Karma is satisfyingly fast. He was just laughing awhile ago and now, he looks like he's ready to punch someone.
I smirked.
Ano kaya ang tumatakbo sa isip ngayon ni Helius habang nakatingin sa ex-girlfriend niyang tumatawa kasama ang isang lalaki?
We stopped in a coffee shop near my University to eat breakfast dahil 'yon daw ang bilin ni Alas. Nagmatigas pa akong sa University nalang kakain pero mas matigas siya kaya wala akong nagawa kundi sumunod sa gusto niyang mangyare. I didn't know that this will go my way.
I mentally smirked looking at his pissed expression. You didn't bother saving her number yet you're looking like a jealous boyfriend right now.
"Just eat in your University." he said pissed. Ngumisi ako at nagpatiuna na sa pagpasok sa coffee shop.
Purong salamin ang coffee shop kaya kita kung sino ang mga nasa loob. Kaya kahit nasa labas kami ay malinaw na malinaw sa mga mata namin kung paano tumawa si Lela sa kwento ng kasama niya.
"I'm suddenly craving for cookies and brownies." sabi ko at nilingon siya para ngumisi ng mapang-asar. He glared at me. It's pay back time, Laurente.
The table have turned. Hindi ko inexpect na ganito kabilis ang karma. Parang kanina lang ay bwesit na bwesit ako sa mga tawa at pang-aasar niya sakin.
Sumunod siya sa akin pero alam kong labag na labag 'yon sa kalooban niya.
I ordered for our foods. Nasa likod ko lang si Helius at inunahan ako sa pag-abot ng card nang magbabayad na. I let him pay since it was their idea to eat breakfast first.
I'm not close with Lalela but we know each other. Hindi naman siguro masamang makipag-share ng table 'no?
Lumawak ang ngisi ko nang magmura nang mariin si Helius na mukhang alam na kung ano ang gusto kong mangyare.
I slowly walked towards Lalela's table. Tumatawa pa siya na para bang sobrang nakakatawa talaga ng pinag-uusapan nila ng kasama niya. Nasa five seater table sila kaya okay lang naman sigurong maki-share kami ni Helius. Tumikhim ako para kunin ang atensiyon nila. Ang tawa ni Lela ay naging ngiti nang makita ako. Recognition filled her innocent face.
Tipid akong ngumiti sakanya.
Napawi ang ngiti niya nang lumampas sa akin ang mga mata, probably looking at her asshole ex-boyfriend. Nakitaan ko ng galit ang mga mata niya pero bumalik din agad ang maaliwalas na mukha na parang wala lang sakanya na kasama ko si Helius at balak naming makipag-share ng table sakanila.
"I hope you don't mind if we share table with you?" sabi ko sa mahinang boses.
"We don't mind, Eda." malambing na sabi niya. Bagay na bagay ang malambing niyang boses sa maamo niyang mukha. Hindi ko naiwasang isipin ang mga nangyare noong birthday ni Harrison. I was shocked when she bravely asked the man who dumped her if he still have feelings for her and ended up crying looking at his man with someone else. I wouldn't have that courage to ask the same question if I am in the same situation.
I would just hate Helius for dumping me!
Bumilib ako sa tapang niya. Siguro hindi lang ako ang bumilib sakanya nang gabing iyon. We all know her as sweet and charming, malayo sa matapang na Lalela nang gabing iyon.
Ngumiti ako at naupo na. Nilingon ko si Helius na nakatitig ngayon kay Lela na bumalik sa pakikipag-usap sa kasama. Tumalim ang titig niya bago naupo sa tabi ko, making him sit in front of Lalela.
What a view.
Kung may gusto man akong mabasang isipan, kay Helius 'yon. I want my questions to be answered. Dahil kung ako ang tatanungin, iba ang nakikita ko kay Helius sa mga sinabi niya noong birthday ni Harrison. The way he looks at her, I know he's not over her yet.

BINABASA MO ANG
Love Against Us
Ficción GeneralAldreda Celestia Venturillo grew up hating and avoiding the De Granos. Bata palang siya ay nakatatak na sa isip niya na kalaban ang mga ito at hindi makakabuti sakanya kapag nadawit ang pangalan niya sa pamilyang 'yon, the reason why she hates Alas...