Pinigilan ko ang panginginig ko. My knees are trembling so damn hard. Nahihirapan akong ihakbang ang mga paa ko.
Pinunasan ko ang mukha kong basang-basa na ng luha.
Ang pag-alis sa bahay ng mga Rama lamang ang nasa isip ko habang humahakbang. Kaunti lamang ang security ng bahay nina Harrison, hindi kagaya sa bahay na kahit saan ka lumingon ay may makikita ka agad. Madali lang akong makakalabas dito nang hindi nalalaman nina Tito Henry na narinig ko sila at alam ko na ang totoo.
I hated the De Granos since then. Namulat ako sa mga paninirang ginagawa nila sa pamilya ko. At ngayon, hindi ko alam kung sila ba talaga ang may gawa no'n o ang ama ni Harrison. Nadagdagan ang galit ko sa mga De Grano dahil sa pagkamatay ni Annasandra at si Luna ang tinuturong suspect dahil naandun siya noong mangyare ang krimen. Dumagdag pa ang paniniwala kong si Andres De Grano ang nagpadukot sakin.
I hated the wrong people.
Kaya ba ganun nalang ang pagtanggi ni Alas sa tuwing pinagbibintangan ko siya at ang pamilya niya? Kaya ba galit na galit sakin si Luanna dahil pinagbibintangan ko siya ng isang bagay na hindi niya naman ginawa? Sinubukan niya pa palang tulungan ang kapatid ko. Maling mga tao ang pinagbuhusan ko ng galit.
"Aldreda." halos matulos ako nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Sinubukan kong hagilapin ang lakas ko at dahan-dahang humarap sakanya. Siniguro kong may ngiti sa mga labi ko para hindi siya maghinala.
Nanunuri ang mga mata niya nang tuluyan na akong makaharap sakanya.
"Tito Henry." I acknowledged. God knows how much I stopped myself from uttering his name with anger. I need to pretend that I heard nothing. Wala akong alam. Wala akong narinig.
"Are you alright, Hija?" he asked, voice was laced with concern. Hindi siya kagaya kanina. He's acting like the man I know.
"I'm fine, Tito. Nauuhaw lang po ako." sabi ko pa. Hindi ko alam kung napa-praning lang ako pero parang nanunuri talaga ang mga mata niya. Parang naghahanap siya ng mali sa akin.
"Umiyak kaba?" tanong niya na mas lalong nagpakaba sa akin. Nag-isip ako ng sasabihin sakanya. Dumagdag pa sa kaba ko ang presensiya ng kasama niya, na kagaya niya ay nanunuri rin at para bang naghahanap din ng mali sa akin.
"Ininda ko lang po ang ulo ko pagkagising ko." I saw him nodded.
"Samahan na kita sa kusina."
"Hindi na po!" agad na sabi ko. Bahagya akong tumikhim dahil nabakasan ko ng pagkataranta ang boses ko. "I mean, kaya ko naman po. Alam ko naman po kung nasaan ang kusina." paliwanag ko. Muli siyang tumango.
"Sigurado ka, Eda?" tumango ako at ngumiti sakanya.
"Babalik na ako sa library kung ganun." paalam niya. Tumango ako. I watched them entered the library. Para akong nabunutan ng tinik nang hindi ko na sila nakita.
Pumihit na ako para makababa. I need to go home. He's a two-faced! He acts so well that he made us believe that he was genuine on supporting my father's candidacy. May mga pinaplano pala siya para pabagsakin ang dalawang pamilya. Hindi ko naisip na kaya niyang gawin ang mga bagay na 'yon para lang sa kagustuhan niyang posisyon.
Now, I wonder if Harrison was real to me and Annasandra. May alam ba siya dito? Hindi kaya kasabwat siya ng ama niya? Kaya ba nakipaglapit siya sa amin ng kapatid ko? Hindi ko kayang tanggapin kung sakali man na ang lalaking una kong minahal ay naatim na gumawa ng masama para sa kapangyarihan. Pinanghahawakan ko na iba siya sa ama niya. I am praying that he was real and he was genuine.
Imbes na uminom sa kusina ay dumiretso ako palabas ng bahay. Nagmamadali akong naglakad patungo sa gate.
"Aldreda." I stilled. Bumaling ako sa direksyon nang tumawag at nakita ko si Tita Renee. There's confusion and worry in her eyes. Lumapit siya sakin at akmang hahawakan ako pero umatras ako.

BINABASA MO ANG
Love Against Us
Genel KurguAldreda Celestia Venturillo grew up hating and avoiding the De Granos. Bata palang siya ay nakatatak na sa isip niya na kalaban ang mga ito at hindi makakabuti sakanya kapag nadawit ang pangalan niya sa pamilyang 'yon, the reason why she hates Alas...