this?" gulat na tanong ko at binalingan si Alas, nang-aakusa. I glared at him back to my bodyguards.
"Tawagan niyo na si Daddy at sabihing kinidnap ako ni Alas De Grano!" I shouted. Wala silang ginawa kundi ang tumingin lang ng diretso na para bang walang narinig.
Hindi makapaniwalang umirap ako at kinuha ang cellphone ko. Ako ang tatawag! This will probably cause me another trouble but I don't care anymore.
Kung kanina ay hinayaan ako ni Alas na tawagan ang kapatid ko, hindi na sa pagkakataong ito. Naagaw niya sa akin ang cellphone ko at agad na isinilid sa bulsa ng slacks niya. Pinilit kong kunin ang cellphone ko sa bulsa niya pero umaatras siya.
"You'll touch something else, Aldreda!" nagbabantang sabi niya habang patuloy na iniilagan ang mga kamay ko. Nangigigil ko siyang tinulak at tinalikuran. Nagmartsa ako palapit sa gate pero agad na humarang ang mga tauhan ni Alas. Malalaking tao sila kaya nasindak at nanliit ako.
"Gusto ko nang umuwi, De Grano!" gigil kong sabi.
"You're home, Eda." sabi niya sa nanunuyong tono. Napakurap ako, unable to utter a word for a moment.
"I don't belong here! Hindi ko gusto dito!" asik ko pa sakanya nang makabawi.
"We'll talk and I'll drive you home." pagsuko niya. Matagal akong tumitig sakanya, naghahanap ng mali sa mukha niya pero kita ko na seryoso siya at mukhang nagsasabi naman ng totoo.
"Wala tayong pag-uusapan." pinal kong sabi.
"We have a lot of things to talk to. Kung ayaw mong magtagal dito, mag-usap na tayo." I stomped my feet out of frustration.
Nakatingin lang siya sa akin habang naglalakad ako palapit sakanya. Inirapan ko siya at nilampasan para pumasok na sa bahay niya.
Ang linis tingnan ng loob. Purong puti ang pintura ng loob ng bahay niya at kahoy naman ang mga gamit. Masyadong malayo sa bahay naming moderno.
"Anong pag-uusapan natin?" hindi na makapaghintay pang tanong ko. Gusto ko nang umuwi!
"Let's eat first."
"Lucian!" gigil kong tawag sakanya. He looked at me firmly. This look, I know he'll stand on his choice, 'yon ang kumain muna kami.
"Hindi mo 'ko madadaan sa galit mo ngayon, Aldreda." sabi niya at tinalikuran ako para pumasok sa kusina. Hindi ko na napigilan pang sipain ang wooden center table niya at itapon ang bag na dala ko. Nahulog ang paso galing sa table causing a loud break.
Nagpupuyos akong sumunod kay Alas sa kusina. Nagkasalubong kami sa may hamba ng pinto. Lumampas sa akin ang tingin niya, probably checking the mess I did in the living room.
"Are you okay?" he asked and looked at me, probably checking for possible injury.
"Kumain na tayo para matapos na 'to!" tumagal sa akin ang mga titig niya bago tumango.
![](https://img.wattpad.com/cover/287396265-288-k765866.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Against Us
General FictionAldreda Celestia Venturillo grew up hating and avoiding the De Granos. Bata palang siya ay nakatatak na sa isip niya na kalaban ang mga ito at hindi makakabuti sakanya kapag nadawit ang pangalan niya sa pamilyang 'yon, the reason why she hates Alas...