CHAPTER 24

9.1K 155 23
                                    

Bumuhos ang masasaganang luha galing sa mga mata ko habang pinapanuod ang mga tauhan ni Daddy na walang awang binubugbog si Helius.

"D-Daddy, make them stop." pakiusap ko pero walang ginawa o sinabi man lang ang ama ko. He's just watching his men.

Pilit akong nagpupumiglas para makawala sa mga tauhan ni Daddy na nakahawak sakin. Halos maligo na si Helius sa sariling dugo. Hindi na makita ng maayos ang mukha niya sa dami ng sugat at dugo.

Umubo siya ng dugo na mas nagpasikip ng dibdib ko.

"Daddy!" pakiusap ko pa.

"Tumahimik ka, Aldreda!" gigil nitong baling sakin.

"Tama na po. Tigilan niyo na ang pagsuntok kay Helius." hagulhol ko. Napapikit ako nang sipain si Helius nang paulit-ulit. Ang mga daing niya ang mas dumurog sakin.

He doesn't deserve this. This is all my fault. Ako ang dapat na sinasaktan ni Daddy. Hindi na dapat pang nadamay si Helius sa gulong ito.

"Ganyan ang gagawin ko sa mga taong kumakalaban sakin. Naiintindihan mo, Aldreda?" nanalilisik ang matang baling niya sa akin. Humikbi ako at hindi magawang sumagot sakanya.

"Iuwi niyo na 'yan sa bahay at may hihintayin pa ako dito." utos ni Daddy sa mga tauhan niyang may hawak sakin. Nagpumiglas ako para makawala pero wala akong nagawa nang halos kaladkarin na nila ako papuntang sasakyan.

Naiwan kay Helius ang mga mata ko at rinig na rinig ko ang mga daing niya habang palayo ako. Wala man lang akong nagawa para tulungan siya. Kasalanan ko kung bakit nadamay siya sa gulo ng pamilya namin at ng mga De Grano.

Pinasok ako sa sasakyan at halos magmakaawa ako sa mga tauhan ni Daddy pero para silang mga bulag at bingi sa hinaing ko.

Sigurado akong si Alas ang hihintayin ni Daddy. Natatakot ako sa pwede niyang magawa kay Alas at Helius sa galit niya ngayon.

Isa-isa kong titingnan ang mga tauhan ni Daddy, nagbabakasakaling kahit isa man lang sakanila ay ang tauhan ni Alas pero dismayado ako nang makitang bago ang mga ito. Ngayon ko lang sila nakita at wala sa itsura nila ang maawa kapag nakiusap ako. They all look heartless. Para bang mga taong sinanay na huwag mahabag.

Bakit ako umaasang sa pagkakataong ito ay makakalusot pa ang mga tauhan ni Alas kay Daddy? He probably knows that his people are Alas'. Hindi ako magiging ligtas sa sarili kong ama. Natatakot ako hindi lang para sa sarili ko kundi para na rin sa anak ko. My father will never accept a De Grano.

Mas naiyak ako sa isiping iyon.

Naging mabilis ang pagmamaneho ng tauhan ni Daddy. Papasok palang ang sasakyan ay nakita ko na si Mommy na nag-aabang malapit sa pinto. Malayo pa man ay kitang-kita ko na na umiiyak siya.

Seeing my Mother feels like a new hope. Para akong muling nabigyan ng pag-asa.

Lumabas ako ng sasakyan at patakbong lumapit kay Mommy. Yumakap ako sakanya at parang batang umiyak sa dibdib niya.

"He knows." sabi niya. "Your intimate scene with Lucian in an elevator went viral. Photos of you going to his unit, him fetching you in the University, you in his house, in the bar, Luanna giving you foods, it's all over the internet right now. I tried to take them down but it spreads like wildfire, hanggang umabot na sa Daddy mo. Umuwi siya at hindi ka naabutan dito. Galit na galit siya." mas umiyak ako sa mga narinig ko.

"Si Helius, Mommy." parang batang sumbong ko. Malinaw na malinaw pa rin sakin ang mukha nitong naliligo na sa sariling dugo at wala akong nagawa para mapigilan si Daddy. Mas nag-aalala ako sakanila ni Alas kesa sa pwedeng gawin sakin ng ama ko.

Love Against UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon