It's suspicious when my father lessen his people. May pinaplano ba siya o tuluyan niya ng niluluwagan ang pagbabantay sa akin?
Hindi ko alam kung matutuwa ba akong malaman na wala nang nagbabantay sa pinto ng kwarto ko at hindi na rin ito nakalock o kakabahan ako dahil baka may pinaplano siya. Hindi naman siguro siya basta-basta nalang matatauhan na hindi niya dapat ako ikinukulong dito diba?
Sa galit na pinakita niya noong nakaraan ay imposibleng lumambot agad ang puso niya at natauhan nalang bigla. That's so out of my father's character.
Maraming bagay ang tumatakbo ngayon sa isip ko pero agad iyong naputol nang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Kuya Allen.
"Dad left with Mom bringing almost his men." sabi niya agad pagkapasok. This answer why I only saw few men outside at puro pa nakapwesto malapit sa main gate. "I couldn't wait for tomorrow, Eda. Hindi ko alam kung kailan ang balik nina Dad kaya ngayong araw ka na aalis sa bahay na 'to." sabi niya pa.
"How about Mom, Kuya?" nag-aalalang tanong ko.
"Don't worry about her, ako na ang bahala sakanya. You need to go first. Sa back door sa kusina ka lalabas. Gamitin mo ang gate sa likod at may sasakyang naghihintay sayo sa labas at maghahatid sayo sa bahay ni Lucian. May mga tauhan siyang sasalubong sayo papasok ng Quezon. Hindi kita masasamahan dahil babantayan ko ang pagbabalik nina Mom." tumango ako.
"Please take care of yourself, Eda." bilin niya.
Tumango ako at naiiyak na niyakap siya.
"Take care of yourself and mom too, Kuya."
Sabay kaming lumabas ng kwarto ko. I'm only holding the phone he gave me. Wala akong ibang dala kundi ang cellphone ko para ma-contact ko si Alas kapag nasa Quezon na ako. Walang mga tauhan ni Daddy sa loob ng bahay. Lahat nasa may gate. Wala ang mga kasambahay sa kusina kaya malaya kaming nakalabas ni Kuya Allen gamit ang pintuan doon.
Walang nagbabantay sa back gate dahil hindi naman iyon binubuksan simula pa noon.
"Text me when you reached his house." tumango ko at muling yumakap sakanya.
"Mag-iingat ka." bilin niya.
Si Kuya Allen na mismo ang nagbukas ng gate sa pinakatahimik na paraan. Kabado ako dahil baka may makarinig o makapansin sa pagtakas na ginagawa namin.
When he successfully opened the gate, I hugged him again. Maluha-luha ako habang naglalakad papuntang sasakyan na itinuro niya.
I looked at him and he nodded.
Pumasok ako sa sasakyan at hindi pamilyar na lalaki ang nasa loob noon. Nang magkatinginan kami ay hindi ko napigilan ang kaba. Hindi ko alam pero parang hindi ako ligtas sa taong 'to. Gusto ko sanang lumabas pero nagsimula na siyang magmaneho.
Ang matulin na takbo ng sasakyan ang mas nakapagpakaba sakin.
"Akala mo ba nagtagumpay ka sa pagtakas?" he said giving me chills. Dumoble ang kabang nararamdaman ko nang ngumisi siya sa akin.
With a trembling hands, I tried to dial Kuya Allen's number but he was fast enough to snatched the phone from me. Nakipag-agawan ako sakanya at matagumpay ko iyong nabawi pero ilang segundo lamang na nagtagal sa kamay ko ang cellphone dahil muli niyang nakuha 'yon.
"Give that back to me!" pilit kong inaagaw sakanya ang cellphone. Malaking tao siya kaya nahirapan akong bawiin iyon.
Ramdam ko ang pag-gewang ng sasakyan dahil sa pag-aagawan namin. Natauhan ako nang maisip na baka maaksidente kami kaya tumigil ako. Umayos ako ng upo at tumingin sa unahan at ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makitang may makakasalubong na kaming truck.
BINABASA MO ANG
Love Against Us
General FictionAldreda Celestia Venturillo grew up hating and avoiding the De Granos. Bata palang siya ay nakatatak na sa isip niya na kalaban ang mga ito at hindi makakabuti sakanya kapag nadawit ang pangalan niya sa pamilyang 'yon, the reason why she hates Alas...