CHAPTER 7

13K 220 13
                                        

"Fuck you!" galit na sigaw ni Harrison.
Tumayo si Alas at muling pinunasan ang dugong nanggagaling sa pumutok niyang labi.

I'm just glad that we are at the parking lot at walang masyadong nagpapark sa pwesto namin ngayon. I don't think I can face another scandal. Hindi pa nga ako pinapansin ni Daddy ay ito na naman. Baka umuwi 'yon nang wala sa oras para lang pagsabihan ako.

"Will you two stop!" hinablot ko na ang braso ni Harrison para kahit papaano ay mailayo ko siya kay Alas. Hindi ko siya nakitang naging ganito kabayolente kaya gulat talaga ako sa ginawa niyang pagsugod kay Alas.

"Umuwi kana Alas!" baling ko sa napuruhang lalaki.

"I need an answer, Aldreda." he said. Tiningnan ko si Luna at mukhang nakuha niya naman ang gusto kong mangyare.

"Let's go, Kuya. Gagamutin ko na 'yang sugat mo." pag-aya ni Luanna sa kapatid na mukhang wala pa ring balak na umalis.

"Hindi ko pa naririnig ang sagot ni Aldreda." pagmamatigas niya pa.

"Hindi ako buntis!" halos isigaw ko na sakanya.

"Visit your OB for my peace of mind." umirap ako at tinalikuran nalang sila habang hila si Harrison. I don't want to argue with him.

Hindi ako nahirapan sa paghila kay Harrison dahil kusa siyang nagpatangay sakin. I am breathing hard from that parking lot encounter.

Binitiwan ko si Harrison nang makalayo na kami sa parking lot. Maaga pa kaya kaunti palang ang tao. "May nangyare sainyo." that wasn't a question. Nabasag ang puso ko sa boses niya. He sounded so hurt from what he found out. "Akala ko hindi aabot sa ganun, Eda. I've seen how you two kissed in my own birthday party. On my birthday, Aldreda." umiwas ako ng tingin nang tumulo ang mga luha niya. I've seen enough tears awhile ago. And seeing another set of tears right now is breaking me. I don't deserve his tears. Hindi ako ang babaeng dapat niyang iyakan.

"I-I'm sorry." nabasag ang boses ko.

"The thought that you were just drunk eased me. Dala lang ng alak kaya nakipaghalikan ka sa kaibigan ko. Baka nga namalik-mata lang ako dahil lasing din ako pero..." he cursed. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang paghikbi. Gusto ko siyang hawakan pero parang ang rumi ko para ilapat ang mga kamay ko sakanya.

"Pinilit ka ba niya?" mas nasaktan ako sa naging tanong niya. Gusto niyang paniwalaan na hindi ko gusto ang bagay na 'yon kaya naghahanap siya ng rason para hindi paniwalaang may nangyare nga sa amin ni Alas.

"I'm sorry." nakayukong sabi ko.

"Ginusto mo." his realization made me bit my lips harder. "Is that the reason why you don't want me to wait?" he asked after awhile. Tumango ako, walang lakas ng loob pa para magsalita.

"I don't care. Masakit pero kaya kong tanggapin, Eda. Hindi mababago non ang nararamdaman ko para sayo." I closed my eyes painfully. This is too much. The more he said words, the more I realized how undeserving I am for him.

"Harry..." hirap na tawag ko. "What happened between me and Alas... it's not just because of the spirit of alcohol. Hindi niya ako pinilit..." I paused to drew a heavy sigh. "ginusto ko 'yon." kita ko kung paano tumiim ang bagang niya bago umiwas ng tingin sa akin. Ayokong saktan siya pero mas ayokong umasa siya sakin dahil mas malaki ang posibilidad na mas masaktan ko pa siya.

"You like him." he concluded. Hindi ako sumagot. Wala akong sagot dahil kahit ako ay hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko para kay Alas. I still hate him, hindi nagbago 'yon. Pero kung gusto ko na siya, hindi ko alam.

"Harrison! Eda!" Rohesia's loud voice interrupted our emotional conversation. Agad kong pinunasan ang basang pisngi  para hindi niya na makita pa. Malaki ang ngisi ni Rohesia habang palipat-lipat sa amin ni Harrison ang malisyosa niyang tingin. Kung may gusto man sa mga kaibigan ko kay Harrison para sa akin, si Rohesia 'yon. Sobrang gaan daw kasing kasama si Harrison at parang mahal na mahal daw talaga ako. That was her exact answer when Ingrid asked her why she likes Harrison for me.

Love Against UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon