CHAPTER 33

9.9K 162 12
                                        

I'm just hugging him until he's done crying. Naamoy ko ang alak sakanya. Mukhang nakainom ito bago umuwi dito. I'm glad that this place came first to his mind to go home to. Pero hindi rin naiwasan ang pag-aalala. He's drunk. Things can happen along the way. Mabuti at ligtas siyang nakarating.

Sa sitwasyon niya ngayon, ang kailangan niya ay ang taong makikinig at makakaintindi sa pinagdadaanan niya. He just lost his friend. Sobrang sakit non sa parte niya dahil para na rin siyang nawalan ng miyembro ng pamilya. Nagpakasal sa iba ang babaeng mahal niya. Sobrang sakit din non. Learning that the woman you love is married to someone else. I can't imagine his pain right now. He just lost two important people in his life.

Kung sa aking parte, magpapakasal sa iba ang mahal ko, baka ikabaliw ko ang sakit. Baka hindi ko kayanin. Kung kayanin ko man, siguro matagal bago ko matanggap. I would cry a river or I would beg the woman he married to just let go of my man.

You know what's painful in love? It's experiencing everything with a person that you're not the endgame. Sa sitwasyon ni Ark, they met but not meant. 'Yun siguro ang pinakamasakit na klase ng pagmamahal. 'Yung wala kang magagawa dahil sa iba pala itinadhana. I don't want to experience that kind of love. I want the love that stays. Kahit ilang taon ang lumipas, hindi magbabago ang nararamdaman, ako at ako ang mahal. Ako ang pipiliin araw-araw.

Bumigat siya sa balikat ko. He's now sleeping on my shoulder. Dahan-dahan ko siyang inihiga sa banig.

"Whatever your reason for hurting her, you'd hurt her badly that she chose to marry someone else." sabi ko. Marriage is sacred. Mahal niya ang lalaki kaya pinakasalan niya. Other than love, I won't accept anything to get married.

Naniniwala akong kapag pinakasalan mo, mahal mo. At kung dumating ang oras na magpapakasal sa iba ang lalaking mahal ko, iiyak ako at magmamakaawa. Bakit hindi ako?

Hindi na ako pinatulog pa. Nabagabag ako ng mga napanaginipan ko at nang pag-iyak ni Ark. Nakaupo lang ako malapit sa natutulog na si Ark. I want to see his face but the darkness won't permit.

He sleeps peacefully. Akala ko dadalhin niya hanggang pagtulog ang sakit na nararamdaman. He snores lightly and in a deep slumber.

Nasa tabi niya lang ako hanggang sa magliwanag. Hindi na ako inantok pa. I was flooded by different thoughts that sleep didn't try to stop me. I am hurting for Ark. Sa paliwanag ng kwarto ay ang pagkasilay ko sa mukha niya. The sounds of his snores are peaceful, kabaliktaran sa nakikita ko sa mukha niya. He looks bothered. Nakita kong may sugat din ang kamao niya na para bang may sinuntok na matigas na bagay. Natuyo na ang dugo doon.

Marahan kong kinuha ang kamay niya at pinagmasdan ang mga sugat niya. Gusto kong kahit sa ganitong paraan ay maramdaman niyang may kasama siya. Baka by holding him, mabawasan man lang ang kirot na nararamdaman niya. My clear vision became blurry. Unti-unting bumuhos ang mga luha ko. Ilang butil ang napunta sa likod ng palad ni Ark. Naalala ko na naman ang mga iyak niya kagabi.

I saw him cried while looking at me, but not to the extent that he broke down. Kung ako nasasaktan sa mga nalaman ko, hindi ko naman personal na kilala ang mga taong 'yon, pano pa kaya siyang kaibigan at dating minahal. A man his calibre, crying, it must be too painful that he can no longer hide it.

"E-Eda..." dahan-dahan akong bumaling sakanya. Nakakunot ang noo niya na para bang may iniinda at inaalala. Ngumiti ako sakanya sakabila ng mga luhang nag-uunahang tumulo sa pisngi ko.

"H-How are you feeling?" I asked. Shocked was evident on his face. Umawang ang mga labi pero hindi nagsalita. Bumaba ang tingin niya sa kamay niyang hawak ko bago muling ibinalik sa akin ang atensiyon.

"You can talk." he said. Tumango ako, nakangiti pa rin sakanya. May sumilay na ngiti sa mga labi niya pero hindi umabot sa mga mata. He could have been one of the happiest after hearing me talk but with his situation right now, I completely understand the lack of strength to be happy for my recovery.

Love Against UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon